bc

What Is Marriage?

book_age18+
588
FOLLOW
1.9K
READ
revenge
dark
sex
family
drama
betrayal
crime
wife
husband
seductive
like
intro-logo
Blurb

Para kay Felissa Juarez, isa lamang ang kaniyang pangarap kapag siya ay tumanda na—iyon ay ang maikasal sa kaniyang lalaking mamahalin at makasama ito sa panghabambuhay. Para kasi kay Felissa, marriage is a gift and a blessing para sa lahat ng mga babae. Bata pa lamang si Felissa, lagi siyang sumasama at nanunuod ng mga kasalan. Kaya't nang lumaki siya, makilala ang lalaking kaniyang nais pakasalan, planado na sa kaniyang mga palad ang kasalan nila ni Traise Castillano. Buong akala ni Felissa, alam niya na ang kahulugan ng salitang ‘marriage’ matapos mapagdesisyunang pakasalan si Traise sa kanilang limang taong pagsasama ngunit nagkamali ang businesswoman na si Mrs. Felissa Juarez-Castillano.

Ano ang mararamdaman ni Felissa kung malaman niyang ang kaniyang asawa ay may itinatago sa kaniya?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1: Marriage is a Blessing
Ang maikasal o ang pagpapakasal na marahil ang sa isa pinakaminimithi ng maraming kababaihan sa kanilang buhay. Ang kasal ay isang seremonya kung saan ang isang babae at isang lalaki ay pinagsasama sa ngalan ng batas at ng simbahan upang maging isa. Ang maikasal sa lalaking iyong minamahal ay kalakip ng kasiyahan na hindi matutumbasan. Marami sa kababaihan ang nagnanais na maikasal sa kanilang buhay sapagkat wala ng mas hihigit pa na maging kabiyak ang lalaking iyong iniibig, lalaking iyong itinatangi, at ang lalaking nais makasama sa habambuhay; ang lalaking makasasama mo sa pagbuo ng isang pamilya, at ang lalaking makasasama mo sa inyong pagtanda—sa hirap man o sa ginhawa. Gaya na lamang ni Felissa Juarez. Bukod sa masagana at matiwasay na buhay, ang pagpapakasal na lamang ang kaniyang pinapangarap dahil nasa kaniya na ang lahat. Kasikatan, kayamanan, at kumpletong pamilya. Para kasi sa kaniya, ang kasal ay isang biyaya mula sa Itaas. Labis ang pagpapala at lubos na kagalakan ang siyang maidudulot nito sa dalawang taong nagmamahalan. Ang kasal ay patunay na kayo ay handang magsama bilang mag-asawa, patunay na kayo ay pinagbuklod na ng konstitusyon at simbahan; patunay na kayo ay magsasama sa araw-araw na buhay. Kaya’t bilang isang babaeng mataas ang pagpapahalaga sa ‘marriage’, bilang babaeng matagal ng pinapangarap na siya naman ang maikasal, sa bawat mga kasalan o seremonya ay hindi nawawala sa listahan si Felissa. “As expected! You are here again, Felissa!” saad ng babaeng ikinasal ngayong araw. Siya ang napang-asawa ng kaklase ni Felissa noong sila ay nag-aaral pa sa kolehiyo. Sakto at katatapos lamang ng seremonya at marami ang nagkuhaan ng mga litrato sa bagong kasal na mag-asawa, at ng kanilang anak. Napakarami ng mga tao ang dumalo ngayon. “Alam mo naman na. . .” “Mahilig ka sa mga kasalan? Dahil gusto mo na laging nasasaksihan ang pag-iisang dibdib ng dalawang tao? Gusto mong makita silang magsumpaan sa harap ng altar?” natatawang tanong ng bagong kasal na babae na siyang ikinatango rin ni Felissa habang natatawa pa. “Wala ka talagang pinalalampas na kasalan!” “Alam mo namang bata pa lang ako, ganito na ang hilig ko, hindi ba?” Matamis ang ngiti ni Felissa nang maalala ang kaniyang batang sarili na palaging nanunuod ng seremonya. “Palibhasa kasi. . .” singit ng kararating lang na babaeng si Entice, kapatid ni Felissa na dumalo rin sa kasalan. “Hindi pa pinapakasalan at hindi pa hinahaya ng asawa niya! Naku, nabuntis ng lahat-lahat, hindi na virgin, may dalawang anak na rin, hindi pa rin naikakasal!” Nagtawanan ang tatlo ngunit pilit ang tawa ni Felissa. “Hindi pa ba naghahaya ang asawa mo? Naku, ikaw na ang kumilos! Mahina