Paggising ko sa umaga, hahanapin ko agad ang isang basong tubig na dapat ay nakalagay sa gitna ng mesa sa kitchen namin. Dapat, tama ang measurements, malinis, walang palutang-lutang na alikabok sa tubig.
For me, hindi maarte ang tawag doon. I’m just concerned for my health and I found wrong but nothing! At kapag mayroon silang maling ginawa, hindi ako papayag na hindi makita ang luha nila dahil paiiyakin ko talaga sila!
'“Ma’am Kassandra, ito na po ang tubig ninyo,” anang kasambahay na kahapon lamang nagsimula at namasukan dahil ang pumalit sa kaniya ay kusang lumayas dito sa mansion.
Marahil hindi kinaya ang ugali ko. I don’t really care at all, how dare her. Besides, that was good. Wala ng mga tangang utusan dito. Binabayaran nang maayos ngunit palpak ang mga trabaho! Aalis siya? Go on! Walang pipigil sa kaniya! Our double-door is open anytime! Ang kapal naman ng mukha niya!
“What’s this?” taas-noo kong pagtataray sa kaniya. Her face was calmed, the same before. There's something on her.
I felt something strange sa babaeng ito. Hindi siya nasisindak sa akin samantalang ang ibang mga maids na nakahaharap ko ay nanlalambot na ang mga tuhod kapag kausap ako. Ang iba nga, hindi ko pa nasisigawan ay halos maluha-luha na. Ang iba naman ay hindi makatingin sa akin nang maayos. But this woman in front of mine? She's completely different. Wala yata sa vocabulary niya ang matakot.
'“Tubig po,” she replied in a low voice.
I gritted my teeth and sighed deeply. Was she a philosopher in her past life?
Namimilosopo!
I took a deep breath once more at malakas na tinabig ang basong nasa harapan ko ngayon. Tumalsik iyon sa sahig at nabasag kaya’t nagkalat ang mga pira-piraso nito. Mula sa isang pirasong basag na bubog, kitang-kita ko ang sarili kong nag-uusok na sa galit. Para akong tigreng handa ng kumain ng karne.
Agad namang dumating ang ibang maids para linisin ang kalat na ginawa ko. Bakas ang takot sa mga mukha nila. Hindi man lamang nga sila makatingin sa akin dahil alam nilang anumang oras ay masisigawan sila. Paano ay nasa utak na nilala ang kaisipan na kung nakamamatay lang ang mga titig ko, matagal na silang namayapa. Dali-dali sila sa ginagawa habang ako ay nag-iinit sa galit.
Nakita ko pa ang isang maid na nasugatan kaya’t napatawa pa ako. Isa ring mangmang. Imagine? Pupulot ka lang ng isang bagay, nakagawa ka pa ng katangahan?
Muli kong ibinaling ang atensiyon ko sa babaeng kaharap ko ngayon. Our situation looked like a staring contest. Hindi siya kumukurap at mukhang nakikipagpatigasan sa akin. Kung ang ibang maids, nag-iiwas agad ng tingin sa takot, siya naman ay tila ba sinasalubong ang mga titig ko. Kumpara sa ibang maids ay mukhang matapang ang isang ito kaya't may kung anong ideyang pumasok sa isipan ko.
'“Everyone, leave,” mahinahon kong saad sa kanila. I remained calm for a moment. Nagkatinginan pa sila kaya’t napapikit ako sa inis. “I said, leave!” Dali-dali silang kumaripas ng takbo at nawala sa paningin ko.
That’s so annoying! Ang hirap nilang umintindi.
Nakangisi akong nagtungo sa kuwarto ng mga maids namin. Hindi maalis ang ngisi sa labi ko hanggang makarating sa mabahong lungga nila. Ang panghe! Mga taga-gubat ba ang nakatira dito at ang baho? Ganito ba talaga ang mga mahihirap?! Nadatnan ko pa ang isang kasambahay na nagtutupi ng damit. Nang makita niya ako ay agad siyang napatayo at yumuko sa akin. Napangisi ako.
That was good, then. I’m the boss here. Mabuti at nagkusa siyang yumuko bago ko pa idikit ang mukha niya sa maruming sahig nila.
Tinitigan ko muna siya nang matalim. Kahit papaano ay maayos ang hitsura ng ito kumpara sa iba na mukhang hampas-lupa. Simple, may itinatagong hitsura.
“Nasaan ang mga gamit ng mabaho at malansang si Maggy?” tanong ko na puno ng paghahamon ang boses. Kaagad niyang itinuro sa akin ang isang higaan na may bedsheet na itim. Sa ilalim nito ay ang mga bag at mga gamit. Those bags were simple as is. Bakas na bakas sa mga gamit niya kung ano talaga siyang tao at babae—mahirap.
Nakatatawa siya. Ang kapal ng mukha niya na hindi matakot sa akin. Tingnan mo nga naman at mahirap lang pala, akala mo ay kung sino. Akala niya ba, siya ang mataas dito? She should know her place! She's irritating the hell out of me!
Pinanlisikan ko ng mata ang babaeng nakatayo hindi kalayuan sa akin na nakayuko habang nanginginig ang mga kamay kaya’t mabilis itong naglaho sa paningin ko. Mas demonyo pa ako sa mga demonyo at gagawin ko kung ano man ang maisipan ko. Hindi man makatarungan sa paningin ng iba, as long as gusto kong gawin ay gagawin ko. Ang babaeng iyon? Let’s see. Tingnan natin kung ano ang resulta ng pagmamatapang niya.
Dali-dali kong binuhat ang mga gamit ng mabahong si Maggy at dinala ito sa likod ng mansion. Medyo nahirapan pa ako dahil may kabigatan ang mga ito. Was she hiding something? A dragon? Dinosaur? Ang bigat ng mga gamit niya! Is there a treasure here? Mga lumang kasangkapan? Hindi na rin nakapagtataka kung mayroon dahil ang mukha niya naman ay pang-sinauna. Pathetic.
Sakto namang pagbaba, naabutan ko ang isa pang kasambahay na palakad-lakad sa mahabang pasilyo kaya’t inutusan ko itong sunugin niya ang lahat ng hawak ko. At first, she insisted. Her eyes became teary. Oh, are they best friends?
“Susunugin mo o ikaw ang susunugin ko?” ngising tanong ko sa kaharap na maid.
Napipilitan man ay napatango na lang ito at naiiyak na kinuha sa akin ang mga gamit na hawak ko. Habang inaasikaso niya iyon ay nakatayo lang ako at pinanuunuod siya. Pinatawag ko na rin si malansang Maggy para panuorin niya ang isang simpleng show na inihanda ko for her. At nang dumating siya, I laughed out loud to tease her even more.
Napangiti ako nang makita ang reaksiyon ni Maggy. Gusto ko ang mga ganiyang hitsura. Hindi dapat ako kinakalaban ng kahit sino. Ang kapal ng mukha niyang hindi matakot sa akin kanina. Siya ba ang boss sa aming dalawa? Ito ang nababagay sa kaniya.
Habang nakikita kong umiiyak si Maggy at nakaluhod sa sahig, I felt something that I want more. Dahil sira na ang araw ko, susulitin ko na rin. I’m not contented yet kaya’t kinahapunan, habang nagpapahinga ang mga maids namin, kinausap ko si Manang Gina na taga-luto rito sa mansion. Buti pa ang matandang ito, maasahan kahit papaano.
Sinabi kong lagyan niya ng expired na ingredients ang lulutuin niya para sa mga maids. At first, she insisted—as what I’ve expected. Of course, this is against to her so-called ‘morality’. Pero nang tinakot ko siyang matatanggal siya sa trabaho ay ginawa niya. Iyon lang naman ang mga panakot sa mga mukhang pera, ang sabihing tatanggalin sila sa trabaho kapag hindi sila sumunod.
