Chapter 2
A Beautiful Nightmare
Someone's POV
What the hell? I can't believe who's in front of my eyes! Seryoso ba ito? Pinanganak ba siya para banggain ako?!
Last week, nagpunta kami sa Tagaytay para sa isang family vacation.
Nasa park kami noon. E dahil naiirita ako, humiwalay ako sa mga kasama ko at nagpahangin mag-isa. Ang sarap sa pakiramdam... mas maganda sana kung madilim.
Bigla akong nakaisip ng ideya.
Pumunta ako sa main switch na nasilayan ko kanina bago makarating dito sa pwesto ko. Pinatay ko 'yon.
Nakarining pa nga ako ng sigaw.
Hindi ko maiwasang hindi matawa... 'di bali bubuksan naman iyan ng mga staff mamaya, e.
I went back to my spot and felt the fresh air... What's good?
Nagulat ako ng biglang may babae na bumangga sa'kin. Una na-control ko pa kaya naman nasalo ko siya. Kaso kinilaunan, na out of balance na ako at nalaglag kami ng tuluyan sa lupa!
Ang sakit sa likod! Buti nga siya sa katawan ko bumagsak, e. Ako sa lupa, pare. Lupa!
Hindi ko rin namalayan na 'yung labi niya ay lumapat sa gilid ng labi ko.
Sa sandaling segundo na nangyari iyon, hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Parang may koneksyon kung saan...
Pero nagulat din talaga ako noon. How dare our lips touch in a simple fall... stupid yet seizing.
At mas nagulat pa ako ng bigla niya akong sinampal!
Ang mas matinde? Tinawag pa kong manyak. Excuse me, ako ang nilalapitan ng mga babae 'no!
Nung bumukas na ang mga ilaw, there, I saw her... She's beautiful. Really really beautiful.
Kulay brown ang kanyang buhok, bilugan ang mga mata, her nose is well structured and her lips... Oh s**t.
Para siyang isang anghel na bumaba sa langit. Hindi ako nagbibiro. Mas seryoso pa ako rito kesa sa mga quizzes ko, ano!
Nagsagutan lang kami ng nagsagutan. Kung anu-ano na lang ang sinabi ko, wala lang inasar ko lang siya.
Ang cute niya rin kasi maasar... biglang nag ring ang phone nito at agad din naman niya 'yong sinagot.
Naramdaman ko rin na nag vibrate iyong phone ko. Nagtext na si Mama... Hinahanap na ako kaya ayon umalis na ko.
Bye sungit.
Tapos ito na, first day of school. Here we go again! As usual, ganun pa din. Pag dating ko, nagkagulo nanaman ang campus. Girls gone wild.
"You're so hot!"
"Ang pogi mo omg!"
Sigaw nila.
Nakakairita lang. Alam ko naman na, bakit pa nila kailangang isigaw?
Sikat kami ng mga barkada ko sa school. Pero sa totoo lang, wala akong pake roon. Basta ang alam ko lang, kami ng mga kaibigan ko, solid yun!
We do anything we want in anytime we want. That's us.
They also say that I came to break hearts. No darling, I just came. You are the one who broke your own little heart.
Sa classroom, ayan nagpakilala na 'yung mga bago. Iyong babae na huling tinawag ni Ma'am Lopez ang nakakuha ng atensyon ko.
Hindi ko alam kung bakit.
Nasa unahan siya nakaupo. Ako naman syempre, lagi namang sa likod pumepwesto...
Nung humarap siya, nagulat ako kasi parang pamilyar ang mukha niya sakin kaya tinitigan ko pa siya ng mabuti.
Fuck. She's the girl I bumped into! 'Yung sa Tagaytay!
Nagpakilala siya, and now I know her name.
Frans Abigail Fernandez...
A devilish smile flashed on me. The way we keep on meeting each other is like some kind of weird destiny.
"Hoy Ms.Fernandez! Pinanganak ka ba para banggain ako ha?!" sigaw ko sa kanya. 'Yung mukha niya ay gulat na gulat pa din.
"Ms.Fernandez? Oh my gosh, paano mo nalaman apelyido ko? Stalker ka ba ha? Stalker ka 'no! Manyak pa!" sigaw niya sa'kin pabalik.
Aba talaga nga naman!
"Stalker? Engot ka din e, ano. Nagpakilala ka kanina sa buong klase!"
"Klase? Ka... kaklase kita?!" tanong niya. Kitang kita ang gulat at pagtataka sa kanyang reaksyon.
"Hindi ba obvious?" tanong ko sabay turo sa uniform ko.
Tumingin lang siya ng masama tapos ay akmang babalik na sa kotse niya kaya nag salita ulit agad ako.
"Hoy san ka pupunta?!"
"Uuwi na ko." walang gana niyang sagot.
"Muntik mo na nga akong mapatay e, tapos ganyan lang?!" bulyaw ko sa kanya.
"Sorry na nga, e! Hindi ko naman sinasadya. At saka buhay ka naman... Sige na dyan ka na." saad nito.
"Ah so ganoon na lang?"
Nothing bad happened actually... Hindi ko nga alam kung bakit gusto kong ipilit na mayroon.
"Oo. Saka ayan quits na tayo. Pinapatawad na kita sa pag kiss mo sa'kin." sagot niya.
What the?
"Hoy hindi kita kiniss. Wag ka ngang mangarap. At alam mo ikaw pwede kitang kasuhan ng reckless driving!"
Napanganga siya.
"At hindi lang 'yon. Hoy, Ms. Fernandez ikaw ba may lisensya ka na?"
Hindi siya umimik. 'Yung mukha niya ang halatang natatakot.
Nakakatawa.
Nasindak ko din 'tong masungit na 'to.
"Wala kang lisensya 'no? Obvious naman, e. Underage ka pa." hindi pa din siya nag sasalita. Hah! No one gets away with me.
"Tara na." anyaya ko.
"Saan?" mahinang tanong niya. She's trembling a bit.
"Sa police station." matigas na sagot ko rito.
Pinagtitripan ko lang naman siya, hindi ko naman siya dadalin doon. This is what you called... tactics.
"Huy wala namang ganyanan. Sorry na." sabi niya. Nakatingin pa siya sa akin, pero iniwasan ko iyon.
Masyadong malambot ang kanyang mga titig. Mahirap tumingin sa mga matang ganoon... She could persuade me in just a matter of seconds!
Hell. I won't let that happen.
"Hindi mababago ng sorry mo 'yung mga nangyari. Kaya tara na." pagpipilit ko pa.
"Sige na please, sorry na oh. Hindi ko naman talaga gustong gamitin itong kotse e, wala lang akong masakyan kanina. Sorry na." she pleads.
Hindi ako nag salita. Patuloy pa rin akong nagiwas sa mga mata niya.
"Kahit ano gagawin ko. Wag mo lang akong isumbong, please." diretsong sabi niya.
I was amused... Naging interisado ako bigla.
"Talaga? Kahit ano?" I smirked.
"Oo. Kahit na ano."
Wow mukhang magugustuhan ko 'to.
Nagiisip-isip ako ng biglang nag vibrate 'yung phone ko. Pagsilip ko ay muntik na akong mapamura. Si Michelle nanaman.
She's been bugging me all day. She keeps on begging me to be with her again. Damn ex! Why the hell she couldn't understand the word 'over'?! Ganoon ba kahirap?
Fuck. Isang linggo lang naman naging kami. At saka joke lang 'yon para sa'kin. Kung sineryoso niya ang lahat... wala na ako roon.
Ano kaya magagawa ko para tigilan na ko ng babaeng 'to?
Shit! May naisip ako bigla. Damn, this one is the greatest idea ever!
"Okay, may naisip na ko." saad ko.
Bumalik ang tingin niya sa akin. Bubuka pa lang ang kanyang bibig ay inunahan ko na siya.
"Be my girl."
Pagtapos kong sabihin iyon ay saka lang ako nakatingin ng ayos sa kanyang mga mata.
"What?! Manyak ka talaga!" she shouted... Gulat na gulat pa ang itsura niya.
"Let me rephrase that. Be my fake girlfriend."
Hindi ko mapigilang hindi ngumisi. This is a great catch. I'm in a win win situation, aren't I?
I'll got the chance to spend time with this girl, and I can get rid with Michelle too.
"What the hell?!!" muling sigaw niya.
"Magpapanggap tayo na tayo... So that my ex would stop bugging me and get over herself."
"Seriously? You're crazy! That's the most stupid idea I've ever heard!" paghuhurumintado niya.
Tila ba iyon ang pinaka walang kwentang bagay na narinig niya sa buong buhay niya.
"Trust me. That's the greatest. So ano deal?" pagbaliwa ko sa mga sinabi niya.
"Ha? Ayoko nga! Bahala ka sa buhay mo. Ano akala mo sa atin, characters sa isang teleserye? Baliw ka!"
Aba nag matigas pa ah.
"So ayaw mo? Okay. Tara na." kukunin ko sana ang kanyang kamay kaso ay inunahan niya na ako. Nalagay na niya iyon agad sa likuran niya.
"Saan?" nakayukong tanong niya.
"Sa Police Station. Kailangan paulit-ulit?!"
Namilog ang mga mata niya at kumunot ang noo. Halong takot, pagkabwisit at pagkalito ang nakikita ko sa kanyang mukha.
Naiinip na ko ng bigla siyang nag salita.
"Payag na ako."
Napahinto ako sa kanyang sinabi. Tatlong salita lang 'yon pero bakit ganito ang mararamdaman ko? Wtf is this?!
"I'll see you tomorrow. Antayin mo ako sa lobby." malamig kong sabi.
"Ha?" tanong pa nito pero hindi na ako sumagot pa.
Tumalikod na ko at palakad na palayo ng sumigaw siya.
"Huy, wait! Ano ang pangalan mo?"
"Christan... Christan Gonzalez."
-
Frans' POV
Umalis na siya.
Pasakay na ulit ako sa kotse ko, and I'm still confused. Lalo na sa pangalan niya! Saan ko ba narinig yun?
Oh s**t.
"Christan Gonzalez! THE BAD BOY!"