Chapter 1
Where It All Started
"Ahhhh!"
Napasigaw ako sa gulat nang biglang namatay 'yung mga ilaw dito sa park. Madilim pa naman na!
"Seryoso ba 'to?!" tanong ko na lang sa hangin at sa mga puno. Nakakainis!
Bakit ba biglang nawalan ng mga ilaw dito?
Nahihirapan akong maglakad dahil sa sobrang dilim, pero nagpatuloy pa rin ako para makauwi na. Nakakatakot na rin kasi.
Malayo layo na ang nalalakad ko nang bigla na lang akong napatid! Ang ipinagtataka ko, e kung bakit hindi ako nabagsak sa lupa...
Uminit agad ang sikmura ko nung maramdaman ko ang mga kamay na nakahawak sa'kin bilang pagsalo. Shocks!
Kahit madalim ay medyo naaaninag ko na lalaki ito. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahang bigla.
Hindi ako gumalaw, pero parang biglang nanlambot ang mga paa ko.
Mas ikinagulat ko pa nung na out of balance na kami ng tuluyan. Ang bilis ng pangyayari!
Tuluyan na kaming bumagsak! Siya sa lupa at ako sa... sa katawan niya!
Ilang segundo pa bago ko na-realize na yung labi ko na... nakadampi sa labi niya!
Namilog ang mga mata ko.
Diyos ko! 'Yung virgin kong labi!
Walang anu-ano at sinampal ko ang lalaki. Hindi nasikop ng kamay ko ang buong mukha niya pero alam kong lumantay iyon sa bandang panga nito.
"Aray!" sigaw nito.
Tumayo ako agad at ganoon din iyong ginawa nung lalaki.
I still can't see him clearly but I know that his height is towering me.
"Manyak!" bulyaw ko sabay hampas ng aking bag sa kanya.
"Aray! Hoy, Miss! Ikaw kaya itonh bumangga sa'kin!"
Nakakairita ang pagsigaw niya, pero hindi ko naman maiwasan mapansin ang matipunong boses nito.
"Bakit kasi paharang harang ka sa daan?!" tanong ko, pagbabaliwala sa mapanlinlang niyang boses.
"Hoy! Kanina pa ko nakatambay dito. Tapos biglang may babae na palakad lakad at binangga ako." saad niya.
"Hah! Manyak ka lang!"
Alam kong mali ang mamintang agad pero kasi naman, e! Nahalikan ako! Kahit pa sabihin mong saglit lang iyon at gilid lang na bahagi ng labi namin ang nagdikit... Ah basta!
Dumikit, e!
"Ako? Manyak?! For all I know baka nga sinadya mo pa na banggain ako, e. Sinadya mo na mag kiss tayo!"
Tumaas ang kilay ko sa sinabi ng lalaki sa akin. How dare he accuse me?! At bakit ko gugustuhin ang halik niya? Ang kapal!
Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas na ang mga ilaw.
Hindi ko na namalayan, napatingin na lang ako roon sa lalaki... Hindi tingin. Titig actually.
Holy watermelon!
Why does he look like a model of those expensive clothing brands?! He's tall, his hair is well brushed up, his jawline is perfect... matangos ang kanyang ilong...
In short, he's handsome!
Pwede ko na ba bawiin yung salitang "manyak"?
Hala hindi, nahihibang na ako! No way. Hindi ko babawiin yun. Putik na 'yan!
First kiss ko 'yun! Ini-imagine ko pa kung gaano magiging romantic 'yung first kiss ko tapos ganoon na lang! Hindi ako papayag!
"Hoy, Miss!" he snapped.
"Ang... ang kapal ng mukha mo!" sabi ko sabay hampas ulit ng bag ko sa kanya.
Wala akong paki kahit mabaklas pa 'tong bag ko, ano!
"Aray, ano ba?! Alam mo aminin mo na lang. Pwede naman kita bigyan pa ng isang halik. Hindi mo na kailangang magpakahirap pa." he said and smirked.
Ang kapal ng mukha niya grabe! Pogi pero saksakan ng kayabangan!
"Asa ka! Alam mo..."
Naputol na lang ako sa pag sasalita dahil tumunog 'yung cellphone ko... Kinuha ko agad iyon mula sa akong pouch bag.
Calix calling..
Nagulat ako sa pangalang nakita ko sa cellphone. Am I dreaming? Is he really calling me?
Tumalikod ako at agad na sinagot iyong tawag.
"Hello?" paunang bati ko, pero walang sumasagot sa kabiling linya.
"Hello?" I said again.
"Calix?"
Sunod sunod pa akong nagsalita but I didn't get any response. Hanggang sa mag end na lang 'yung call... Aray naman.
