bc

Romance with a Construction Worker

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
billionaire
arranged marriage
inspirational
CEO
drama
comedy
sweet
humorous
lighthearted
witty
like
intro-logo
Blurb

Sea man, engineer, lawyer, pulis, piloto, ilan lamang iyan sa mga lalaking pinapangarap ng kuwela at pala-birong dalaga na si Alyanna Angeles. Biro ng dalaga, nais niya raw ng lalaking makapag-aahon sa kaniya sa hirap ng buhay. Ngunit nagbago ang lahat ng pangarap sa isang lalaki nang makilala ang isang matipuno at guwapong lalaking nagpatibok sa kaniyang puso.

Si Matteo Leabres… na isang construction worker?!

chap-preview
Free preview
Kabanata 1: Si Alyanna Angeles
“Isang menudo at kanin!” “Miss, nasaan na po ang soft drinks ko?!” “Miss, isa pang order ng kanin!” Mabilis pa sa kidlat kong pinunsan ang pawis na kanina pa namumuo sa noo ko. Sa katunayan nga ay pawis na pawis na rin maging ang leeg at likuran ko. Humugot ako ng malalim na hininga at mariing napapikit. Kanina pa nagtitimpi ang kagandahan ko sa mga buwisit na customer ng karinderya namin. Mga lintik! “Wait lang po, mga mam at sir, ah? Mahina po ang kalaban, ano po?” maamong sagot ko. Palihim akong umirap. Nanahimik naman ang mga hayop! “Isinusumpa ko talaga, mula ulo—mukhang paa, lagot sa akin ‘tong si Tricia! Girl, ang daming kalaban, ako lang ang mandirigma!” inis na bulong ko sa sarili at nagpatuloy sa pagse-serve ng mga pagkain sa customer. “Busy, ah!” puna sa akin ng isang lalaking customer. Kinindatan ko naman ang loko na alam kong gandang-ganda sa akin. “Ganoon talaga kapag maganda, ‘no!” Kahit hinihingal na, patuloy pa rin ako sa paghahatid ng mga order. Mabuti na lamang at sing haba ng San Juanico bridge ang pasensiya ko dahil kung hindi, malamang ay naihatid ko na si Tricia sa huling hantungan niya! Ang babaita, um-absent kung kailan dinumog ang karinderya namin! Sino ang katulong ko ngayon? Tanging ang atay, apdo, baga, at mga intestine ko lang! Galit at imbiyerna ako ngayon dahil wala si Tricia na kasama ko sa pambubugaw sa mga guwapong lalaki—este pagse-serve ng mga pagkain sa aming karinderia na ang pangalan ay Angeles Carinderia. Halos apat na taon na rin itong kainan na itinayo ng aking Tiya Isabel. “Ano, may mga dumarating pa bang customer?” tanong ng aking tiyahin kaya’t mabilis na lumingon ang kagandahan ko. “Wala na, Tiyang, dahil kung mayroon pa ay baka mamatay na ako sa pagod!” “Asus! Kunwari ka pa! Nilalandi mo naman ang mga guwapong lalaking customer natin!” Napairap ako sa tiyahin ko. Ang honest niya! Pero prangka rin kasi akong tao. Kung ano ang nakita at narinig ko, basta’t totoo, sasabihin at gagawin ko. Pinagmanahan? Hindi ko naman talaga sila nilalandi, sadyang nagpapapansin lang ako. At kahit nagpapapansin ako, wala akong intensyon na jowain sila dahil ang ginagawa ko ay isa sa mga taktika para mas dumami ang customer ng karinderya namin. “Huwag kang ano! Para din ‘to sa karinderya, Tiyang! Tingnan mo naman, halos mga lalaki na customers mo! Lahat iyan, gandang-ganda sa akin!” buwelta ko at nag-flip ng hair. “Sa bagay...” Napaisip ang tiyahin ko, napahawak pa sa kaniyang baba. Akala mo naman talaga, may isip. Ems! “Kaya nga kung narito ang papa at mama mo, tiyak na proud sila sa iyo. Bukod sa mabait ka, masunurin, masipag, at mapagtimpi, ikaw rin ay isang babaeng...” “Maganda?” mabilis na sabi ko at ngumiti. “Grabe sa Tita Isabel, oh! Alam ko naman iyon! You don’t have to mention that!” “Ikaw rin ay isang babaeng maunawain...” pagtatapos ni Tita Isabel sa sinabi niya, tuloy ay napairap ako. “Dapat lang na proud sila sa akin, ‘no! Baka durugin ko apdo at baga nila! Iniwan nila ako parehas pero independent ako!” pagmamalaki ko pero ramdam kong may halong lungkot. Masakit iyon sa part ng buhay ko. Iniwan ako ni Papa dahil namaalam siya bunga ng isang truck accident. Medyo naiintindihan ko pa. Pero ang nanay ko? Iniwan ako dahil sumama sa ibang lalaki. Hayun, may sarili nang pamilya, sariling buhay, nakalimutan na yata ang maganda niyang anak na may magandang pangalan. “Alam mo, Alyanna Angeles...” pagbasag ni Tita Isabel sa pagkakasimangot ko. “Lahat ng bagay sa mundo ay may dahilan. Ikaw, isipin mo kung bakit wala ang parents mo sa tabi mo. Ikaw lang ang nakaalam niyan—” “Tama na ang drama!” Kinagat ko ang ibabang labi ko at pekeng tumawa. “Medyo nakapagpahinga na ako, maglalako na ako ng lutong-ulam.” Bago ako lumabas ng karinderya, siniguro ko munang wala ng namuong luha sa mga mata ko. Siyempre, dapat ay makita ng mga tao na okay lang ako dahil kilala nila akong kuwela, pala-biro, prangka, masiyahin, at masigla. Tumingin din muna ako sa salamin at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. “May diyosa sa salamin...” Isa sa kinaayawan ko at kinatatamaran ay ang paglalako ng mga lutong-ulam sa mga construction site. Unang-una sa lahat, mainit at nakapapaso ang sinag ng araw! Ikalawa, pagod na nga ako sa pagse-serve, lalo na ngayong tanghali na absent ang babaitang si Tricia, maglalakad pa ako nang medyo malayo! Ikatlo, ayaw kong makita ng mga tao na Hagardo Versoza ako! Mainit ang paligid. Maingay ang kalsada kahit tanghaling tapat. Maraming mga bata ang makikita mong nagtatakbuhan. May mga nanay na nagkukuhaan ng kuto at uban, nagsusuklay, naglalaba, at nagkukuwentuhan. Tipikal na lansangan, kumbaga. Ako namang may dalang basket na makulay? Ito, naglalakad sa gitna ng kalsada. Maganda pa rin. Ems! “Beh, narinig mo na ba ang chismis?” rinig kong tanong ng isang dalaga sa gilid ng kalsada. “Malamang, beh, hindi pa. Hindi mo naman ako tulad na chismosa!” sagot ng babae number two kaya napatawa ako. Siyempre, hindi mawawala sa isang kalye o barangay ang mga Marites o mosang! “May guwapo raw doon sa bagong construction project! Beh, pabuntis ka na!” “Walang-hiya ka! Bata pa ‘ko! Marami pa ‘kong pangarap sa buhay!” “Pero twerk nang twerk sa t****k? Hala?” Napairap ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Kahit kailan talaga ang mga kabataan, hindi na “pag-asa ng bayan.” Naging “delubyo ng bayan” na dahil mas inuna pang humarot kaysa ang mag-aral. Nakuha pang mag-chismisan! Ano naman kung may guwapo roon? Araw-araw akong pumupunta at naglalako roon tuwing tanghali pero mga jejemon at shokoy naman ang mga lalaki! Hindi ako naniniwala sa mga chismis! Mahigit 20 minuto bago makarating sa bagong construction site na tinutukoy kanina ng mga babae na gagawing pabahay, Dampalit Housing Project ang tawag. Pero kulang-kulang sa 10 minuto ay nakarating na agad ako at proud pa sa sarili. What if totoo pala ang chismis? What if may guwapo talagang lalaki? “Narito na si Alyanna! May ulam na tayo!” masiglang sigaw ng isang construction worker nang makita ako, wala pa man din ako sa loob ng site. Halata talagang excited silang makita ang kagandahan ko—este bumili ng nilalako kong mga lutong-ulam. “Narito na ang masarap,” bulong ko sa sarili. “Narito