She did what I wanted. Nilagyan niya ng ilang mga expired ingredients ang nilutong pagkain para sa mga hapunan. The thought and the act is giving me an excitement. They certainly deserved it. Sinira nila ang araw ko.
Nang ihain niya sa mga maids ang mga pagkain ay tumulong ako sa pamamahagi noon, nagbabait-baitan. They were perplexed for what I did without knowing that later on, their stomachs gets hurt. Should I show pity for them? I prayed na sana, isuka na nila maging ang mga laman-loob nila once they eat the special food we made.
Isang oras ang lumipas at nag-unahan na nga sila sa banyo dahil sa pamimilipit ng tiyan nila. Tawa lang ako nang tawa sa mga nakikita ko. Kung ang pagtawa ay nakayayaman, baka naging bilyonaryo na ako. Sino ang hindi matatawa sa mga hitsura nila?
Hanggang sa magsawa ay pumunta na lang ako sa aking kuwarto. When my father and younger brother died, lagi na akong narito. Ito na yata halos ang makikita ko sa araw-araw.
Nang makapasok ay nagtungo ako sa mini-library ng kuwarto ko. It has four shelves with hundreds of books na binili sa akin ni mom. I didn’t read any of these because of its genre is fantasy. Nonsense.
Sometimes, I compared myself to fictional characters with kind personalities. I’m too far from them. I’m not that type of woman na mababasa nila sa mga libro na maganda ang ugali, anghel o mabait. Kabaligtaran ako ng lahat ng iyon. Hindi naman nila ako masisisi kung bakit ako ganito. Lahat tayo ay may dahilan kung bakit nagiging masama ang ugali and I’m sure na tama lang itong ginagawa ko—ang magpakademonyo.
Pinandidirian na ako ng lahat ng tao sa paligid ko—even my mom. Kababae ko raw na tao pero daig ko pa ang mga basagulerong lalaki sa kanto. That was good for me. Dito lang naman ako napupuna ng lahat—sa mga maling nagagawa ko.
Hindi ako nagbibisyo o umiinom ng alak, nagsusugal o naglulustay ng pera. Hindi rin naman ako nag-aadik at tumitira ng droga. Hindi ako pumapatay ng tao, kriminal, at kung ano-ano pa na matatagpuan sa mga kulungan. But one thing I always commit that is for sure they would definitely hate—manglait o manghusga.
I grew up in a family na matalino at halos lahat na yata ng bagay sa mundo ay alam. I always joined and participates debates, contest, quiz bees and I'd always brought home the bacon. Hindi ako pumapayag na natatalo ako at kung matalo man ako ay gagawan ko ng paraan. Ako? Matatalo? There’s no way. I will do everything just to give the title that is definitely for me.
One time, I joined in a quiz bee last month. Matatalo sana ako roon but like a BDO, I find ways.
Dala ng kayabangan at kademonyohan ko ay binayaran ko ang quiz master ng contest na iyon just to achieve the title I absolutely deserved. Mga tanga at bobo naman ang kalaban ko kaya’t paano nila ako matatalo? I bribed the quiz master just to change the result. I had be the winner! Hindi ako papayag na matalo ako! I had be the first placer! Walang dapat na makatalo sa akin!
I don’t care kung sabihin nilang masyado akong mahangin, mayabang or what, pero hindi nila ako masisisi. May kani-kaniya tayong environment na kinalakihan and if they’re wondering what environment I'm in? Nakasusuka.
Minsan, napaluluha na lang ako nang mag-isa kapag walang tao. Akalain mo iyon? Marunong pala akong umiyak? Hindi ko alam kung bakit iyon nangyayari pero dahil gusto kong makita nila akong malakas, hindi ako nagpapakita ng kahinaan o emosiyon sa mga tao. But deep inside, I’m dying.
Parang nabubuhay na lang yata ako para maging masaya where in fact, halos mamatay na ako sa sakit.