pala iyang si Traise!” dagdag pa muli ng babae. Napakabit-balikat na lamang si Felissa at hindi na pinalawak pa ang kanilang topic. “Don’t tell me, may kasalan ka na namang pupuntahan pagtapos nito?” tanong pa ng bagong kasal na babae at tumango naman si Felissa nang nakangiti. “Goodness gracious! Walang kapaguran! Hindi nagsasawa sa mga kasalan gayong iisa at same lang naman ang ginagawa sa iba pang kasalan! Mapagod ka naman, Felissa! You are too much, you know?” Mapaklang tumawa si Felissa. “Asa ka naman na magsasawa iyan!” singit na naman ni Entice na kapatid ni Felissa. “Saka lang iyan titigil sa pagdalo-dalo sa mga kasal, invited or not, kapag siya naman ang ikinasal.” “Hoy! Ang kapal ng mukha mo! I always attend to wedding ceremonies na invited ako! Where did you get such a thing?!” depensa naman ni Felissa at sabay-sabay ulit silang napatawa. Gaya ng inaasahan, umalis na rin si Felissa upang dumalo itong muli sa isang kasalan ng kakilala. Pagtapos, dumalo na naman muli sa isa na namang kasalan na ginanap naman sa isang beachfront. Ang hilig ni Felissa sa ganitong gawain ay hindi mapipigilan lalo pa’t bata pa lamang talaga ay kinahiligan na ang ganito. Nang makauwi sa bahay, nakangiti siyang sinalubong ang dalawang anak na lalaki at ang kaniyang asawa. Mahigpit na niyakap ni Felissa ang kaniyang sariling pamilya. “Pumunta ka na naman ulit sa kasalan, ano? Hay, my wife is a die-hard fan of marriage.” Tumawa si Traise na siyang asawa ni Felissa. Sa pagtawa nito ay lumantad ang malalim na biloy sa magkabilang maputing pisngi. Talaga nga namang bawat ngiti ay malulunod ang kung sino dahil sa taglay na hitsura ni Traise. “Iyon na nga lang ang bisyo ko, Traise,” saad ni Felissa habang papasok na sila sa mansiyon upang dumiretso sa kitchen dahil mayroong niluluto si Traise. “What are you cooking, Hon? Hindi ako kumain sa mga pinuntahan kanina dahil na-miss ko ang mga luto mo. Alam mo namang fan na fan ako ni Chef Traise, right?” “Your favorite sinigang na hipon!” Tinulungan ni Felissa sa paghahanda ng mga kakailanganin sa hapag ang kanilang katulong at nag-iisang katulong sa buong mansiyon. Tinawag na rin nito ang dalawang anak sa kanilang second floor, naabutang naglalaro pa sa kani-kanilang mga video games sa room. Habang kumakain, isang alaala ang pumasok sa isipan ni Felissa. Naalala nito ang sinabi ng kaniyang kapatid na si Entice. Mayroon na silang anak, piece of cake lang sa kanila ang pagpapakasal dahil suportado naman sila ng pamilya, ngunit bakit hanggang ngayon ay. . . “Traise,” tawag ni Felissa sa asawa na abala sa pagpapakain sa kanilang bunso. “Bakit hindi mo pa ako hinahaya na magpakasal?” Naging seryoso ang atmosphere. “I mean, why are we still unmarried?” Kinagat ni Felissa ang ibabang labi at hinintay ang isasagot ng kaniyang asawa na napaisip. “I didn’t mention it to rush things, just so you know. I'm just curious. A lot o people were asking me several times and I just smiled at them, knowing na wala akong maisasagot.” Tandang-tanda ni Felissa ang mga araw na iyon na maraming nagtatanong sa kaniya ukol sa kanila ni Traise at kung kailan ba silang dalawa ikakasal. Hindi makalilimutan ni Felissa na tanging ngiti lamang ang kaniyang itinutugon sa mga ito. Maging siya nga ay hindi alam kung bakit hindi pa nagpo-propose ang asawa gayong kayang-kaya naman nila. “Don’t tell me. . . You want me to propose to you para maiba naman?” natatawang tanong ni Felissa ngunit pilit lamang ang tawang iyon. Alam niya namang hindi ganoon kababa ang kaniyang asawa para mangyari ang ganoon. Napatikhim muna si Traise. “Let’s just say. . . We’re just waiting for the right time to strike.” “And when is that ‘right time’?” Napabuntonghininga si Felissa nang isang tipid na ngiti lamang ang nakuhang sagot sa asawa. Nagpatuloy na lamang sila sa pag-kain at inasikaso ang anak. Naghanda na rin sa pagpasok sa kanilang trabaho ang dalawa habang ang dalawang anak ay maiiwan sa mansiyon kasama ang kanilang maid. Hapon ang home schooling ng kanilang mga anak. Si Traise ay isang sikat na chef sa bansa dahil sa husay nito sa pagluluto. c*m Laude sa isang culinary arts university. Siya lang naman ang nagmamay-ari ng kilalang restaurant sa bansa na Traise Restaurant na nakapangalan din mismo sa kaniya. Tinitingala ng marami matapos magkamit ng maraming pagkilala. Si Felissa naman ay isang kilala ring businesswoman ng bansa. Siya lang naman ang nagmamay-ari ng malagong kumpanya ng Zelda Furnitures. Mayroon itong anim na branch sa buong Pilipinas sa iba’t ibang city. Dalawa ang sa Makati, isa rito sa Manila, sa Mandaluyong, Cebu, at huli ay sa Marikina. Kasalukuyang naglalakad papunta sa kaniyang main office si Felissa nang makarinig ng mga bulungan sa mga staffs. “Kailan kaya siya pakakasalan ng asawa?” “Ang yaman naman nila, hindi pa magpakasal! Pero present lagi sa mga kasalan ng iba!” “Hindi naman siguro sila nagtitipid, ano?” Kung dati, nagbibigay iyon ng frustrations at matinding anxiety kay Felissa, ngayon ay hindi niya na lamang ito pinansin at nanahimik na lamang. Pinanatili niya ang postura sa harap ng maraming tao hanggang sa makapasok sa kaniyang opisina. Alam naman niya sa sarili na walang katotohanan ang mga narinig niya. Gayunpaman, hindi rin maiwasan ni Felissa ang mapaisip. Lahat ng kasal ng mga kakilala ay nadadaluhan at napupuntahan. Kailan naman kaya darating ang araw na siya naman ang ikakasal? Kailan kaya darating ang araw na hindi na siya ang nanunuod sa kasalan—dahil siya na ang nasa unahan at nasa altar? Maghapong inabala ni Felissa ang kaniyang sarili. Pinilit niyang ngumiti habang abala sa trabaho. “I trust Traise more than anyone else.” Malaki ang tiwala ng businesswoman sa kaniyang asawa lalo pa’t matindi ang pagmamahal dito. Nangako naman si Traise na darating din sila sa ganoon sa tamang panahon—hindi nga lang alam kung kailan ba ang tamang panahon na tinutukoy ng asawa. Napabuntonghininga si Felissa. Nagliligpit na ng kaniyang gamit si Felissa gaya ng mga envelopes mula sa mga reviews at sales rate from past months, nang biglang dumating ang kaniyang kapatid na si Entice. Sa kamay nito ay pinaglalaruan at pinaiikot ang susi ng kaniyang kotse habang nakangisi. “What?” tanong agad ni Felissa. “Miss mo na naman ang kagandahan ko? Ikalma mo muna, Entice, mamaya ka na humingi ng autograph.” “Autograph, my ass!” Napairap si Entice at saka nilaro-laro sa daliri ang singsing dahil kasal na sa kaniyang Fil-Australian na asawa. “Sabay na tayo umuwi! Gusto kong makita ang mga pamangkin ko! Baka nagsasawa na sila sa pagmumukha ninyong mag-asawa, yuck!” Sabay na silang lumabas ng building at agad naman na napagilid ang mga nakasalubong nilang staffs at mga employees na nagkalat sa paligid. Gabi na rin at malamig ang simoy ng hangin. Kapag magkasama talaga ang dalawang magkapatid, para bang nakakita ka ng gintong may buhay at naglalakad sa daan at titingalain mo ito hanggang lampasan ka. “Dami nating fans, ano? Ganda ko talaga,” ngising ani Entice at iwinasiwas ang buhok. “Ako lang, huwag kang assuming.” Nakarating sila sa parking lot. “Oh, kaninong kotse ang gagamitin natin? Yours or mine? You choose.” “Just mine, Entice. Wala akong tiwala riyan sa kotse mo. We might be in accident later on.” Nag-asaran pa ang dalawa bago pumasok sa loob at pinaandar ang kotse. Ganito na talaga kung magturingan ang dalawang magkapatid at hindi na bago sa kanila ang magbarahan at