Walang gana na tinanggal niya ang suot na necktie. Kagagaling lang niya sa kasal ng pinsan si Jamiel. Nauna na siyang umuwi sa magulang niya na naiwan pa sa Aurora. Hungkag at tila wala siyang buhay,isang Linggo na siya ganun mula ng malaman niya na umalis ang kasintahan. Pinuntahan niya ito sa Zamboanga pero hindi siya hinarap ng dalaga. Abala daw ito sa ginagawang trabaho. Wala naman siya nagawa kundi hayaan muna niya tapusin ang trabaho nito. Sisiguruduhin niya na mag-uusap sila pagkabalik nito ng Maynila. Napukaw ang malalim niya pag-aalala sa kasintahan ng tumunog ang kanya telepono. Tumatawag ang kanya ina. Agad na sinagot niya ang tawag. Tumikhim muna siya bago siya nagsalita. "Hi,Ma!" masigla niya sagot. Hindi agad sumagot ang ina sa kabilang linya. Alam niya nahahalata n

