Halos magiba ang metal na rehas na pinagkukulungan ng itim na lobo sa tindi ng pagwawala nito. Naningkit ang mga mata ni Doktora Amore habang pinapanuod ang marahas na pagwawala ng itim na lobo. "Hindi ko inaasahan ang bagay na ito,masyado siyang agresibo ngayon,domoble kaysa sa dati..?" may pagtataka komento ni Debbie sa anak. "Wala ba siya sinasabi na kahit ano?" baling ni Amore sa kanya. "Gaya ng ano?" kunot-noo tugon niya. Muling bumaling si Amore sa kanya anak. "Ganyan kaagresibo si Jamiel pareho sila nais na mawasak ang kulungan na yan ang kaibahan lang kasama na ni Jamiel ngayon ang mate niya..." anito. Makahulugan na bumaling ito muli sa kanya. "Isang indikasyon na natagpuan na niya ang kanya mate.." Marahas siya napabaling sa anak. "Ang sinasabi mo ba ay kaya siya gany