mag-asaran kahit may sariling pamilya na. Kahit noon pa man, ganiyan na ang dalawa. “Oh, how's your asawa ba? Wala pa rin bang balak na pakasalan ka?” tanong ni Entice kay Felissa na siyang nagmamaneho ng kotse. “Mahina talaga iyang asawa mo, ano? Kung ako iyan, baka hiniwalayan ko iyan. Kung ganiyan lang din na hindi pa rin naghahaya.” “Sabihin mo lang na fan ka namin, Entice.” “Fan, my foot. Concern lang ako sa iyo dahil alam mo na, kahit kasal nga, naagaw, kayo pa kaya na may anak lang at hanggang ngayon ay nakatengga pa rin? In this generation, you know, hindi sapat na may anak na kayo at may mga naipundar para lang masabing hindi na maagaw ang asawa,” seryosong ani Entice. “What do you mean by that?” Lumiko ang kotse sa isang highway na may footbridge. “Ano pa ba? Of course, Traise might be stealed from you anytime! Huwag kang basta makampante na hindi maagaw sa iyo ang asawa mo! Uso ngayon iyan! Porke’t mayroon kayong dalawang anak, hindi na posibleng maagaw iyan?” Pinagkrus pa nga ni Entice ang kaniyang magkabilang braso sa harap ng didbib at napahinga nang malalim. Magsasalita pa sana si Felissa ngunit muling nagpaliwanag si Entice. “And worse, what if your husband betray you? Possible, right?” Natahimik si Felissa sa mga sinabi ng kapatid. Lahat ng iyon ay alam niya dahil hindi naman siya tanga para ang mga ganoong bagay ay ipaliwanag pa sa kaniya. Ang iniisip niya ay hindi nga malabong mangyari ang mga posibilidad na ganoon. Sa panahon ngayon, hindi dapat nakakampante sa mga bagay dahil lamang sa mayroon kang hawak. May mga pagkakataon din talaga na kahit nasa kamay mo na, kahit mahigpit, nahihila pa rin. “Look at your husband, Traise! Sino ba naman ang hindi sasamba sa asawa mo?! Kung makatingin pa lang, parang hinuhubuaran ka na ng panty! Paano pa kaya kapag ngumiti? Aba, parang dinala ka na sa hotel!” walang prenong sabi ni Entice na kung makapagsalita ay akalain mong wala pa ring asawa ngayon. “Kung ako lang iyan, naku, baka inagaw ko na rin sa iyo si Traise kung malandutay lang ako at walang asawa.” Napatingin nang seryoso si Felissa sa kaniyang kapatid. “It’s a joke, okay?” Nanahimik lamang si Felissa. “If I were you, ako na ang kikilos. Sa panahon ngayon, babae na rin ang gumagawa ng paraan, right? Ikaw ang mag-propose! Malay mo naman, choosy pa ang asawa mo! Saka ang tagal mo ng hinihintay na ikasal! Sister, habambuhay ka na lang ba magiging audience sa mga kasalan? Go for it! Push!” “Hindi naman sa ganoon.” Ilang mga ideya at kaisipan na naman ang tumakbo sa utak ni Felissa. Ipinangako niya sa sarili na hindi na siya mag-iisip ng kung ano-ano kay Traise pero ano ang magagawa niya sa situwasyon? “Bahala ka. Kapag hindi mo pa pinakasalan iyang si Traise, aagawin ko iyan sa iyo, sige! Hihiwalayan ko talaga si Doc Elloy!” “It’s not funny, Entice,” suway ni Felissa. Sa kalagitnaan ng kanilang biyahe, isang tawag ang natanggap ni Felissa. Kaagad niya naman itong sinagot. Hindi ang kaniyang asawa ang tumatawag sa kaniya kung hindi isang hindi kilala at hindi alam na numero. “Hello, Ma’am Felissa?!” sigaw ng lalaking nasa kabilang linya dahilan para mabilis ma magkatinginan ang magkapatid na si Felissa at Entice. “Ma’am! Nariyan po ba kayo? Hello?” “Yes? What’s happening?” Rinig kasi ni Felissa at ramdam ang pagmamadali ng lalaki sa kabilang linya na tila ba may masamang bagay o hindi kaaya-ayang pangyayari ang naganap. “I’m here? How do you know my number? Do I know you?” tanong ni Felissa. “Hello, Ma’am? I'm so sorry! We need you here right now sa restaurant ni Sir Traise!” “W-What? W-Why? What happened?” “Ma’am, kailangan po namin kayo rito ngayon na! Please! As soon as possible po!” madali at sunod-sunod na pahayag ng