Chapter 40 Falling Apart Napatayo agad ako nung lumabas siya sa kotse. "What are you doing here?" tanong ni Dominic. "Diba sabi ko sayo susunduin kita sa inyo? Pagdating ko sa bahay mo, wala ka. Dito na agad ako sunod na pumunta." Nanatili akong tahimik. Parang nahihilo na rin kasi ako. "Okay ka lang ba, Frans?" alalang tanong nito nung lumapit sa akin. Hindi ko alam pero talagang nahihilo na ako kaya muntik na akong mapaupo. Agad naman akong naalalayan ni Dominic. "Frans, kanina ka pa ba nandito? Kumain ka na ba?" sunod sunod niyang tanong. "Kagabi pa ako nandito." I said. "Ano?! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo Frans? Tignan mo, you look weak." "Okay lang ako, Dom." I told him. "Alam mo, kumain na muna tayo. Mag pahinga ka rin muna saglit. I promise, pagtapos itutuloy na rin