na ang masarap ninyong ulam. Bilisan ninyo at marami pa akong gagawin!” Agad na dinumog ang basket ko na may samu’t saring mga lutong ulam. Agad ring nagbayad ang mga lalaki dahil nga kanin lamang ang binabaon nila. Sa tantiya ko ay mahigit limampu sila katao. “Hoy, bayad ninyo, ah! Ibabaon ko kayo sa semento kapag ‘di nagbayad!” banta ko. Habang nakapila ang mga lalaki upang isa-isang makita ang maganda kong mukha—este makakuha ng lutong-ulam, nagmamasid ako sa paligid ng buong construction site. Malawak, tiyak na hindi lamang isang building ang gagawin dito. Buti at hindi maalikabok. Naghahanap ako ng kakaibang mukha. Kakaibang lalaki sa paningin ko. Bago. Siya marahil ang tinutukoy na guwapo ng mga chismosa na bagong pasok lang daw. “Sino’ng hinahanap mo?” tanong sa akin ng isang lalaki na feeling pogi, mukha namang aspin. Ems! “Pake ko,” sagot ko at tipid na ngumiti. “Hinahanap ko kung may pake ako sa iyo.” Napakamot sa ulo ang loko at umirap na lang ako. So fake news ang narinig kong chismis kanina? Kasi wala akong makitang guwapong lalaki na bago sa paningin ko! Kabisado ko na ang mga maaasim na lalaki rito kahit pa dalawang buwan pa lamang mula nang magsimula itong Dampalit Housing Project! Halos dalawa na lamang ang natirang lutong-ulam sa basket na nakabalot sa plastik. Nagsipaglamunan na ang mga construction worker at tuwang-tuwa dahil masarap daw ako—este ang luto ng tiyahin ko. “Dapat lang dahil kung hindi iyan masarap, baka nilason ko na kayo!” Pero kinagat ko ang labi ko. Wala akong nakikitang guwapo na lalaking trabahador! Nang maubos na ang pasensiya ko, kinuha ko na ang basket nang makapagbayad na ang lahat. Napairap ako. Wala namang guwapong lalaki. Akala ko ay siya na ang magiging dahilan para ganahan ako sa paglalako. Kahit mainit, uhaw, bilad sa araw ay susuungin ko makita lamang siya. Pero wala naman! Tumalikod na ako bilang pagsuko. Kaso, ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ng mga paa ko nang marinig ang isang boses na pumukaw ng atensiyon ko. “Miss! Wait!” Napakunot ang noo ko. “Miss? Mayroon pa bang ulam?” Mahinahon ang boses. Ang sarap sa tainga kung marinig ang mga salitang iyon. Pagharap ko sa tumawag sa akin ay nabitiwan ko agad ang basket na hawak ko. Natulala ako sa lalaki nang makita ito. Parang tumigil ang paghinga ko at ang paligid ko nang masilayan ang guwapo niyang mukha. Napalunok ako nang malalim. “I was just new here and I didn’t know na ikaw pala ang nagbebenta ng ulam dito.” Construction worker na English spokening dollar?! Nagulantang ang buong pagkatao ko nang marinig siya muling magsalita. High tech ang isang construction worker na ito! “Ah, m-mayroon pa...” parang tangang utal na sagot ko at binasa ang labi. Hindi ako makapaniwala na totoo pala ang chismis! “I will buy one, miss...” “Ako si Alyanna Angeles! No need to ask my name, ano ka ba! Ako lang kaya ‘to!” mabilis na hirit ko at hinawi ang ilang hibla ng buhok upang itago sa likuran ng tainga. Kailangan kong magmukhang maganda dahil baka siya na ang para sa akin! Hanggang sa ngumiti nang bahagya ang guwapong lalaki na naging dahilan kung bakit gumuho ang buong universe. Sa sobrang guwapo at aliwalas ng mukha, maputi, magandang hubog ng katawan, matipunong tindig, at mala-anghel na ngiti, bigla akong natakot. Natatakot ako sa mga oras na ito dahil baka wala na sa baywang ko ang panty ko at nahulog na...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook