Chapter 19 Love Scene Bumalik na ako agad sa loob ng bahay. Umupo ako sa may couch at pilit na ina-absorb sa utak ko yung lahat ng sinabi sa akin ni Calix. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Gusto din pala ako ng bestfriend ko, mahal niya din pala ako. Pero ikinalulungkot ko, wala ng saysay ang mga nalaman ko ngayong araw na ito. Dahil sa isang lalaki na lang nakatuon itong isip ko at puso ko. Sakanya lang. Kay Christan Apxfel Gonzalez lang. Naalala ko bigla yung hinahanda kong tanghalian namin ni Apxfel kanina. Kaya tumayo na ako at tinapos na ang niluluto ko. Ang tagal bumalik ni Apxfel. Hindi ko naman siya maitext dahil naiwan niya dito sa bahay ang phone niya. Akala niya ba ganito katagal kami mag uusap ni Calix? 6:00 pm na pero wala pa din si Apxfel. Hindi ko na kaya, gut