Everyday, my mother visits me at my room but I just ignored her. Mula nang mamatay si Dad and Pat ay pinandirian ko na siya. Kinamumuhian ko na siya—to the point na hindi ko na siya kinikilalang ina. Para na nga lang siyang hangin na pinakikiramdaman ko na lang ngunit hindi pinapansin.
Siya lagi ang nagdadala sa akin ng pagkain and she always convince me to change myself and fix my attitude. I just laughed out loud. The nerve of telling that to me! Nababaliw na ako sa katatawa at halos sumakit na rin ang tiyan ko dahil sa sinasabi niya. Magbago na raw ako? That’s impossible!
“Mom, I won’t, and I WOULD NEVER!” mariin kong sabi sa kaniya. Kahit ano pang sabihin niya, I would never change myself because at very first place, this is me. Si Kassandra Celestia na isang demonyong lumaki sa malas na pamilya.
“Is it because the incident happened—”
“NO! And don’t bring it back again! Kasalanan mo ang lahat ng iyon kaya’t nagkakaganito ako so why would I change myself? Baka ikaw! Baguhin mo ang sarili mo! It suits you well!” Nakita ko ang mga luha sa kaniyang mata. I immediately shifted my gaze.
Sa totoo lang, I wanted to remove this pain in my heart. I wanted to cry. But NO. I won’t. In front of her is a big NO. Mabilis kong pinigilan ang mga luhang nagbabadya sa aking mata at tumayo sa harap niya. As what I’ve mentioned, hindi ako nagpapakita ng kahinaan. Lalo na sa kaniya. There’s no way.
“Kailan mo ba ako mapatatawad?'' Nagpunas siya ng kaniyang mga luha. Kahit hindi ako nakaharap sa kaniya, nararamdaman kong nagmamakaawa na ang mukha niya.
I faced her, trying to hold my tears. “Kapag patay ka na.” Kaagad akong nakatanggap ng sampal sa nanay ko. It was so unexpected. Everytime na sinasagot ko siya, sinisigawan o tinataasan ng boses, hindi niya ako sinasampal o hindi niya ako sinisigawan pabalik. But this situation is totally different.
I stared at her for a moment and flashed and chuckled. “C-Congratulations! You did it!” I praised her sarcastically.
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at agad na lumabas ng kuwarto. Habang pababa ng hagdan, I’m really trying my best not to cry. Dali-dali akong nagtungo sa likod ng mansion namin kung saan walang tao. Nagulat ako nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. I can’t move. Parang napako na ako rito sa kinatatayuan ko. Basang-basa na ako ng ulan ngunit hindi ako nakaramdam ng panlalamig. Manhid na ako.
Tuluyan na ngang bumuhos ang mga luha sa aking mata kasabay ng mga malalakas na kulog at kidlat. The sky was covered by darkness. Hinihiling kong sa mga oras na ito ay kasabay ng pagkawala at pagtigil ng ulan ay siya ring pagtigil ng sakit na nararamdaman ko.
Ang sakit-sakit. Parang paulit-ulit na sinasaksak itong dibdib ko. Gusto ko na lang na maglaho na parang bula dahil wala na yatang saysay ang buhay ko. What would be my reason to live if I’m such a waste? Dapat sa akin ay nasa basurahan dahil gaya ng buhay ko ay patapon na rin ako.
Minsan, naiisip ko na lamang na sana, wala na lang ako, walang demonyong Kassandra Celestia na nabubuhay rito sa mundo. Napakasakit. Perhaps, I deserved the pain at all. Dapat lang sa akin ito dahil sa kademonyohan ko. Dapat lang sa akin ito.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at nagbihis. Nakapapagod mabuhay.
It was a happy morning when I woke up as I received an invitation sa isang quiz bee na gaganapin daw mamaya. Si Mr. Elvi ang nagbabalita sa akin sa lahat ng mga events sa school na pinapasukan ko.
He was my mom's assistant of all time at masasabi kong kahit papaano ay mapagkakatiwalaan siya. We have been in arguments and fights—just for small things but due to the fact that he's willing to humble his self, nagpaparaya siya. In the end ay ako pa rin ang nasusunod. Well, ako talaga ang dapat.
''Where's the water here?'' mataray kong tanong sa isang maid. Siya ang inutusan ko last time na sunugin ang mga gamit ni mabahong Maggy na mamaya ay aalis na.
''Sorry po, Ma'am—"
Hindi niya na natapos pa ang sasabihin niya when we heard Maggy's voice. Bigla akong nanggalaiti dahil sa iyak niya. Ang sakit sa tainga!
''Oh, hi! Are you leaving now? Would you mind kung ihatid kita palabas ng mansion ko?'' She gaves me a grave look. Alam ko na gusto niya na akong patayin sa isip niya. Kung gayon, magpatayan kami.
''Napakasama ninyo!'' I bursts into laughter as I heard it. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niyang namumula na. Nakakuyom na rin ang mga kamay nito na animo'y handa na akong sapakin. Ngayon niya lang ba nalaman na ako ang nawawalang anak ng kasamaan?
''Ako, napakasama, and you?'' Lumapit ako sa kaniya at hinila siya palabas ng mansion. Napasigaw pa ang ilan sa mga katulong namin dahil sa ginawa ko. Ibinalibag ko siya sa harap ng malaking gate namin. People looked at us but in one blink of my eye, wala na sila sa paningin ko. Mga chismosang mahihirap! Ano ang akala nila, show ito?
''Stay alive, Maggy! Stay hydrated.''
Agad akong pumasok sa loob bitbit ang ngiti sa labi ko. Karapat-dapat lamang sa kaniya iyon at kung tutuusin ay kulang pa.
Naligo na ako nang mabilisan at kumain. Iwinaksi ko na sa isip ko ang nakaiinis na mukha ni Maggy at nagpatuloy sa ginagawa. Naabutan ko pang pababa ang ina ko sa hagdan kaya't binilisan ko na ang kilos ko. I don't want to be with her. She's really disgusting.
Ilang taon na rin na naging ganito ang set-up namin. I must say na malayo na ang loob ko sa kaniya mula nang mamatay si Dad at ang kapatid kong si Pat—five years ago. Para siyang may sakit na anumang oras ay maaari akong mahawa kaya't nilalayuan ko.
We visited a resort na gustong-gustong puntahan ni Mom. Naikuwento niya pa nga na gusto niyang lumipat kami malapit doon. We opposed to her since kasagsagan din ng bagyo noon pero mapilit siya dahil doon daw gaganapin ang business meeting nila kaya't napilitan kaming tatlo na sumama.
At very first place, I felt of something bad will happen pero dahil pinagkakatiwalaan ko si Dad sa pagmamaneho ay isinawalang bahala ko na lamang iyon.
But fate does not smile on us that day dahil nalaglag ang sinasakyan naming kotse sa isang bangin—because of Mom's fault. Madulas ang daan noong mga panahon na iyon pero mapilit siya. My father and my younger brother died habang ako? Critical sa mga oras na iyon! I prayed na sana, namatay na lang din ako kaysa makasama si mom.
God knows, siya pa sa aming apat ang may pinakakaunting injury na natamo! Lahat ng iyon ay isinisi ko sa kaniya dahil kung hindi niya pinairal ang utak niyang puro business ang inaatupag ay hindi kami magkakaganito!
Magmula noon ay naging hangin na lang siya sa akin. I don't consider and acknowledge her as my Mom.
''Sa school tayo. Pisong bilis,'' I stated nonchalantly. Agad namang pinaandar ng bagong driver ko ang kotse. I can't deny na may itsura ang isang ito kumpara sa ibang mga driver na nagsilbi sa akin na mukhang mga adik at lasenggero sa mga kalye at kanto.
Naalala kong last week lang pala ito nagsimula dahil nag-resign din ang driver na nagsilbi sa akin. I heard rumors from maids na dati itong miyembro ng kawatan so the fact na hindi pala ito mapagkakatiwalaan.
