Chapter 39 Unanswered Questions Oh God. Tila nanigas ako nang may bigla akong naalala sa mga nangyari kagabi. Rumagasa ang mga luha sa aking mata. "Bakit?" sabay na tanong ni Paui at Zimmer sa akin. Hindi ako makapag salita. Parang wala akong mailabas na boses mula sa sariling bibig. Kagabi... kagabi ay nag bibigay na pala siya ng mga pahiwatig. Nung nadapa ako, sabi niya mag i-ingat daw ako palagi. Paano raw kung wala siya... Nung nakita ko siyang umiiyak sa kwarto tapos ay sinabi niya na hindi niya raw maisip na gumising sa mga susunod na araw na wala ako sa tabi niya. Sabi ko sakanya hindi naman ako mawawala sa tabi niya... Pero siya pala iyong mawawala sa tabi ko. "Siya pala 'yung mawawala sa tabi ko." Iyon na lang ang mga salitang lumabas sa akin at hikbi na ang mga sumunod

