Chapter 3

1528 Words
Chapter 3 Relationshit Bakit ba ako napapayag ng lalaking iyon na makisama sa kabaliwan niya?! Nakakainis! Sabi ni Christan ay antayin ko raw siya rito sa lobby. Bahala na nga. Agad akong nainip sa pagaantay sa kanya. Ang tagal naman kasi! Balak niya bang ipa-late ako? Malapit na mag time! "Hoy." Tumingala ako... Ayan na pala ang kumag. "Oh ano? May balak ka pa palang lumitaw." sabi ko tapos ay nauna na akong maglakad sa kanya. "E kung antayin mo kaya ako." sabi nito. Sumunod siya sa akin tapos ay bigla niya akong inakbayan. Nagulat ako sa aksyon niya! Inalis ko agad 'yung kamay niya sa akin. "Hoy anong ginagawa mo?!" sigaw ko. "Inaakbayan ka." walang anu-anong sagot niya. "Alam ko. Hindi pwede yan!" "Fake girlfriend kita, hindi ba? Ano angvgusto mo titigan lang kita?!" Napaisip ako. Oo nga ano... Ano ba yan! "Okay, sige. Magkalinawagan tayo ah. Sige... pwede mo na hawakan 'yung kamay ko o akbayan ako. But you can't kiss me or even hug me, okay! Wag kang manyak!" "As if naman gusto kong i-hug ka, lalo namang i-kiss ka. In your dreams!" mayabang nitong sabi. Aba 'to! "Tara na nga late na tayo." sabi ko na lang sa kanya. Muntik na muntik na ang pagikot ng mga mata ko sa pagkairita! "Okay, babe sungit." panunuya niya. Ano daw, babe? Babe? Kadiri! Gusto kong masuka! "Babe mo mukha mo!" sabi ko at tumawa lang siya. Walang hiya. Habang naglalakad kami papunta sa classroom, hinawakan niya ang kamay ko. Pilit ko iyong inalis bago pa kami makapasok ng classroom. Ayaw ko gumawa ng komusyon. Nauna ako ng kaunti pumasok pero agad naman din akong hinabol ni Christan kaya mukhang sabay lang kami. Hindi ko alam kung bakit para akong kinabahan nung makita ko na halos lahat ng mga kaklase sa amin ay nakatingin. Ano ba ang mayroon? Sabay lang namin kami ha? Ni hindi nga kami magkahawak ng kamay... 'Yung mga mata ng mga babaeng kaklase namin ay parang tinutunaw ako sa tingin nila, si Paui naman nakatingin din sa'kin. Yung mga barkada naman ni Christan mga nakatingin din... kitang kita ang pagtataka nila. Ano ba ito? Kaloka ha! Nagdiwang ang utak, puso, at tiyan ko dahil break time na. Makakahinga na din ako. "Sabay tayo." sabi ni Christan. What? Are you kidding me?! "May kasabay na ako." sagot ko sabay turo kay Paui. "Sige lang, Frans. Okay lang ako, girl." sabi niya ng nakangiti. "You heard her." saad naman ni Christan. I rolled my eyes. Wala akong kawala. Bwisit! Pati recess ay hindi pinalagpas! Pagdating namin sa canteen ay umupo na agad ako. "Anong gusto mo?" tanong niya sa akin. "Pagkain." sagot ko sakanya. "Anong klase!" sigaw niya. Tsk. Makasigaw naman 'to! "Bahala ka na." sabi ko na lang. Hindi ko rin kasi maisip ang gusto kong kainin. Pag dating niya, tinignan ko agad kung ano ang mga binili niya. Okay naman, mukhang masasarap. Mamaya kasi pagtripan ako nito at bumili ng kung anu-ano. "Kain na... Bumili na ako ng marami baka mamaya kasi PG ka." sabi nito. Ang sarap talaga niyang batukan! "Hoy hindi ako PG ah!" Tumawa lang siya sa paghuhurumintado ko. Habang kumakain kami... hindi ko maiwasang hindi siya tignan. Tahimik lang ito. At ang gwapo niyang talaga... Wait what? Ano ba 'tong sinasabi ko! Hindi siya gwapo! Kumag siya! Kumain na lang ako ng kumain. Gutom din kasi ako, e. Ako na yata ang naka ubos ng mga binili niya. Well, sabi niya kain daw diba? "Di pala PG ah." sabi ni Christan. Hindi ako makasagot dahil may subo subo akong fries. "Napakatakaw mo." panunuya niya sabay tawa ng malakas. Nagulat ako ng bigla niyang pinunasan ang bibig ko. Para bang napahinto ako noon... Umiling ako sa hindi magandang iniisip. Wala naman ito, e... Pa sweet effect lang siya. Tsk. Typical bad boy! Ang dami tuloy nakatingin... kung alam lang nila. "Ewan ko sayo... Teka nga asan ba 'yung Michelle? Mamaya ay pa ganito ganito tayo wala naman pala yung babae na 'yon dito." saad ko. "Wala nga." baliwalang sagot niya na ikinainit ng dugo ko. "Ano? E bakit pa natin ito ginagawa, wala pa naman pala?!" "Alam mo ang engot mo. Syempre ang maganda niyan, yung mga tao dito muna ang magbabalita sa kanya. Ang sunod naman ay makikita niya tayo ng sarili niyang mata. Tapos ang panghuli, papatunayan talaga natin na tayo, kaya dapat i-kikiss mo ko 'nun." paliwanag niya. Ni hindi ko nga alam kung seryoso siya, e. Anak ng papaya! "Hoy! Anong kiss? Abuso ka ah!" Jusko manyak talaga yata 'to. Mag sasalita pa sana siya pero biglang tumunog na ang bell. Ha! Buti nga! Tumayo na agad ako para pumuta sa sunod na klase ko. Magkaiba kami ng klase kaya naman hiwalay kami. Sa wakas! Nung uwian na, nag ayos muna ako ng gamit ko. Si Paui ay nag paalam na dahil nagmamadali na daw ang sundo niya. Si Christan naman, ewan ko ba doon. Hindi pumasok ng last subject. Tsk. Baka nag pa cute nanaman. 