Chapter 20 Beyond Ito na ba talaga? Nawiwindang na ako sa mga oras na ito! "Halika nga dito, babe." sabi ni Apxfel sa akin at unting unti akong ipinaharap nito sa sakanya. Nagpatiyanod naman ako dito at ngayon ay nakaharap at nakayap na ako sakanya. Hindi pa din tumitigil sa pag kabog ng mabilis itong puso ko! Ang tahimik lang namin. Kahit hindi ako nakatingin sakanya nakikita ko pa din sa peripheral vision ko na nakatingin sakin si Apxfel. Kinakabahan na talaga ako. Hindi ko na maintindihan 'tong nararamdaman ko! "Alam ko ang iniisip mo." Biglang sabi ni Apxfel. Ha? Ano daw?! Itiningala ko lang ang ulo ko para matignan ito. Hinalikan nito ang noo ko tapos ay ngumiti siya. "Wala tayong gagawing masama. Kaya wag ka ng magisip ng kung anu-ano. Tignan mo oh, pawis na pawis ka na."

