Story By JosiahLuis
author-avatar

JosiahLuis

ABOUTquote
This is Josiah Luis, a beginner writer. I\'m rooting for more stories to be published here. I will do my best to create quality content in this platform. 1. Loving Mr. Castillo 2. Solace in Mr. Fedelin 3. The Legend of Tramos 4. What is Marriage? 5. The Opposite Haters 6. History in His Pocket 7. A Mother and a Woman 8. AGAINST (Book 1)
bc
Loving Mr. Castillo
Updated at Jan 14, 2023, 00:31
Pagkarating na pagkarating ni Marites Ravelo sa siyudad, isang malas ang sumalubong sa kaniya. Kahit ganoon, nakilala niya naman ang isang guwapong lalaki na nagngangalang Fernando Castillo, apatnapu't limang taong gulang, matapos niyang iligtas ito sa aksidente. Bilang kapalit, kinuha siya nito bilang katulong. Sa loob ng mansiyon ng mga Castillo, makikilala niya ang tatlong anak ni Fernando na sina Xian Luis Castillo, Jester Dan Castillo, at Lei Castillo. Naging mapaglaro ang ihip ng hangin sa kanilang mga buhay. Magigising na lamang si Marites na siya na pala ang itinitibok ng puso ni Fernando Castillo at ng dalawa pa nitong anak na si Jester Dan at Lei Castillo. Sasakit ang ulo ni Marites Ravelo sa tatlong mag-aama. Hindi niya alam ang gagawin sa mga ito. Sino kaya ang pipiliin ni Marites? Si Fernando Castillo nga ba na tumulong sa kaniya upang magkaroon ng trabaho? Si Lei Castillo nga ba na tahimik lamang na tila ba ‘pipe’ at parang pinagsakluban ng langit at lupa? O si Jester Dan Castillo na ngiti pa lamang ay makalaglag-panty na?
like
bc
What Is Marriage?
Updated at Oct 28, 2022, 20:02
Para kay Felissa Juarez, isa lamang ang kaniyang pangarap kapag siya ay tumanda na—iyon ay ang maikasal sa kaniyang lalaking mamahalin at makasama ito sa panghabambuhay. Para kasi kay Felissa, marriage is a gift and a blessing para sa lahat ng mga babae. Bata pa lamang si Felissa, lagi siyang sumasama at nanunuod ng mga kasalan. Kaya't nang lumaki siya, makilala ang lalaking kaniyang nais pakasalan, planado na sa kaniyang mga palad ang kasalan nila ni Traise Castillano. Buong akala ni Felissa, alam niya na ang kahulugan ng salitang ‘marriage’ matapos mapagdesisyunang pakasalan si Traise sa kanilang limang taong pagsasama ngunit nagkamali ang businesswoman na si Mrs. Felissa Juarez-Castillano. Ano ang mararamdaman ni Felissa kung malaman niyang ang kaniyang asawa ay may itinatago sa kaniya?
like
bc
Romance with a Construction Worker
Updated at May 13, 2022, 02:24
Sea man, engineer, lawyer, pulis, piloto, ilan lamang iyan sa mga lalaking pinapangarap ng kuwela at pala-birong dalaga na si Alyanna Angeles. Biro ng dalaga, nais niya raw ng lalaking makapag-aahon sa kaniya sa hirap ng buhay. Ngunit nagbago ang lahat ng pangarap sa isang lalaki nang makilala ang isang matipuno at guwapong lalaking nagpatibok sa kaniyang puso. Si Matteo Leabres… na isang construction worker?!
like
bc
The Opposite Haters
Updated at Feb 22, 2022, 06:29
Do not let your personal matters affect your works, ika nga ng nakararami. Ang trabaho ay trabaho. Ngunit hindi maiiwasan na magbangayan at magsagutan ang dalawang taong kinaiinisan at kinamumuhian ang isa't isa—na hahantong naman sa pag-iibigan. Ang SBG-12 multi-awarded journalist na si Luna Helasque na isang man hater ay makatatrabaho ang isang well-known director of Philippine TV na si Josiah Camero na isang woman hater? Magkasundo kaya ang dalawa sa trabaho? O mauwi lamang sa bangayan ang kanilang mga documentary projects?
like
bc
Solace In Mr. Fedelin
Updated at Jan 3, 2022, 23:14
Si Kassandra Celestia ay isang babaeng puno ng galit at hinanakit sa kaniyang puso. Pakiramdam niya, walang nagmamahal sa kaniya—maliban sa coffee na kaniyang paboritong inumin—sa paniniwalang ang kape ang kaniyang tanging karamay sa buhay. Nagbago ang lahat ng iyon nang makilala si Kalix Jace Fedelin kung saan natalo siya ng binata sa battle of the brain. Nagalit si Kassandra at kinamuhian si Kalix Jace. Ngunit pagkalito ang naramdaman ni Kassandra kay Celestia, sa halip na galit. Bakit sa halip na kamuhian ay nahulog pa ang loob sa binata? Ito na ba ang simula ng kaniyang pagbabago? Maging daan kaya si Kalix Jace upang ang galit sa puso ay mapalitan ng pag-ibig? Maging kape na lamang ba ang tanging nagmamahal kay Kassandra kung nahulog na ang loob kay Kalix Jace Fedelin?
like
bc
The Legend Of Tramos
Updated at Dec 28, 2021, 17:41
Anu-ano nga ba ang mga kakaibang nilalang na nabubuhay sa mundong ito? Anu-ano nga ba ang mga nilalang na kinatatakutan ng mga tao? Mapa-probinsiya man o siyudad ay hindi nakaligtas sa mga paniniwalang ito na siyang nagpasalin-salin sa bawat henerasyon. Ngunit ang malaking katanungan: sila nga ba ay talagang nabubuhay lamang sa mga alamat at kuwentong bayan? O talaga nga namang namumuhay rin sila sa daigdig na ito kasama ng mga mortal at namumuhay na parang mga tao? Sila nga ba talaga ay ganap na nag-e-exist? O sadyang malikhain lamang ang imahinasyon ng mga mortal? Maraming mga kakaibang nilalang na talaga nga namang kahindik-hindik at katakot-takot. Ilan sa mga ito ay manananggal, tiktik, sirena, tikbalang, kapre, tiyanak, at marami pang iba. Lahat ay talagang kinatatakutan ng mga tao. Ngunit ang hindi nais makita ng mga mortal na kakaibang nilalang sa kanilang buhay ay ang mga... Tramos...
like