Gumawa ako ng paraan para kusa nitong bitawan ang trabaho niya at hindi naman ako nabigo roon.
I scared him to death.
Sinabi ko lang naman na kung hindi siya aalis ay papatayin ko ang buong pamilya niya. Call me son of a bi*ch but I have the power to do so. Gaya ng sinabi ko, kung gusto ko, labag man sa paningin ng iba ay gagawin ko.
Hindi naman ito nagdalawang-isip na mag-resign kaya't nagpahanap agad ako kay Mr. Elvi ng panibago kong driver. Dahil maasahan naman si Mr. Elvi ay kaagad itong nakahanap ng papalit. It was absolutely easy to hire a new one. 'Yung worth it ang mga perang ipambabayad namin.
There's a lot of people asking me na bakit daw ako ganito. What do they mean is I have everything. I'm rich and can get whatever I want. Maganda naman daw ako kaya't hindi nila masabing naiinggit lang ako kaya ako nagkakaganito pero bakit daw hindi ko mabago ang sarili ko?
Yes. I have my everything but one thing I assured is, I deserved this so they don't have the right to question what I have. Wala silang karapatan na sabihan akong baguhin ko ang ugali ko dahil simula pa lang ay ginusto ko rin naman ito. How the hell they are for questioning my worth.
The driver just nodded and faked a smile wearing black suit and pants. Hindi siya gaanong umiimik marahil kilala niya na ako.
Mabilis lang akong nakarating sa university. Gaya ng dati ay napagigilid ang lahat ng mga estudyanteng nakasasalubong ko. Hindi rin sila makatingin sa akin nang diretso. Maihahalintulad nga raw ako kay Medusa, bagaman hindi nagiging bato kapag tinitigan, ngunit nakamamatay.
On my way to President's Office, everyone's whispering. I used to be with this scenario kaya't hindi ko na lang sila pinapansin. Tinatarayan ko lang sila and for worse, I gave them my middle finger. Siguro, kapag nakatalikod na ako ay parang gusto na nila akong patayin.
Wala akong pinipiling kahit sino na pagtataasan ko ng kilay o pagsusungitan because even mga university officials, committees, and executives ay nagagawa ko ring bastusin. Mula sa pinakamababang position up to highest position na mayroon ang university na ito ay hindi nakaliligtas sa kademonyohan ko.
They don't kick me out o pinatatalsik sa university na ito dahil una sa lahat ay napakalaki ng binabayad ko sa university na ito. It might be five times or more compare to a normal tuition fee. My mother also donated bunch of money and donations for this university. And the other thing is, I'm the top of the top of this university. A dean lister and running for Latin Honors.
Kapag nawala ako ay sino na lamang ang ipanlalaban nila sa labas ng university? Sa mga interbranch and other university competitions? I have this thought na puro mangmang ang mga students dito.
Bago pa ako makarating sa aking patutunguhan ay natigilan ako nang mabunggo ang isang lalaki. Payat siya at may katangkaran. Ngayon ko lamang nakita ang kaniyang mukha. That made me jump into conclusion that he's a transferee.
''Are you out of your mind?! Tanga ka ba?! Ang lawak-lawak ng daan!''
Nakita ko na napayuko siya at paulit-ulit na humingi ng tawad. Naikuyom ko na ang kamao ko. Kung mamalasin ka nga naman. At first, Maggy. She ruined my day dahil sa malansa at mabaho niyang ugali kaya't hindi ko alam kung saan siya pupulutin ngayon! And then, this one! Mga panira ng araw! How dare them to ruin my good day!
Naramdaman ko na lahat ng mga mata ay nakatitig sa akin. I supposed to hit the student in front of mine when suddenly, Mr. Elvi, our general assistant, arrived and stopped my hand from falling into the man's face. Napahinga na lang ako nang malalim at nagtungo sa loob ng President's Office.
Nang matapos kong malaman ang schedule at rules and regulations; pointing systems and everything about quiz bee, I went to the comfort room to fix myself. Muli na naman akong napahinga nang malalim dahil sa inis. That student was exasperating!
Napakalawak ng hallway to the point na kahit sinong dance group ay pwedeng mag-practice roon but then, nabangga niya pa ako! Wala ba siyang mata? I stood up in front of the mirror and whispered. Kapag nakita ko siyang muli ay magiging miserable ang buhay niya. I swear. I will definitely.
While fixing myself, may dalawang student na pumasok dito sa comfort room. Nagkatinginan pa silang dalawa at nagmadaling pumasok sa magkabilang cubicle. Mula rito sa kinatatayuan ay napangisi ako.
Inabangan ko silang lumabas and suddenly, their faces was shocked as they saw me standing in front of them. The girl with a curly hair looked on the other girl, they exchanged glances. Tinaasan ko ng kilay ang dalawang student na nasa harap ko. Lalabas na sana sila nang bigla kong hilahin ang buhok ng isa, napadaing ito sa sakit.
"Anong pinagkakalat mo noong nakaraan na binayaran ko ang quiz master para ako ang manalo?! Seriously?!" Nakita kong natatakot na ang isang babaeng kasama nito. Huwag niya lang subukang lumapit, magkakaroon ng gulo rito sa comfort room.
"Because of that, napahiya ako. Gusto mo rin bang mapahiya? Alam mo, kayong mga bobo, wala kayong karapatan na sumali! Gusto mo bang gawin ko sa 'yo ang ginawa mo sa akin?" Napahinga ako nang malalim dahil anumang oras ay sasabog na ako sa galit. Kulang na lang ay mag-usok na ako sa labis na galit sa mga nangyayari ngayong araw.
Nagpumiglas ang babae sa mahigpit na pagkakahawak ko sa buhok niya ngunit dahil malakas ako, her effort to free herself from me was useless. The girl shouted her friend's name, "Aliah!" But Aliah didn't move.
Kung mamalasin ka nga naman at ngayon ko pa nakita ang babaeng 'to. She made rumors in our department na isa raw akong attention seeker, mean, at unfair kung lumaban. Ang ipinapahaya ako sa maraming tao at sinisiraan ang pangalan ko is the one thing I hated the most.
I strongly pulled her out of the comfort room at dinala sa canteen, marami ang tao rito, sapat na para mapahiya ang babaeng ito. I'm still holding her hair at halos mapasigaw na ito sa sakit ng ginagawa ko ngunit hindi ako nakaramdam ng awa dahil bakit naman ako maaawa? Naisip niya ba ang mga pinagsasasabi niya laban sa akin?
Every students who's busy eating their foods, writing on their notes, reading with their books and laptops, making plates, are now watching us. I cleared my throat.
"Everyone! This is the student na attention seeker, a thief, at ibinibenta ang kaniyang dignidad tuwing gabi." Ibinalibag ko sa sahig ang babaeng hawak-hawak ko ang buhok. Pinanlisikan ko pa siya ng mata at ngayon ay namumugto na ang kaniyang mga mata. Serves right, bi*ch.
Umalis na ako sa kinatatayuan ko dahil tapos na rin naman ang pakay ko. Gusto ko pa sanang ilampaso ang mukha niya sa sahig ngunit naalala kong masyado na akong na-i-involve sa mga nilalang na hindi karapat-dapat sa paningin ko.
Habang naglalakad sa hallway ay patuloy lang akong nakaririnig ng mga bulong sa paligid. As what I've said always, I'm immune to this. Huwag lang silang magtangkang sabihin iyan sa harap ko, kung hindi ay mararamdaman nila ang impiyerno!
I am the worse student of this university at masasabi kong dinaig ko pa ang mga bullies. Ganito na ang nakasanayan ko since nagagawa ko rin naman kung ano ang gusto ko. Gusto na akong ilibing ng buhay ng mga students and even school officials dito but then, wala silang magawa. Kung magiging movie itong university, I'm a hundred percent sure that I will get the antagonist role.
There's so many students here na nag-quit, maski ang mga profs ay pinipili na lang mag-resign kaysa pagtiisan ang tulad ko.
Nang makarating ako sa loob ng room ay nadatnan ko ang mga kaklase ko na abala sa kani-kanilang ginagawa. Gulo-gulo ang mga upuan at wala sa tamang ayos o kinalalagyan nito. The room was covered by different noises. Some of my classmates are talking while laughing, playing Mobile Legends, singing, and the rest are sleeping.
Padabog kong isinarado ang pinto. Agad silang tumahimik at inayos ang kani-kanilang upuan. I sat on the last row bandang dulo kung saan nag-aabang sa akin si Leah. She was my friend and only friend sa buong school na ito.
I met her in the comfort room and just like me, she's a demon girl also. She's a bully. Natatandaan kong itinulak niya ang isang student kaya't tumalsik ito sa sahig. Nang makita niya ako ay ngumiti siya sa akin. That only means alam ko na ang gagawin ko, saktong kabibili ko lang ng tubig noon. Akala ng student ay tutulungan ko siya dahil lumuhod ako sa harapan niya pero ibinuhos ko lang naman ang isang bottled mineral na hawak ko. Since then, nagkasundo kami and worse, lagi kaming magkasama sa mga kademonyohan.
Minsan, sinasabihan na kaming tandem in bad habits but we just gave them our middle fingers. Sorry, we have our own lives and mind your own businesses! May mga kani-kaniya tayong ginagawa at ipagtawad nila kung gumawa ng kademonyohan ang napili namin. At the end of the day, the choice is on ours.
"I heard the rumors, masyadong maputak ang bunganga ng babaeng iyon. Pasalamat siya at hindi ako ang nasabihan niya noon at kung hindi ay baka sumabog na ang bunganga niya." Napangiti ako nang bahagya sa sinabi niya.
She was straight to the point kung magsalita. Hindi siya plastik—bagay na nagustuhan ko sa kaniya.
"No need. I already did what should be done and besides, masyado lang inaaksaya ang oras ko sa mga walang kuwentang tao."
Nagsimula na ang klase. It was just a normal class. As usual and obviously, madalas na ako ang nakasasagot sa mga tanong ng prof namin. Kapag may sumasagot ng mali ay tinatawan ko ito at nilalalit. Ganito na talaga ang buhay ko at gustung-gusto ko ang ginagawa ko.
Minsan pa nga, kahit simpleng tanong lang at nagkamali pa rin ay tinatawanan at ipinahihiya ko. That's too much! I mean, we're on a college stage and not in primary level! Ano ba'ng gusto niya? To go back to kindergarten level and do child staffs? Sa tuwing nagkakamali naman ako ay hindi sila umiimik dahil alam na nila ang mga mangyayari.
Pagkatapos ng klase ay napakunot ang noo ko nang makita si Mr. Elvi hindi kalayuan sa room ko. Kaagad siyang lumapit sa akin.
"You were here because?"
"Kinausap lang ako ni Sir Canly about sa laban ninyo," aniya at nagsimula na kaming maglakad. Ang ibang mga students ay pinagtitinginan kami. I wanted them badly to lose their eyes to stop staring at us. Akala ba nila ay special someone ko ang kasama ko ngayon?! Biggest NO.
“Mr. Elvi, you can go now." Hindi pa man umaabot ang isang minuto ay nawala na agad siya sa harap ko. Narito ako ngayon sa tapat ng gymnasium na paggaganapan ng quiz bee. Sinabi kong okay na ako at hindi ko na siya kailangan pa.
Parami na nang parami ang dumarating na student but once na titigin sila nang masama, lumalabas na kagaad sila para mag-back out. Halos sampu na lang kaming natira dahil ang iba ay hindi na nagtatangka pang tumuloy. Taas-noo akong nagtungo sa isang upuan at padabog na umupo.
I'll bring home the bacon. I will. Ako ang mananalo rito dahil ako ang dapat.