bc

Solace In Mr. Fedelin

book_age18+
784
FOLLOW
1.7K
READ
opposites attract
inspirational
student
drama
tragedy
sweet
heavy
mystery
campus
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Si Kassandra Celestia ay isang babaeng puno ng galit at hinanakit sa kaniyang puso. Pakiramdam niya, walang nagmamahal sa kaniya—maliban sa coffee na kaniyang paboritong inumin—sa paniniwalang ang kape ang kaniyang tanging karamay sa buhay. Nagbago ang lahat ng iyon nang makilala si Kalix Jace Fedelin kung saan natalo siya ng binata sa battle of the brain. Nagalit si Kassandra at kinamuhian si Kalix Jace.

Ngunit pagkalito ang naramdaman ni Kassandra kay Celestia, sa halip na galit. Bakit sa halip na kamuhian ay nahulog pa ang loob sa binata? Ito na ba ang simula ng kaniyang pagbabago? Maging daan kaya si Kalix Jace upang ang galit sa puso ay mapalitan ng pag-ibig? Maging kape na lamang ba ang tanging nagmamahal kay Kassandra kung nahulog na ang loob kay Kalix Jace Fedelin?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Where It All Started
My life is completely a mess. It was 5 years ago and myself was definitely an asshole. Hindi ko na alam kung ano-ano na ang mga naitawag sa akin. They call me demon, bad, mean girl, halos nabaon na nga sa lupa ang pangalan ko dahil hindi na ito ang ginagamit nila sa akin. Everyone hated me and it's alright. Wala naman akong magagawa para magustuhan nila ako. I deserved being treated like this. Lahat ba naman ng tao ay ginawan ko na ng kalokohan. Halos isumpa na nga nila ako maging ang pangalan ko dahil sa mga pinaggagagawa ko sa mga taong nasa paligid ko. Halos lahat na yata ng kasamaan ay nagawa ko na. If I would list it, baka kulang pa ang isang papel upang maisulat ang lahat ng kademonyohang nagawa ko. Una na riyan ang mga kasambahay namin dito sa mansion. Tawagin na nila akong demonyo o anak ni satanas. Lahat ng mga namamasukan ditong kasambahay ay hindi nagtatagal dahil sa ugali ko. Ginagawa kong miserable ang buhay nila the fact na binabayaran naman sila rito. Lahat ng uri ng kademonyohan ay nagawa ko na sa kanila. The other thing is they deserved that! They were only poor and I knew that our money is their main intention to our family. Palibhasa ay mga hindi nag-aral nang maayos, mga bobo at hindi nakapagtapos ng pag-aaral—kaya hindi nakakuha ng magandang trabaho! Walang araw ang lumilipas na hindi ko napaglalaruan ang buhay nila. I enjoyed playing their lives and it makes me happy. Sa tuwing ginagawan ko sila ng kalokohan ay tila may nararamdaman akong satisfaction. Sometimes, hobby ko na rin yata ang gawing katatawanan ang mga buhay nila. Paggising ko sa umaga, hahanapin ko agad ang isang basong tubig na dapat ay nakalagay sa gitna ng mesa sa kitchen namin. Dapat, tama ang measurements, malinis, walang palutang-lutang na alikabok sa tubig. For me, hindi maarte ang tawag doon. I’m just concerned for my health and I found wrong but nothing! At kapag mayroon silang maling ginawa, hindi ako papayag na hindi makita ang luha nila dahil paiiyakin ko talaga sila! '“Ma’am Kassandra, ito na po ang tubig ninyo,” anang kasambahay na kahapon lamang nagsimula at namasukan dahil ang pumalit sa kaniya ay kusang lumayas dito sa mansion. Marahil hindi kinaya ang ugali ko. I don’t really care at all, how dare her. Besides, that was good. Wala ng mga tangang utusan dito. Binabayaran nang maayos ngunit palpak ang mga trabaho! Aalis siya? Go on! Walang pipigil sa kaniya! Our double-door is open anytime! Ang kapal naman ng mukha niya! “What’s this?” taas-noo kong pagtataray sa kaniya. Her face was calmed, the same before. There's something on her. I felt something strange sa babaeng ito. Hindi siya nasisindak sa akin samantalang ang ibang mga maids na nakahaharap ko ay nanlalambot na ang mga tuhod kapag kausap ako. Ang iba nga, hindi ko pa nasisigawan ay halos maluha-luha na. Ang iba naman ay hindi makatingin sa akin nang maayos. But this woman in front of mine? She's completely different. Wala yata sa vocabulary niya ang matakot. '“Tubig po,” she replied in a low voice. I gritted my teeth and sighed deeply. Was she a philosopher in her past life? Namimilosopo! I took a deep breath once more at malakas na tinabig ang basong nasa harapan ko ngayon. Tumalsik iyon sa sahig at nabasag kaya’t nagkalat ang mga pira-piraso nito. Mula sa isang pirasong basag na bubog, kitang-kita ko ang sarili kong nag-uusok na sa galit. Para akong tigreng handa ng kumain ng karne. Agad namang dumating ang ibang maids para linisin ang kalat na ginawa ko. Bakas ang takot sa mga mukha nila. Hindi man lamang nga sila makatingin sa akin dahil alam nilang anumang oras ay masisigawan sila. Paano ay nasa utak na nilala ang kaisipan na kung nakamamatay lang ang mga titig ko, matagal na silang namayapa. Dali-dali sila sa ginagawa habang ako ay nag-iinit sa galit. Nakita ko pa ang isang maid na nasugatan kaya’t napatawa pa ako. Isa ring mangmang. Imagine? Pupulot ka lang ng isang bagay, nakagawa ka pa ng katangahan? Muli kong ibinaling ang atensiyon ko sa babaeng kaharap ko ngayon. Our situation looked like a staring contest. Hindi siya kumukurap at mukhang nakikipagpatigasan sa akin. Kung ang ibang maids, nag-iiwas agad ng tingin sa takot, siya naman ay tila ba sinasalubong ang mga titig ko. Kumpara sa ibang maids ay mukhang matapang ang isang ito kaya't may kung anong ideyang pumasok sa isipan ko. '“Everyone, leave,” mahinahon kong saad sa kanila. I remained calm for a moment. Nagkatinginan pa sila kaya’t napapikit ako sa inis. “I said, leave!” Dali-dali silang kumaripas ng takbo at nawala sa paningin ko. That’s so annoying! Ang hirap nilang umintindi. Nakangisi akong nagtungo sa kuwarto ng mga maids namin. Hindi maalis ang ngisi sa labi ko hanggang makarating sa mabahong lungga nila. Ang panghe! Mga taga-gubat ba ang nakatira dito at ang baho? Ganito ba talaga ang mga mahihirap?! Nadatnan ko pa ang isang kasambahay na nagtutupi ng damit. Nang makita niya ako ay agad siyang napatayo at yumuko sa akin. Napangisi ako. That was good, then. I’m the boss here. Mabuti at nagkusa siyang yumuko bago ko pa idikit ang mukha niya sa maruming sahig nila. Tinitigan ko muna siya nang matalim. Kahit papaano ay maayos ang hitsura ng ito kumpara sa iba na mukhang hampas-lupa. Simple, may itinatagong hitsura. “Nasaan ang mga gamit ng mabaho at malansang si Maggy?” tanong ko na puno ng paghahamon ang boses. Kaagad niyang itinuro sa akin ang isang higaan na may bedsheet na itim. Sa ilalim nito ay ang mga bag at mga gamit. Those bags were simple as is. Bakas na bakas sa mga gamit niya kung ano talaga siyang tao at babae—mahirap. Nakatatawa siya. Ang kapal ng mukha niya na hindi matakot sa akin. Tingnan mo nga naman at mahirap lang pala, akala mo ay kung sino. Akala niya ba, siya ang mataas dito? She should know her place! She's irritating the hell out of me! Pinanlisikan ko ng mata ang babaeng nakatayo hindi kalayuan sa akin na nakayuko habang nanginginig ang mga kamay kaya’t mabilis itong naglaho sa paningin ko. Mas demonyo pa ako sa mga demonyo at gagawin ko kung ano man ang maisipan ko. Hindi man makatarungan sa paningin ng iba, as long as gusto kong gawin ay gagawin ko. Ang babaeng iyon? Let’s see. Tingnan natin kung ano ang resulta ng pagmamatapang niya. Dali-dali kong binuhat ang mga gamit ng mabahong si Maggy at dinala ito sa likod ng mansion. Medyo nahirapan pa ako dahil may kabigatan ang mga ito. Was she hiding something? A dragon? Dinosaur? Ang bigat ng mga gamit niya! Is there a