lalaki mula pa sa kabilang linya. “Something bad happened to Sir Traise, Ma’am! Please! Ngayon na po!” Nanlaki ang mga mata ni Felissa at kaagad na huminto ang kotse sa gilid ng isang kalsada. “Tumapon po ang kumukulong mantika sa katawan ni Sir Traise! Ma’am! Please! He’s asking for you right now! Ma’am! PLEASE!” tarantang bunyag ng lalaki dahilan nito para magsitayuan ang mga balahibo sa katawan ni Felissa. Natulala pa ito ng ilang segundo. “What the hell did just happened?” reaksiyon ni Entice na nabigla rin sa kaniyang narinig. Sa taranta ni Felissa, agad niyang tinulak palabas ng kotse ang kaniyang kapatid na si Entice. Nagpumiglas si Entice ngunit masyadong taranta si Felissa dahilan para mapasalampak sa malamig na semento ang kapatid! Para bang pinagtabuyan si Entice! “Sorry! I’m so sorry, Entice! Traise needs me!” Mabilis pa sa kidlat na humarurot ang kotse ni Felissa pabalik sa pinanggalingan nilang direksiyon. Tumungo siya sa south. Pagdating sa parking area ay agad niya itong ipinarada at sinalubong siya ng isang lalaki—na siyang kaninang kausap niya sa kabilang linya. “Where's Traise? Hindi ba’t dapat, dinala na agad siya sa ospital?!” sigaw ni Felissa sa lalaki habang tumatakbo sila papasok sa restaurant. Dahil mataas ang takong ng hills ni Felissa, malakas ang nililikha nitong tunog. Mas lalo pa siyang kinabahan nang makita ang kumpol ng mga tao sa labas at loob ng restaurant! Para bang sasabog ang kaniyang puso sa labis na kaba at takot para sa asawa! Anang lalaking kausap, natapon daw ang kumukulong mantika sa katawan ni Traise! Kagat-kagat ang labi, nanginginig ang kamay, pinipigilan ang sariling luha, at natatakot. Pagpasok ni Felissa sa loob, nakita niya sa kitchen area ang mga nagkakagulong tao. Ang ilan pa nga ay nakalabas ang camera at mga video recorders dahil Traise Castillano ba naman na sikat sa buong Pilipinas at ang asawa nitong si Felissa Juarez ay nasa isang isyu! Tiyak na mapababalita talaga ito! “TRAISE! TRAISE!” sigaw ni Felissa at agad naman na napagilid ang mga tao. Hanggang sa nakita ni Felissa ang asawa na nalauhod sa sahig dahilan para mas kabahan pa siya lalo. Malapit na sana siya sa kinaluluhuran ng asawa nang sa isang iglap, napasigaw si Felissa sa gulat nang isang malakas na pagsabog ang narinig sa paligid! Kasabay nito ang mga makukulay na confetti sa ere at ang sigawan ng mga tao sa paligid ni Felissa! Nanlaki ang mga mata ni Felissa nang isang malaking banner ang sumulpot sa likuran ng nakaluhod na si Traise. Nakalagay roon ang mga salitang, BE MY WIFE, FELISSA JUAREZ. “What is the meaning of this. . .” bulalas ni Felissa na ngayon ay maluha-luha na. “Felissa. . .” tawag ni Traise. Napadako ang tingin ni Felissa sa kaniyang asawang nakaluhod sa kaniyang harapan ngayon at nakalahad ang isang singsing sa loob ng pulang kahon. Napatakip sa sa bibig niya si Felissa dahil sa mga nangyayari. Hindi niya inasahan na ganito pala ang bubungad! “Will you marry me?” mahinahong pahayag ni Traise na may matamis na ngiti sa labi nito. Isa-isang pumatak ang mga luha sa mata ni Felissa sa labis na kasiyahan. Walang tigil ang kaniyang mga luha. Isa-isang nanumbalik ang mga alaala niya noong siya ay bata pa na nanunuod ng kasalan, hanggang sa ngayon sa kasalukuyan na dumadalo siya sa mga wedding ceremony. Lahat ay nanumbalik. Mariing kinagat ni Felissa ang kaniyang labi at saka tumango kay Traise. Tumalon sa tuwa si Traise kasabay ng mga flash ng mga camera, palakpakan, hiyawan, at sigawan ng mga tao. “Sa wakas, maikakasal na rin ako. . .” bulalas ni Felissa sa kaniyang sarili habang lumuluha. Ang kaniyang pangarap, sa wakas ay mabibigyan na rin ng katuparan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook