Mas naging pursigido siya na mapalapit sa kanya ang dalaga. Pagkaraan niya halikan ito noong nakaraan gabi mas pinatunayan niya rito na wala taLaga ito kawala sa kanya. Ginagawa niya ang lahat para ipakita rito na seryoso siya. Hindi na nga niya naiisip na kaya sila nandun ay dahil nasa panganib ang buhay nito pakiramdam niya nasa isang mahabang bakasyon lamang sila. "Anong gusto mong gawin ngayon araw?" untag niya rito habang nag-aalmusal sila. "Kailangan ko bumili ng napkin.."sagot nito. " Okay,ako na bibili.." Natigilan ito sa pagsubo ng sinangag. "Bakit?"untag niya rito. "Seryoso ka dun?" maang nito saad. "Ano naman masama dun? Bibili lang naman ako ng napkin ng girlfriend ko,di ba ang sweet ko?"nakangisi niya saad. Naningkit ang mga mata nito. "Girlfriend? Sino? Ako ba?" He

