Natigilan sa paglalakad si Devie habang papasok ng Airport. Nakita niya kasi ang mga alipores ng sindikato iyun na nakakalat sa paligid. Nakangiti na dinukot niya sa bag niya ang mamahalin shades at sinuot yun. Mabuti na lang naisipan niya magpakulay ng buhok. Ang dating itim na buhok niya ay kulay blonde na ngayon. Inilugay niya iyun. Kalmante lang siya naglakad na ulit. Napangisi siya ng malagpasan ang isang lalaki na naghahanap sa kanya. "Passport,ma'am..." anang ng empleyado ng airport na nagtsi-check ng passport ng mga pasahero. "Thank you,Ma'am.." Nakangiti na tinanguan niya ang babae at sumunod sa mga nauna ng pasahero. Nakahinga lang siya ng maluwag nang magtake off na ang eroplano. May ilang oras lang naman bago siya makarating sa Aurora. Nang marating niya ang Dalia Hotel

