HFL2: SEVEN

555 Words
"Hanapin niyo ang espiya iyun! Siguruduhin niyo na mapapatay niyo ang babaeng iyun!" nanggagalaiti saad ng big boss ng mga sindikato. Maigi siya nagtatago sa isang manhole na nakita niya sa isang eskinita na tinahak niya habang patakas sa mga ito. Bahagya nakaawang ang takip niyun kaya naririnig at nakikita niya ang mga ito. Hindi niya alintana ang baho ng kinaroroonan niya ang mahalaga sa kanya ay ang kaligtasan niya. Secret Agent,iyun ang trabaho niya. Pikit mata na inakit niya ang lider ng black syndicate para mag-espiya sa illegal na gawain ng grupo. Sanay na siya maging undercover sa isang assignment at lagi siya nagtatagumpay but not this time. Nabuking siya dahil hindi pala tulog ang lider ng mga ito. Lagi niya ito pinaiinom ng gamot na pampatulog sa iba't-ibang paraan bago pa man siya nito malawayan na hindi nito namamalayan. Hindi sa pagkakataon nito dahiL naging matalino ito at nahuli siya hinahalungkat ang mga sekreto taguan ng mga mahahalaga documento sa opisina nito. Buwis buhay ang ginawa niya para iligtas ang sarili mula sa malupit na grupo. Alam niya hindi siya bubuhayin ng mga ito sa oras na mahuli siya. Napaatras siya ng may umapak sa takip ng manhole. "Boss,kailangan niyo nang bumalik sa hotel..baka may back-up ang babae iyun," suhestyon ng kanang kamay ng lider. Maya-maya pa ay narinig niya ang papalayo mga yabag ng mga ito. Napatingin siya sa kanya paanan ng may bumangga sa paanan niya. Nakaterno pajamas lang sya at nakayapak. Napamura siya ng makita na malaking daga iyun na dumaan sa pagitan ng mga paa niya. "Shit.." nangdidiri niya mura nang makita ang malapusang laki ng daga. Hindi siya maaaring basta-basta na lang lumabas ng manhole baka may naiwan pa sa paligid na kalaban kailangan niya hintayin bago magbukang-liwayway para sigurado na wala ng tao sa paligid. Agad na dumeretso siya sa Agency nang makapagpalit ng kasuotan sa pinagtatrabuhan niya at nagreport. "Kailangan mo magpakalayo-layo muna,Devie..kami na ang bahala sa susunod na operation..mahusay mo nagampanan ang trabaho mo," anang ng boss niya. Kahit papaano satisfied ang paghihirap niya nakuha niya ang dapat na makuha. Napangisi siya. Agad na naisilid niya sa loob ng pajama niya ang black book kung saan nakasulat ang lahat ng katrasaction ng black syndicate. Sinurrender niya iyun sa office nila at doon na nagwawakas ang assignment niya ang iintindihin na lang niya ang magtago muna hangga't hindi pa nahuhuli ang mga sindikato iyun. Saan naman kaya siya magtatatago? "Ito nga pala,kung nahihirapan ka kung saan magtatago muna..dyan ka muna pasamantala manatili..hintayin mo lang ang tawag mula sakin bago ka makabalik ulit sa trabaho mo," anang ng boss niya. Tumango siya at dinampot ang isang flyers. Dalia hotel and Resort sa Aurora. Pwede na,malayo-layo na ito ng Maynila. "Sige,Boss! Hanggang sa muli pagbabalik ko ng trabaho.." aniya sabay saludo dito. Palagi may banta sa buhay niya pero hindi siya natatakot ng mga banta-banta yan. Minsan na siya nag-agaw buhay dahiL sa isang assignment pero nakasurvive siya kaya second life na niya ito. Hahayaan ba naman niya masayang ang pangalawa buhay niya,syempre hindi. She sighed. Balang araw,matatahimik din ang mundo at buhay niya. Magkakapamilya siya. Mapait sya ngumiti. Sa klase ng trabaho niya malabo makatagpo siya ng lalaki na uunawa sa nakasanayan na niya. Muli siya bumuga ng hangin. Exciting ng life niya,sa totoo lang,and daming thrill!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD