Chapter 5
Moving Closer
Dumiretso na ako sa classroom. Hindi ko na inantay si Christan. Hindi naman niya ako sinabihan... Baka mag-intay ako at magmukhang tanga ulit gaya kahapon.
Pagdating ko, wala pa siya. Sabi ko na nga ba! Siguro late 'yun o kaya ay absent nanaman. Wala akong pake. Wala dapat akong pake!
Bigla namang may umupo sa tabi ko. Ayan na pala ang kumag!
"Andiyan ka na pala." bati ko.
Wala siyang naging tugon doon. Tanging malamig na tingin lang ang ibinalik niya sa akin.
Kahit nung nag lab activity kami ay tahimik lang siya. Kahit nung break time. Anong trip niya?
No'ng P.E. na, pumunta na kami roon sa may dance room.
"Okay, guys. Mag dikit-dikit na ang mag partner so we could start already." sabi ni Sir Marco habang nagsusulat sa kanyang class record.
Lumapit na sa akin si Dominic. Ngumiti lang ako sa kanya. Tinitignan ko kasi kung sino iyong partner ni kumag... Ang ganda ah! Hmp! Chick boy na bad boy!
Nagdemo na si Sir Marco ng gagawin.
Mag hahawak ng kamay, sa kabila naman ay hahawak sa bewang ng babae yung lalaki, yung babae naman sa balikat ng lalaki tapos ay pa sway sway lang.
Hinawakan na ni Dom yung bewang ko. Medyo nagkakahiyaan pa kami. Ewan ko pero medyo nakakailang siya.
Hinawakan niya na din ang kamay ko. Ako din humawak na sa balikat niya. Nung nag sway kami... ilang beses kong naapak apakan yung paa niya!
"Sorry. Sorry talaga. Sabi ko sayo, mahina ako dito." saad ko.
"Okay lang, sundan mo lang ako." sabi ni Dominic kaya naman tumango ako.
Gayunpaman, lagi ko pa rin siyang natatapakan. Tumatawa siya tuwing nangyayari iyon kaya naman natatawa na rin ako.
Ang ingay naming dalawa kakatawa.
Napatingin nga ako kay Christan, tapos ay nakatingin din siya sa amin. Ang sama ng tingin nito. Anong problema niya?
Pagkatapos ng isang oras, tapos na din ang sayawan. Nakakapagod ha.
"Siguro parang pancake na yung paa ko." sabi ni Dominic.
"Ha?" takang tanong ko naman sa kanya.
"Eh napisa na kakaapak mo." sabi nitong habang tumatawa. Kaya natawa nanaman ulit ako.
"Pwede ko na ba kunin 'yung Girlfriend ko?" nagula kami pareho ni Dominic nung lumingon kami at makita si Christan. Ewan ko pero ang weird nung naramdaman ko sa sinabi nito. Parang may kung ano sa tiyan ko...
"Girlfriend?" tugon ni Dom.
"Bro, don't act as if you don't know anything." sabi ni Christan.
Iba yung aura niya, para bang anytime pwede siyang manapak.
Hinila ako ni Christan palabas ng room.
"Ano bang problema mo?" mahinahong tanong ko.
"Wala." malamig na sagot nito.
"Eh bakit ganyan ka?"
"Ano bang pake mo?!" bulyaw nito.
Agad akong napatahimik 'nun. Oo nga, ano ba ang paki ko? Fake girlfriend lang naman ako, e.
"Central Park, 6:00 pm. Magkita tayo doon mamaya." sabi niya sabay alis.
Ano yun?
Nakauwi na ako sa bahay ngayon. Grabe, pagod na pagod ako! Gusto ko na agad matulog...
Napabalikwas na lang ako sa naririnig kong paulit-ulit na tunog. Ano 'yung ingay na 'yun? Ang sarap sarap na ng higa ko, e!
Pag tingin ko, phone ko pala yung ring ng ring.
Nagulat ako kasi pag bukas ko ng cellphone ko ay may 8 missed calls na. At alam mo kung sino? Si Christan!
Why the hell would he call me? 7:00 pm na oh! Ano ba gusto nitong kum..
Oh s**t.
Bago ko pa matapos yung sasabihin ko napa s**t na lang ako. Naalala ko yung sinabi niya kanina.
"Central Park, 6:00 pm, Magkita tayo doon mamaya."
Oh no! Nandoon pa kaya siya? Eh 7 nac e! Ang lakas lakas pa ng ulan.
Bahala na nga
Agad akong nag bihis ng damit at umalis ng bahay.
Pumara ako ng taxi sa may kanto. Buti nga at nakasakay agad ako roon.
Habang nasa byahe, sinusubukan ko siyang tawagan pero hindi naman niya ito sinasagot. Tinext ko din siya na papunta na ako.
Pag baba ko ng taxi, umuulan pa din, may payong naman ako kaya okay lang... Siya kaya?
Hinanap ko agad si Christan nang makababa ako. Asan na ba 'yun?
Patuloy pa akong nag lakad, maya maya ay may naaninag akong lalaki na nakaupo sa bench. Nilapitan ko ito.
"Christan?" tawag ko.
Seryoso ba 'to? Nag aantay siya? Nakaupo habang nauulanan?!
Nilapitan ko agad siya tapos ay pinayungan.
"Hoy Mr. Gonzalez ano bang ginagawa mo?!" sigaw ko sakanya. Inakay ko siya patayo tapos ay nag punta kami sa may lilim.
"Hoy? Bakit ka ba nag paulan?" tanong ko rito.
"Inaantay kita! Engot!" sagot niya sa akin. Aba naman talaga 'tong lalaking 'to.
"Engot ka din! Pwede ka naman dito nag antay sa may lilim!" sagot ko sakanya.
"Mas madaling makita doon, e." inuubo siya habang nag sasalita. Nanginginig pa nga.
"Tamo, inuubo ka na!" hindi na siya sumagot at nag patuloy lang ito sa kakaubo.
Bakit naman kasi nag paulan siya?
"Tara doon muna tayo sa bahay." pag anyaya ko dito.
Hindi na siya nakapalag. Pumara ako ng taxi tapos ay sumakay kami agad doon.
Ubo lang siya ng ubo sa buong byahe. Wala naman akong iba pang choice kung hindi ang dalhin siya sa bahay. I'm the one who's responsible for this.
Pag tapat sa gate, inakay ko na siya palabas. Hay nako gung-gong kasi!
Akay ko pa din siya paakyat sa hagdan namin, dadalhin ko siya sa kwarto ko para makapag pahinga siya. Sa guest room na lang sana pero hahanapin ko pa yung susi 'nun, baka bukas pa bago ko siya maihiga roon!
"Hoy. May tao ba dito?" He asked.
"Kung hindi tao ang tawag sa ating dalawa. Eh di wala ngang tao rito." Aba nakikita naman na wala ng ibang tao dito, e.
"Seryoso ako!" sigaw nito. Hindi ba siya napapagod kakasigaw niya?!
"Obvious namang wala." sagot ko sakanya.
"Bakit? Asan parents mo? Maids?" sunod sunod pa niyang tanong.
"Yung parents ko nasa states. Maids? Wala. Kaya ko naman ang sarili ko."
Kumag talaga 'to. Tanong pa siya ng tanong e ubo na nga siya ng ubo. Nakuha pang sumigaw?! Pambihira talaga.
Binuksan ko yung kwarto ko tapos ay hiniga siya roon sa may kama.
"Diyan ka muna. Antayin mo ako, saglit." saad ko.
Tumango lang siya.
Kukuha muna ako ng damit para makapag palit itong si Christan. Mayroon naman si Daddy na mga damit dito, pwede na iyon.
Grabe yung ubo niya. Tsk! Nakokonsyensa ako! Pero ang engot niya din naman kasi...
Syempre, nagaalala din ako sa kanya. Kaya aalagaan ko muna yung kumag na 'to.
Christan's POV
Ang sama ng pakiramdam ko. Kaya itong si Frans, dinala ako sa bahay niya. Nakonsyensya ata.
Sabi ko 6:00 pm, dumating yata siya mga 7:40 ba o 8 na din? Hindi ko naman din alam kung anong nakain ko at bakit nag antay ako roon tapos ay nag paulan pa.
Bakit ko nga ba siya inaya at the first place? Wala lang! Wala lang naman talaga.
Badtrip din kasi itong si Dom. Bakit ba si Frans 'yung inaya niya na maging ka partner niya? Alam naman niya 'yung tungkol doon sa deal! Gusto niya ba si Frans?!
Kaasar. Iba tuloy ang naging ka partner ko.
Buti nga wala pa si Michelle. Kaya okay lang na hindi muna kami magkadikit masyado ni Frans.
Damn.
Giniginaw talaga ako. Ang tagal naman ng babaeng 'yon. Ano ba ang ginagawa niya?!
Napansin ko din itong kwarto ni Frans. Ang ganda. Hindi yung mga nakakairitang girlish na kwarto. Dito ayos. Relaxing. Yung scent, yung ambiance, ang sarap lang sa pakiramdam.
Mamaya maya bumukas na yung pinto.
"Hi." bati niya.
May dala siyang mangkok saka tubig. May gamot gamot pa tapos damit ata yun.
"Ano 'yan?" tanong ko, kahit alam ko naman...
"Nilutuan kita ng soup para mainitan ka. Saka ito, may gamot din." Tsk. Di naman niya kailangan gawin pa 'to, e. Pero natutuwa ako. Ewan!
"Kung ginagawa mo 'to dahil nakokonsyensya ka.... hindi na kailangan." sabi ko rito.
"Siguro? Pero ginagawa ko talaga 'to kasi nag aalala din ako sayo."
Sa totoo lang, nabigla ako sa sagot niyang iyon.
Akala ko kasi susungitan niya din ako. Pero nagaalala? Bakit? Bakit masaya ako nung narinig ko 'yun?
Wala pang isang linggo kaming mag kasama. Pero bakit ganito na 'yung nararamdaman ko? Parang ang gaan agad ng loob ko sa babaeng 'to.
Bigla niyang tinanggal yung sapatos ko.
"Oh pupunasan na muna kita ah, para mainitan ang katawan mo." tumango lang ako sa kanya.
Ginaw na ginaw na din kasi ako.
Habang pinupunasan niya ako, tinititigan ko siya. Ang ganda niya talaga.
Although madami na kong naka date na mga magagandang babae, iba pa din e. Siya yung habang tinitignan mas lalong gumaganda. She looks so pure and wholesome. She's like an angel. No doubt about that...
When Frans is already so close to me, Tinitigan ko siya lalo. Parang sobrang familiar niya din kasi sa akin.
Reminding me of someone.. pero hindi ko lang alam kung sino.
Kahit medyo nakakaiilang 'tong ginagawa niya, nakakatuwa 'yung ganito. 'Yung may nag aalaga sayo.
"Oh mag bihis ka na." sabi nito sabay ang pag abot sa akin nung tshirt na may kalakihan ng kaunti.
Tinignan ko lang siya.
"Wag ka mag alala di kita sisilipan, ano ba! Saka damit naman yan ng Daddy ko. Pwede na yan sayo, dali na." aniya.
Nag bihis na ako habang siya naman ay naka talikod.
Pagkatapos ay sinubuan niya ako nung soup na niluto niya. At take note masarap 'yun. She's a good cook... I think.
Hinayaan ko na lang siya na subuan ako. Nanghihina na rin kasi ako.
Pagkatapos kumain ay inunom ko na rin iyong gamot na dinala niya.
"Sige na... Mag pahinga ka na. Dito lang ako hanggang sa makatulog ka." sabi nito.
I was actually confused.
Siguro ay hindi lang talaga ako makapaniwala sa kinikilos ng babaeng 'to. May side pala siyang ganyan...
Tumango lang ako tapos ay pumikit na rin.
I was moved when I felt something warm and soft covered me.
Kinumutan niya ako... Sa simpleng ganun lang ay may iba na akong naramdaman. Ano ba?! Ang wirdo ko! Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Ngayon ko lang naramdaman 'to mula sa isang babae.
I can't even tell her to back off. I don't know anymore... Iba siya, e. She's the only girl I've ever felt comfortable with.
Ang hirap i-explain.
Bigla ko namang naramdaman na tumayo na ito. Aalis na ba siya? Aalis na nga siguro... Syempre kahit kwarto niya 'to imposible namang tumabi siya sa akin.
There's a sudden urge that makes me wanted to pull her... so I did.
Bigla kong hinila iyong kamay niya.
"Dito ka lang muna sa tabi ko, Frans. Please."