Chapter 44 Colliding Fate "Club house sandwich?" Tanong ni Calix na nag pahinto naman sa akin. Sa simpleng sandwich, si Apxfel nanaman ang naaalala ko. "Ayoko. Iba na lang, Cal." Sagot ko dito. Hindi ko naiwasang hindi maalala yun. Nasa bahay niya kami noon, tapos napag desisyunan naming gumawa ng club house sandwich. Naaalala ko pa kung paano naging rectangle yung dapat na triangle niyang hiwa, tapos kung paano napino yung tuna. I shook my head. Ito na naman ako, siya na naman ang iniisip ko. "Gusto mo mag pa deliver na lang tayo ng pizza?" Tanong ulit ni Calix sa akin. Tumango ako dito. Nanunuod kasi kami ngayon ng movie dito sa sala nila. Its been months, pero nandito pa din ako sa kanila. Hindi na ulit ako bumalik sa bahay simula no'ng umalis ang parents ko. Ang hirap pa rin ka

