Sa takot ni Felissa, matinding kaba at pagkagulantang sa nakita ay dali-dali siyang pumasok sa loob ng mansiyon. Agad siyang dumirekta sa kuwarto nila ni Traise at mabilis na binuksan ang secret grand closet room. Ang closet na ito ay napakalaki na hindi pinaglalagyan ng mga damit, mamahaling designers bag, sapatos, at alahas. Bagkus ay rito nakalagay ang mga mahahalagang dokumento, ilan sa mga bagay na tanging sina Traise at Felissa lamang ang may alam. Minsan lang din buksan ni Traise ang secret closet na ito kaya kampante si Felissa. Sa secret closet niya itinago ang natanggap na kahon na mayroong lamang black message. “Pull yourself together, Felissa...” Nagmamadaling napaupo si Felissa sa king-size bed nila ni Traise na ang kulay ay puti. Napasabunot ang businesswoman sa kaniyang

