Siguro kung wala lang siya sa tamang pag-iisip malamang nakatutok na ang baril niya na lagi niya dala mula sa kinaroroonan ng kasintahan. Mula sa kinatatayuan niya kitang-kita niya ang masaya nito pakikipaglampungan sa isang magandang babae na kasama nito. Nasa labas ang mga ito ng malaking bahay at naningkit ang mga mata niya kung paanong haplusin ng babae iyun si Dwayne sa braso nito. Mariin niya naikuyom ang mga palad. Tama nga ang naiisip niya,niloloko lang siya ni Dwayne. Two timer! Manloloko! Kaya pala ayaw pa siya nito ipakilala sa magulang nito dahiL may babae na pala ito ipinakilala sa magulang nito at magkasama pa sila . Bago pa man magdilim ang paningin agad na nilisan niya ang lugar na yun. Sayang ang pagmamahal niya para rito. Sabagay,kasalanan naman niya kung hindi niya

