Chapter 4
Molding Feelings
Nasa school lobby na ako ngayon. Iniisip ko palang si Christan ay sumasakit na agad ang ulo ko.
Umupo muna ako sa bench malapit sa entrance. Wala pa siya. Mukhang aantayin ko nanaman. Tsk. Laging pa VIP itong kumag na ito!
Napahawak na ako sa aking sintido. Ang tagal ko ng nag aantay! Ano ba ito? Hindi niya ba alam na 7:59 am na at isang minuto na lang ay klase na?
"Hoy." napatingin ako sa lalaking nagsalita sa likod ko.
Ayan na siya.
"Hoy ka din. Late ka nanaman!" sigaw ko rito.
"And so?" tamad na sagot niya.
Pinilit kong kumalma, but I ended up rolling my eyes at him. Kainis namin kasi!
"Alam mo ang sungit mo. Kakairap mo ay baka maduling ka na riyan." saad niya habang inaayos ang kanyang sleeves.
Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya. His bag is on his shoulder, nakataas din ang buhok niya gaya ng lagi niyang ginagawa.
I admit... bagay na bagay iyon sa kanya. Whatever!
"Ewan ko sayo." muli ko siyang inirapan.
"Wag ka na masungit, babe. Tara na pasok na tayo." walang hiya niyang sabi.
Kaawaan! Narinig ko nanaman iyong 'babe' na iyan. Gusto niya talaga akong sumuka sa pagmumukha niya!
Tinignan ko siya ng masama at nauna nang mag lakad. Humalaklak siya sa aking ikinilos.
Sige lang dude, pakasaya ka.
"Di mo manlang ba hahawakan 'yung kamay ko?" sabi niya na ikinagulat ko naman.
"Gusto mo na bang mamatay?!" bulyaw ko.
Hawakan kamay niya? No way! Mas matutuwa pa yata ako kung cactus ang hahawakan ko!
Pagpasok ko ng room, pumasok na rin agad si Christan. Nakatingin nanaman sa amin ang halos lahat ng amin mga kaklase. Sobrang awkward!
Is this really what it takes to be his girl? Kunwari nga lang na kami ay hassle na. Paano pa kaya kung totoo?
"Mr. Gonzalez and Ms. Fernandez. You're late." sita ng teacher namin.
Argh! Kasalanan 'to ni kumag!
"Sorry po Ma'am." I apologized.
Si Christan naman ay parang wala lang, parang hangin lang!
"Okay Ms. Fernandez. Well... since you are both late, kayo na ang mag lab partners."
Tumango na lang ako kay Ma'am. May choice pa ba? Wala. Wala na!
"Pumwesto na kayong dalawa so we could start our first activity." utos nito.
Pagkaupo namin, bumulong ako sa kanya. "Alam mo bwiset ka."
"Pogi naman!"
Ay? Grabe talaga ang self confidence ng isang ito. Napakatinde!
Tinuruan kami ni Ma'am kung paano gawin 'yung activity. Puro lang kami asaran ni Christan pero nagawa naman din namin. Kami pa nga ang nauna.
Well... I think we're both science genius. Ang sabi niya, mas magaling daw siya pero syempre hindi ako mag papatalo sa kanya.
Nung breaktime na ay hindi niya ulit ako inaya na mag lunch... Kaya naman si Paui ang kasama ko.
Wala naman din akong pake kung hindi ako inaya ni Christan! Mas mabuti pa nga iyon.
Nakabili na kami ni Paui ng pagkain at saka naupo.
"Frans?" she called me.
"Hmm?" tugon ko rito habang inaayos ang kakain ko.
"Nakakatampo ka." simula niya."Hindi mo sinabi sa'kin na kayo na pala ni Christan."
Saglit akong natawa.
"Hindi, Paui! Hindi kami ng kumay na iyon." I told her.
"But super kalat na sa campus na kayo na, tapos hindi ba kahapon ay kayo 'yung magkasama?" tanong niya.
"Okay... since you are my friend, may aaminin ako sayo."
Kinwento ko sa kanya ang lahat ng tungkol doon sa deal namin ni Christan. 'Yung mga nangyari kahapon... as in lahat!
"Omg, friend! Medyo hassle 'yan." ani Paui.
"I know." mahina kong sabi.
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.
"All girls here in school would go gaga about it! Syempre, you got the king of their hearts. And hindi sila kay Christan magagalit, kung hindi sayo."
"Hay. I know that too." sabi ko sabay inom nung Mango Shake ko.
"But you don't have to worry that much. There's Chris to protect you." she said.
"What made you think that he would?" tanong ko.
"Cause he already did right?"
Napaisip ako sa sagot ni Paui. Oo nga, tama siya. Maybe Gonzalez is not really that douche after all.
-
Ang bilis ng araw. Thursday na pala ngayon, at last subject na rin namin.
Sabi ng Mapeh teacher namin na si Sir Marco, bukas daw ay PE. Mag papractice daw kami ng formal dance.
Kailangan ng kapartner sa sayaw kaya naman pinaghanap niya kami ng partner namin. Kami na daw ang bahala kung sino.
Badtrip nga kasi wala si Christan. Absent, e! Hindi manlang siya nagsabi, inantay ko pa siya sa lobby kanina. Bwiset na 'yun. Siya na lang sana ang partner ko...
Sabagay, okay na din siguro 'yun. Gulo lang pag kami ang mag partner. Buti ngang wala siya!
Si Paui tinanong si Zimmer kung pwede sila ang partner. Ang tindi ni Paui, kaya bilib ako riyan, e. Pumayag naman si Zimmer dito. Ang ganda kaya ni Paui para tanggihan.
Ba... Bakit ganoon, bakit puro ang nga babae ang gumagawa ng paraan? Anong nangyayari rito?
Nagulat ako ng biglang may kumalabit sa may likuran ko. I instanly turned around and saw a guy... his hair falls perfectly, no wax or anything in it. Saktong sakto lang ang bagsak nito sa kanyang ulunan. Dominic Mercado really leaves such an impression.
"Hi, Frans." bati nya.
"Hi, din." tugon ko at sinubukan na ngumiti. Mukhang hilaw pa ang napakawalan ko.
Itong si Dominic siya iyong parang ideal sa tatlo kung titignan. Iyong gwapo na mukhang mabait, ganoon siya. Si Zimmer kasi chick boy 'yung datingan. Si Christan naman... Tsk! Change topic!
"Umm... May partner ka na ba?" tanong nito.
"Wala pa nga, eh."
Gustong gusto ko itanong kung bakit ba ang mga babae ang mga nakikipag partner. Ganoon ba talaga? Ako ba kailangan gumawa ng paraan?!
"If okay lang sayo... pwede bang tayo na lang ang magpartner?"
Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Dominic... Pero dahil wala naman akong partner ay pumayag na ako.
Pinaliwanag ni Sir Marco 'yung mga gagawin namin bukas tapos ay pinauwi niya na rin niya kami.
Agad na akong nagayos ng gamit. Gusto ko ng umuwi at magpahinga!
Naglalakad na ako papunta sa gate ng makarinig ako ng boses...
"Hey, Frans." sabi nito.
"Hey." lingon ko naman kay Dominic.
"Pauwi ka na?" tanong niya at tumango naman ako. "Hatid na kita?"
Ha? Ano raw? Hatid?
"Ahh hindi na. Ayos lang." nahihiyang sagot ko.
"Hatid na lang kita sa gate?"
He seems eager, kaya naman pumayag na ako. Ayaw ko namang tumanggi ng tumanggi... Baka kung ano pa ang isipin niya.
"Frans?" tawag nito. Lumingon ako bilang pagtugon.
"I know about the deal." matabang niyang sabi.
Napatingin ako sa kanya. Oo nga pala... Of course he would know. Best friend niya si Christan, e. Siguro pati si Zimmer ay alam din.
Ngumiti lang ako rito.
"Frans... You know what, you can just ditch the deal."
"Ha?" nagtatakang tanong ko.
"I know Chris. Pinagtitripan ka lang 'nun. Wala naman siyang balak isuplong ka o ano man. He's not that kind of guy." saad niya.
Hindi na ako nakasagot. Napaisip din kasi ako bigla...
"You don't have to stick on the deal."
Huminga ako na malalim.
"Umm... Guilty din naman kasi ako Dominic." sabi ko na lang.
Napapayag lang talaga ako sa deal nung una dahil ayaw kong madala sa police station. No way!
'Tsaka wala eh pumayag na ako, eto na ito. Pinasok ko na yung gulo ng buhay niya. Aatras pa ba ako? Aatras pa ba ako kung kailan may apat ng mga babae ang umaway sa akin tapos ngayon ay parang halos lahat ng mga kababaihan sa campus ay sinusumpa ako sa mga mata nila?
"What?" tanong ni Dominic. Naguguluhan yata ito sa nasabi ko.
"May kasalanan naman din kasi talaga ako. At saka, I already gave him my word. Ganoon kasi ako, e. If I already said a word then that's it... Kasi ako sa sarili ko ayaw ko sa mga taong di pinaninindigan 'yung mga bagay na napasukan na nila."
"Sabagay." mataman na sagot niya.
"Sige Dominic, una na ko."
I don't know but Dominic really seems like a nice guy...
Pagkauwi ko ay dumiretso na ako sa kwarto ko at nahiga agad sa kama... Mamaya na ako mag bibihis.
Papikit na sana ako pero biglang tumunog ang phone ko.
I opened it.
From: Christan Kumag
Hoy!
What the?!
Oo nga pala, we exchanged numbers... And this is the first time he texted.
To: Christan Kumag
Ano nanaman kelangan mo!
Reply ko sa kanya.
From: Christan Kumag
Bat ba ang sunget mo! May tatanong lang ang ako!
Nakakatawa.
Kahit sa text parang nagsisigawan pa rin kami. Pudpod na pudpod siguro ang exclamation point sa kanya... pero in fairness mabilis siyang mag reply.
To: Christan Kumag
Ano yun?
Reply ko ulit dito sa kumag na 'to.
From: Christan Kumag
Nabalitaan ko yung gagawen sa pe. May partner ka na ba?
At kailangan siya nagkaroon ng pakialam?
To: Christan Kumag
Meron na.
From: Christan Kumag
Sino?!!
What's with the "?!!"
To: Christan Kumag
Si Dominic.
It took almost 30 minutes bago siya nakapagreply! Na i-play ko na yata ang halos lahat ng mga kanta sa favorite playlist ko!
Matutulog na sana ako nung biglang tumunog muli ang cellphone ko.
From: Christan Kumag
K
Seryoso ba 'to? Ito ang reply niya sa'kin? Anong problema niya?