Mag e-emote na sana ulit ako when I remember the bastard who just stole my first kiss!
Pagkaharap ko, wala na. Wala na siya! Aba. What a jerk! Kiss Stealer!
Kung kailan gangster vibes na ako at gusto ko nang manapak... biglang nawala siya. Badtrip! Badtrip yung lalaking 'yun!
Gumulong gulong sana siya sa bangin!
Hindi ko na alam 'tong nararamdaman ko. Halo halo na. Nalulungkot ako na naiinis na nagagalit na ewan!
Kasalanan 'to ng best friend ko, si Calix. Hindi niya ako kinikibo hanggang ngayon... Kung kailan aalis na kami ng pamilya ko. Sa Maynila na kami titira at doon na rin ako mag-aaral.
Ihahatid muna ako nila Mommy at Daddy sa Maynila, tapos sila pupunta sa States dahil may biglaang business transactions na kailangan asikasuhin doon.
At kaya naman ako nasa Park na 'yun e dahil doon ang usual spot naming dalawa ni Calix.
I texted him, ang sabi ko magkita kami roon. Kahit hindi siya nag reply ay umasa pa din ako. Umasa ako na baka sakaling pumunta siya, umasa na baka sakaling gusto niya din ako makita bago ako umalis. Kahit iyon na lang... pero wala, e.
Kanina pa akong alas tres nandoon. At ngayon ay alas otso na.
Wala na siguro talaga.
-
It's been a week.
Nandito na kami ngayon sa Maynila. Maganda iyong nalipatang bahay, mas malaki sa dati. May garden, may pool at madami rin itong mga kwarto.
Unfortunately, I will be alone here for a while.
Bago umalis ang mga magulang ko, inayos muna nila iyong mga papeles para makapag transfer ako ng eskuwelahan.
Medyo mahirap na daw kasi mag fo-fourth year highschool na ako, pero buti na lang kaibigan nila Daddy 'yung may-ari ng school.
Sa Pringed Wood Academy ako mag aaral. Maganda raw kasi doon, kilala at mataas ang kredibilidad.
Medyo kinakabahan na nga ako dahil bukas na ang first day of school.
Palingalinga ako sa sariling kwarto.
Mag-isa na lang din ako rito ngayon, hindi ko pa maiwasang hindi isipin si Calix! Pero ano ba nga ba ang magagawa ko?
Kung gusto niya akong iwasan ay wala na akong magagawa pa. Hindi ko kontrolado ang pagiisip niya... Kaibigan ko siya at may respeto ako sa kanya at sa mga desisyon niya.
Kailangan ko na lang talagang mag move on sa nararamdaman ko...
Hay.
Napabalikwas na lang ako nung marining ko iyong alarm. Kailangan ko nang bumangon para mag gayak!
Inaantok pa ako, pero hindi naman ako pwedeng matulog ulit dahil ayaw kong mahuli sa klase.
Pagkatapos kong mag bihis ay uminom muna ako ng kape at sumubo ng biscuit.
Pulbo na lang naman sa mukha at pwede na akong umalis... I patted a little amount on my face.
I stormed out of the house dala ang shoulder bag ko at suklay naman sa kaliwang kamay. Ang gulo pa kasi ng buhok ko.
Walis lang ang peg!
Pumunta ako roon sa may kanto ng subdivision namin at nag aantay ng taxi.
Natuyo na halos ang buhok ko.
Ano ba 'yan? Bakit parang wala namang taxi rito? Wala akong masakyan!
Mahigit trenta minutos na akong nag aantay dito.
I have no other choice! Gagamitin ko na lang iyong kotse sa bahay. Ang sabi kasi ni Daddy, gamitin ko lang daw ito pag emergency.
Emergency naman din 'to e, hindi ba? Hello, unang araw kaya ng klase ko. I can't mess this up!
Ayaw ni Daddy na gamitin ko iyong kotse dahil wala pa akong lisensya... At underage pa ako.
E, wala na akong choice. Saglit lang naman.
Bumalik na ako sa bahay para kunin iyong sasakyan.
Dahan dahan akong nagmaneho hanggang makarating sa eskwela. Medyo hassle pero kaya naman kasi malapit lang iyon sa bahay.
Pag dating ko, hinanap ko na agad 'yung room namin. Nalito pa ako ng kaunti kasi malaki ang PringeWood at madami pang pasikot sikot.
Buti ay wala pang teacher pag dating ko sa classroom.
Nakahinga ako ng maluwag! Umupo ako sa may bandang unahan, doon lang din kasi ang may mga natitira pang pwesto.
Hindi ko alam kung bakit nagkukumpulan sila roon sa may likuran.
Pag pasok nung teacher, agad itong nagpakilala. Siya raw si Mrs. Lopez. Mukha siyang mabait at approachable.
Sinabi rin niya na magpakilala raw ang mga bago sa harapan.
Kinabahan ako ng bahagya.
Tinatawag isa-isa ang mga bagong estudyante para pumunta sa harapan at magpakilala... Madami rin pala kaming mga bago. Anim yata o pito?
"It's your turn, Ms. Fernandez." I lost my thoughts nung biglang tinawag na ako nung teacher namin.
Tumayo na ako agad at pumunta doon sa gitna.
"Hi! My name is Frans Abigail Fernandez. You can call me Frans. I'm 16 years old." saad ko sa harapan.
Grabe ang awkward! Nakatingin kasi sa akin ang lahat, e. Bakit ba? May dumi ba ko sa mukha?
Nung breaktime na, tatayo na ako ng biglang kinausap ako nung katabi kong babae...
"Hi! I'm Paui! Frans right?" pag papakilala nito.
Bumaling naman ako sa kanya. Ang ganda nito at ang charming tignan.
"Oo, ako nga. Hello! Nice meeting you Paui." sabi ko habang nakangiti.
"Bagong student ka diba? Ako rin kasi. Kaya wala pa akong masyadong kilala..."
"Oo nga e, ako din wala pa. Pero ngayon meron na." We both giggled a bit. Alam naming pareho na siya iyong tinutukoy ko.
"Lunch?" pag anyaya niya. Tumango naman ako.
"Tara." I tried my best to muster a welcoming tone.
Pumunta na kami ni Paui sa Canteen.
I was surprised when we got a long easily. Pareho nga kami ng ulam na napili.
Nagusap pa kami habang kumakain. Nagpakilala ako sa kanya at ganoon din ito. She told me some things about her, and vice versa. Ang saya ng kwentuhan namin dahil makulit din pala itong si Paui.
Inuubos ko yung inumin ko ng biglang nag salita ulit ito.
"Frans tignan mo yung tatlong 'yon." sabi niya sabay turo.
"Anong meron sakanila?" takang tanong ko rito.
"They are the V3. The Venoms! Hindi lang sila mayaman, they are also very handsome plus talented pa." maligayang pagpapakilala ni Paui doon sa mga lalaki na nakaupo sa malayong table.
Napatingin naman ako sa mga iyon... Oo nga may itsura nga 'yung dalawa. Obviously, they are heart throbs! Siguro ay sila iyong mga lalaki na mahilig laruin ang mga babae sa eskwelahan na ito.
'Yung isang lalaki, hindi ko makita ang mukha... nakayuko e. Pero sa body physic mukha namang may itsura rin.
"Kahit sa school ko noon ay sikat sila! Madami talagang gusto lumipat dito para sa tatlong yan! At isa na ako sa mga 'yun... I have a huge crush on Zimmer! Iyong nasa left side. Iyan siya! Si Zimmer Fuentabella... Guitarist siya and he is the cool dude sa barkada nila."
And at that very moment isa lang ang nasa isip ko, ang gandang stalker ni Paui! Lumipat talaga siya para sa tukmol na 'yan?
Nag salita ulit ito.
"Iyang nasa gitna, si Dominic Mercado. He's the nice guy. Magaling siya sa drums... At iyong nasa right side 'yung nakayuko, that's the ever most popular Christan Gonzalez, he's the V3's bad boy and vocalist!"
"That guy Dominic really looks nice." sabi ko.
Mukha nga kasi talaga siyang mabait... I don't know how, siguro sa facial features niya.
"So you like the nice guy?" panunuya ni Paui.
"I just said he looks nice." natatawang tugon ko.
Buong klase si Paui ang katabi ko. Good thing na wala pang sitting arrangement kaya pwede pa kaming mag tabi. I'm happy that I already have a friend. She's cool and witty.
Nung uwian na, we exchanged numbers and emails bago ako sumakay ng kotse.
It's quite a tiring day, first day pa lang pero madami dami na ding pinagawa sa amin.
I am calmly driving ng biglang may lalaking biglang lumitaw sa harap ko! Agad akong lumiko at prumeno.
Mahabagin! Muntik na akong makabangga!
My heart is beating so fast...
Muntik ko na mabangga 'yung lalaki!
Bumaba ako ng kotse para tignan ito. Nakadama ako ng takot... Nakita ko siyang napaupo sa kalye.
"I'm sorry. Pasensya ka na hindi ko sinasadya. I'm really really sorry." I apologized sincerely.
Tumayo siya.
Muntik na akong mawalan ng bait sa nakita ko!
"Kiss Stealer?!!!"