Chapter 21 Reconciliation Disyembre na. Ang bilis talaga ng panahon... Naghahanda na ako papasok sa school. Huling araw na kasi ngayon ng klase. Nakakalungkot dahil sa darating na linggo ay aalis na si Apxfel papunta sa ibang bansa. Aalis siya para mag celebrate ng pasko at bagong taon kasama ang mga magulang niya roon. Ang tagal naming hindi magkikita, sa pasukan na rin kasi ito babalik. Ngayon pa lang ay nalulungkot na ako. Pero hindi bali, nangako naman si Apxfel na lagi siyang magtetext at palagi niya akong tatawagan. Balak ko pa naman din siya ipakilala kila Mommy at Daddy. Uuwi kasi sila rito sa Pilipinas ngayong darating na pasko. Nakarinig na ako ng busina sa labas. Nariyan na ang kumag! "Good Morning, Ms. Beautiful." bungad niya pagkalabas ko ng gate. "Good Morning, Mr. Ku