treasure here? Mga lumang kasangkapan? Hindi na rin nakapagtataka kung mayroon dahil ang mukha niya naman ay pang-sinauna. Pathetic. Sakto namang pagbaba, naabutan ko ang isa pang kasambahay na palakad-lakad sa mahabang pasilyo kaya’t inutusan ko itong sunugin niya ang lahat ng hawak ko. At first, she insisted. Her eyes became teary. Oh, are they best friends? “Susunugin mo o ikaw ang susunugin ko?” ngising tanong ko sa kaharap na maid. Napipilitan man ay napatango na lang ito at naiiyak na kinuha sa akin ang mga gamit na hawak ko. Habang inaasikaso niya iyon ay nakatayo lang ako at pinanuunuod siya. Pinatawag ko na rin si malansang Maggy para panuorin niya ang isang simpleng show na inihanda ko for her. At nang dumating siya, I laughed out loud to tease her even more. Napangiti ako nang makita ang reaksiyon ni Maggy. Gusto ko ang mga ganiyang hitsura. Hindi dapat ako kinakalaban ng kahit sino. Ang kapal ng mukha niyang hindi matakot sa akin kanina. Siya ba ang boss sa aming dalawa? Ito ang nababagay sa kaniya. Habang nakikita kong umiiyak si Maggy at nakaluhod sa sahig, I felt something that I want more. Dahil sira na ang araw ko, susulitin ko na rin. I’m not contented yet kaya’t kinahapunan, habang nagpapahinga ang mga maids namin, kinausap ko si Manang Gina na taga-luto rito sa mansion. Buti pa ang matandang ito, maasahan kahit papaano. Sinabi kong lagyan niya ng expired na ingredients ang lulutuin niya para sa mga maids. At first, she insisted—as what I’ve expected. Of course, this is against to her so-called ‘morality’. Pero nang tinakot ko siyang matatanggal siya sa trabaho ay ginawa niya. Iyon lang naman ang mga panakot sa mga mukhang pera, ang sabihing tatanggalin sila sa trabaho kapag hindi sila sumunod. She did what I wanted. Nilagyan niya ng ilang mga expired ingredients ang nilutong pagkain para sa mga hapunan. The thought and the act is giving me an excitement. They certainly deserved it. Sinira nila ang araw ko. Nang ihain niya sa mga maids ang mga pagkain ay tumulong ako sa pamamahagi noon, nagbabait-baitan. They were perplexed for what I did without knowing that later on, their stomachs gets hurt. Should I show pity for them? I prayed na sana, isuka na nila maging ang mga laman-loob nila once they eat the special food we made. Isang oras ang lumipas at nag-unahan na nga sila sa banyo dahil sa pamimilipit ng tiyan nila. Tawa lang ako nang tawa sa mga nakikita ko. Kung ang pagtawa ay nakayayaman, baka naging bilyonaryo na ako. Sino ang hindi matatawa sa mga hitsura nila? Hanggang sa magsawa ay pumunta na lang ako sa aking kuwarto. When my father and younger brother died, lagi na akong narito. Ito na yata halos ang makikita ko sa araw-araw. Nang makapasok ay nagtungo ako sa mini-library ng kuwarto ko. It has four shelves with hundreds of books na binili sa akin ni mom. I didn’t read any of these because of its genre is fantasy. Nonsense. Sometimes, I compared myself to fictional characters with kind personalities. I’m too far from them. I’m not that type of woman na mababasa nila sa mga libro na maganda ang ugali, anghel o mabait. Kabaligtaran ako ng lahat ng iyon. Hindi naman nila ako masisisi kung bakit ako ganito. Lahat tayo ay may dahilan kung bakit nagiging masama ang ugali and I’m sure na tama lang itong ginagawa ko—ang magpakademonyo. Pinandidirian na ako ng lahat ng tao sa paligid ko—even my mom. Kababae ko raw na tao pero daig ko pa ang mga basagulerong lalaki sa kanto. That was good for me. Dito lang naman ako napupuna ng lahat—sa mga maling nagagawa ko. Hindi ako nagbibisyo o umiinom ng alak, nagsusugal o naglulustay ng pera. Hindi rin naman ako nag-aadik at tumitira ng droga. Hindi ako pumapatay ng tao, kriminal, at kung ano-ano pa na matatagpuan sa mga kulungan. But one thing I always commit that is for sure they would definitely hate—manglait o manghusga. I grew up in a family na matalino at halos lahat na yata ng bagay sa mundo ay alam. I always joined and participates debates, contest, quiz bees and I'd always brought home the bacon. Hindi ako pumapayag na natatalo ako at kung matalo man ako ay gagawan ko ng paraan. Ako? Matatalo? There’s no way. I will do everything just to give the title that is definitely for me. One time, I joined in a quiz bee last month. Matatalo sana ako roon but like a BDO, I find ways. Dala ng kayabangan at kademonyohan ko ay binayaran ko ang quiz master ng contest na iyon just to achieve the title I absolutely deserved. Mga tanga at bobo naman ang kalaban ko kaya’t paano nila ako matatalo? I bribed the quiz master just to change the result. I had be the winner! Hindi ako papayag na matalo ako! I had be the first placer! Walang dapat na makatalo sa akin! I don’t care kung sabihin nilang masyado akong mahangin, mayabang or what, pero hindi nila ako masisisi. May kani-kaniya tayong environment na kinalakihan and if they’re wondering what environment I'm in? Nakasusuka. Minsan, napaluluha na lang ako nang mag-isa kapag walang tao. Akalain mo iyon? Marunong pala akong umiyak? Hindi ko alam kung bakit iyon nangyayari pero dahil gusto kong makita nila akong malakas, hindi ako nagpapakita ng kahinaan o emosiyon sa mga tao. But deep inside, I’m dying. Parang nabubuhay na lang yata ako para maging masaya where in fact, halos mamatay na ako sa sakit. Everyday, my mother visits me at my room but I just ignored her. Mula nang mamatay si Dad and Pat ay pinandirian ko na siya. Kinamumuhian ko na siya—to the point na hindi ko na siya kinikilalang ina. Para na nga lang siyang hangin na pinakikiramdaman ko na lang ngunit hindi pinapansin. Siya lagi ang nagdadala sa akin ng pagkain and she always convince me to change myself and fix my attitude. I just laughed out loud. The nerve of telling that to me! Nababaliw na ako sa katatawa at halos sumakit na rin ang tiyan ko dahil sa sinasabi niya. Magbago na raw ako? That’s impossible! “Mom, I won’t, and I WOULD NEVER!” mariin kong sabi sa kaniya. Kahit ano pang sabihin niya, I would never change myself because at very first place, this is me. Si Kassandra Celestia na isang demonyong lumaki sa malas na pamilya. “Is it because the incident happened—” “NO! And don’t bring it back again! Kasalanan mo ang lahat ng iyon kaya’t nagkakaganito ako so why would I change myself? Baka ikaw! Baguhin mo ang sarili mo! It suits you well!” Nakita ko ang mga luha sa kaniyang mata. I immediately shifted my gaze. Sa totoo lang, I wanted to remove this pain in my heart. I wanted to cry. But NO. I won’t. In front of her is a big NO. Mabilis kong pinigilan ang mga luhang nagbabadya sa aking mata at tumayo sa harap niya. As what I’ve mentioned, hindi ako nagpapakita ng kahinaan. Lalo na sa kaniya. There’s no way. “Kailan mo ba ako mapatatawad?'' Nagpunas siya ng kaniyang mga luha. Kahit hindi ako nakaharap sa kaniya, nararamdaman kong nagmamakaawa na ang mukha niya. I faced her, trying to hold my tears. “Kapag patay ka na.” Kaagad akong nakatanggap ng sampal sa nanay ko. It was so unexpected. Everytime na sinasagot ko siya, sinisigawan o tinataasan ng boses, hindi niya ako sinasampal o hindi niya ako sinisigawan pabalik. But this situation is totally different. I stared at her for a moment and flashed and chuckled. “C-Congratulations! You did it!” I praised her sarcastically. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at agad na lumabas ng kuwarto. Habang pababa ng hagdan, I’m really trying my best not to cry. Dali-dali akong nagtungo sa likod ng mansion namin kung saan walang tao. Nagulat ako nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. I can’t move. Parang napako na ako rito sa kinatatayuan ko. Basang-basa na ako ng ulan ngunit hindi ako nakaramdam ng panlalamig. Manhid na ako. Tuluyan na ngang bumuhos ang mga luha sa aking mata kasabay ng mga malalakas na kulog at kidlat. The sky was covered by darkness. Hinihiling kong sa mga oras na ito ay kasabay ng pagkawala at pagtigil ng ulan ay siya ring pagtigil ng sakit na nararamdaman ko. Ang sakit-sakit. Parang paulit-ulit na sinasaksak itong dibdib ko. Gusto ko na lang na maglaho na parang bula dahil wala na yatang saysay ang buhay ko. What would be my reason to live if I’m such a waste? Dapat sa akin ay nasa basurahan dahil gaya ng buhay ko ay patapon na rin ako. Minsan, naiisip ko na lamang na sana, wala na lang ako, walang demonyong Kassandra Celestia na nabubuhay rito sa mundo. Napakasakit. Perhaps, I deserved the pain at all. Dapat lang sa akin ito dahil sa kademonyohan ko. Dapat lang sa akin ito. Pumasok na ako sa loob ng bahay at nagbihis. Maggagabi na ngunit napagpasyahan kong pumunta sa isang sementeryo. Gusto ko ng tahimik, hindi ko nga lang alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Sinalubong ako ng malamig na hangin at niyakap ako ng katahimikan. Malamig ang simoy ng hangin na dumarampi sa balat ko. Tanging buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa madilim at payapang gabi. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Nagkalat ang mga lapida at nitso sa paligid. Ang ilan ay binaboy na dahil sa mga nakaukit na kabastusan, mga pangalan at kung ano-ano pa. Ang ilan ay halos mangitim dahil hindi na mabasa ang pangalan na nakalagay roon. Ang ilan naman ay may barag o lamat na at may mga kandila pang hindi nalilinis. Habang naglalakad ay nahagip ng mata ko ang isang taong nakahiga sa isang mahabang batong nitso. Komportable siya roon na nakahiga, animo’y wala nang bukas. Napakunot ang noo ko nang makita siyang tuluyan. Ano namang ginagawa niya sa sementeryo at gabi na? Is he fool? Is he homeless at diyan siya nakahiga? At dito pa sa sementeryo? Mga mahihirap nga naman, hindi nawawala sa mata ko. Kahit saan yata ako magpunta, puro mga mahihirap na nilalang na lang ang bubungad sa akin. Mas lalo pa akong nagtaka nang makita ko ang pag-angat ng kanang kamay niya sa ere. Nakatanaw siya sa langit na animo’y hinahawakan ang mga naggagandahan at nagkikinangang mga bituin. Tila hinahaplos niya ang mga ito, gustong makamtan. I was shocked as I felt some tears falling in my eyes. Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sa akin. Para saan ang mga luhang ito? Sino ba siya at paanong pinaluha niya ang mga nananahimik kong mga mata? Saka lang pumasok sa isipan ko ang lahat ng mga nangyari. Mula nang dumating siya sa buhay ko ay nabago ang lahat sa akin. Mula nang dumating siya ay hindi na lang kape ang nagmahal sa akin. Nanikip ang dibdib ko nang maalala ang lahat. Parang unti-unting nadudurog ang puso ko. Ang matinding sakit. Ang pagkawala niya. Ang paglisan niya—dahil iniwan niya ako. Napatayo siya’t ngumiti sa akin. Marahan siyang naglakad patungong direksiyon ko. Lumakas ang ihip ng hangin kasabay ng pagkadurog ng puso ko. When he arrived at my place, he immediately hugs me. Napakainit ng mga yakap niya na animo’y hinahanap-hanap ko’t ibig ko pang maranasan sa hindi matitigil na pagkakataon. Hinawakan niya ang pisngi ko at tinitigan ang mga mata ko pababa sa aking labi. Kahit medyo madilim ay kitang-kita kong nakangiti siya habang dahan-dahang naglalandas ang mga luha sa kaniyang pisngi. Isang matamis na halik ang iginawad niya sa akin. Halik na tila ba hindi niya ako sinaktan. Halik na tila ba hindi niya ako iniwan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook