Hindi siya makatulog kaya naisipan niya maglakad-lakad na lang muna sa may dalampasigan. May kalakasan ang hangin sa labas at hindi naman niya naisip na magsuot ng jacket o sweater. Tinatamad na siya bumalik sa bahay kaya niyakap na lang niya ang sarili. Nakakita siya ng pwedeng mauupuan kaya doon siya pumuwesto sa isang malapad na bato at naupo. Alam niya nasa ligtas siyang lugar kaya hindi nakakangamba na lumabas ng bahay ng dis oras. Tiningala niya ang kalawakan. Nababanigan ng mga bituin ang kalawakan. Napakatiwasay ng gabi at sana ganun din ang kanya buhay. Napabuntong-hininga siya. Hindi naman siya nagsisisi sa naging career niya minsan lang taLaga pumapasok sa isip niya na sana maranasan din niya maging tahimik,komportable at masaya..sa piling ng isang mapagmahal at maarugang k