'Yun lang naman ang alam gawin nung kumag na 'yun! Ako na lang ang naiwan sa room. Palabas na sana ako nang may mga babae na humarang saakin. "Hey you, newbie." sabi nung babae na may kahabaan ang baba. "You flirt!" sabi naman nung isa na nakapukol ang nguso. "How dare you getting near to Christan?" "You're so feeler!" Apat na babae ang humarang sa akin. Hindi naman sila mukhang seniors, mukha nga silang juniors sa totoo lang! Baguhan ako pero senior na ako, ano. "Gusto mo ba ng away ha?!" amok nung isang babae. "Gusto ko ng umuwi. Kaya excuse me." matigas kong sabi. Palabas na ako ng hinawakan 'nung babae iyong braso ko. "Duwag ka pala eh." utas niya. "Ayoko lang ng gulo, okay." sabi ko sabay alis ng braso ko mula sa pagkakahawak niya. Sasampalin na sana ako nung babae ng biglang may humawak sa kamay niya. "Christan?!" she exclaimed. "What are you doing?" malamig na tanong ni Christan. "Tinuturuan lang namin ng leksyon tong wannabe feeling girlfriend mo!" bulyaw nung babae na mahaba ang baba. Umigting agad ang panga ni Christan. "Excuse me. She's not a wannabe. And for your information she is my girlfriend. So back off." sabi nito na ikinagulat nung mga babae. Mag sasalita pa sana ito pero inangat ni Christan ang kamay niya na tila ba pinapahinto iyong babae. "Don't try to lay a hand on her again. Or else you'll see. Hindi ako nanapak ng babae... pero baka ngayon magawa ko na." Inakbayan ako ni Christan at iginaya palabas doon. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ako. I felt happy. I... I felt safe. Pagkalayo namin ay inalis na nito ang kamay niya sa balikat ko. "Okay ka lang?" tanong niya. Okay lang naman talaga ako. Kaya ko naman na labanan 'yung mga b***h na iyon, madami lang sila. "Okay lang. Thank you." sabi ko at tumawa lang siya. Kumag talaga 'to. "Gustong gusto mo siguro yung sinabi kong girlfriend kita no?" sabi niya tapos ay tumatawa pa din. Aba naman talaga! "Hoy hinde ah! Ang kapal mo." I just rolled my eyes. Tawa siya ng tawa kaya natawa na rin ako. "Hatid na kita." biglang sinabi ni Christan. "Ha? Hindi na. Malapit lang naman din bahay namin dito." tugon ko. "Wag ka na ngang makulit." sabi niya na nakakunot ang noo. Hindi na ako nakapalag pa sakanya. Tahimik lang kami habang bumabyahe. Ayaw niya ng maingay, pwes ayaw ko din... Tinuro ko lang itong direksyon ng bahay namin. Napansin ko na nakapatong iyong I.D. niya sa harapan ko. Kinuha ko yun, titignan ko lang naman. Hindi niya yata napansin na kinuha ko iyon dahil nagmamaneho siya. "Christan Apxfel Gonzalez." basa ko ng malakas doon sa pangalan niya na nakalagay sa ID. Nagulat siya. Ahad niya 'yun inagaw mula sa akin tapos ay binato niya ito sa likod. "Ano bang ginagawa mo?!" Nag tatanong ba siya o sumisigaw? "Christan Apxfel pala ang buo mong pangalan?" tanong ko sa kanya. "Wala kang pakialam." sabi nito. Ewan ko pero bigla na lang ako natawa. "Anong tinatawa tawa mo dyan?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay. "Apxfel... Para kasing katunog ng Eiffel. Eiffel Tower." natatawa kong banggit. "Tsk. Ang korni mo! Ikaw nga Frans eh, as in France!" Siya naman ngayon ang natawa. Aba? At bigla pa akong dinamay! Tumawa pa siya kaya naman agad ko siyang tinignan ng masama. "Eh ano?!" bulyaw ko rito. "Naisip ko lang, meant to be talaga tayo." sabi naman niya. Jusko?! Meant to be? Kami? Hibang siya! "Hibang ka." I said. "Sabi mo Apxfel, katunog ng Eiffel. E, asan ba ang Eiffel Tower?" "Sa Paris!" sigaw ko sakanya. "Oh, asan ba ang Paris?" "Sa... sa France." mahina kong sagot. Oo nga pala! "Oh diba. Ang engot mo talaga." Iyong pagkakasabi pa niya ng engot ay emphasize na emphasize. Nangpipikon talaga! "Kumag ka naman!" "Engot!" "Kumag!" Nagsagutan lang kami ng nag sagutan ng biglang nakarating na kami sa tapat ng bahay ko. Bumaba na ako agad. Papasok na ako sa gate ng bigla siyang sumigaw. "Hoy bukas ulit, antayin mo ko sa lobby." sigaw nito sabay harurot ng kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD