bc

The Opposite Haters

book_age18+
80
FOLLOW
1K
READ
sex
journalists
drama
comedy
sweet
humorous
coming of age
enimies to lovers
slice of life
colleagues to lovers
like
intro-logo
Blurb

Do not let your personal matters affect your works, ika nga ng nakararami. Ang trabaho ay trabaho. Ngunit hindi maiiwasan na magbangayan at magsagutan ang dalawang taong kinaiinisan at kinamumuhian ang isa't isa—na hahantong naman sa pag-iibigan.

Ang SBG-12 multi-awarded journalist na si Luna Helasque na isang man hater ay makatatrabaho ang isang well-known director of Philippine TV na si Josiah Camero na isang woman hater? Magkasundo kaya ang dalawa sa trabaho? O mauwi lamang sa bangayan ang kanilang mga documentary projects?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: The Man Hater Journalist
Kaliwa’t kanan ang click ng mga camera. Rinig na rinig ang nakaeengganyong background music sa apat na sulok ng studio. Malakas ang palakpakan mula sa mga hindi mabilang na pares ng kamay. Nakasisilaw ang liwanag mula sa mga sunod-sunod na flash ng camera maging sa background lights ng buong paligid. “Our guest for tonight is no other than the multi-awarded journalist—Luna Helasque!” Muling nagpalakpakan ang mga tao nang dumating at tumapak sa mini-stage ang isang maputing babae. Nakasuot ito ng beige satin dress habang nakalugay ang black with hazel brown nitong buhok. Lahat ng tao ay napatayo sa mangha nang makita nila ang magandang babae sa harap ng camera. Luna Helasque. Marahan itong naupo katapat ang host ng show na Tonight With Teressa na walang iba kung hindi si Teressa Manlapaz. Nagpalitan din sila ng ngiti, nagkatanguan, nagkamayan, bago nagsimula ang nasabing talk show. “How’s life, Ms. Luna?” panimulang tanong ni Teressa na may matamis na ngiti sa labi. “All is well, Ms. Teressa. I’m living in a good and comfortable life. Although, the work as a journalist is hard, though life is stressful, I still enjoy where I am right now. Sabi nga nila, look at the brighter side of the negativity.” “True! Highly suggested talaga na maging positive tayo sa life! Dapat, positive lagi, no matter what happens! Always be positive! Huwag lang mag-positive sa pregnancy test!” Napuno ng tawanan ang buong paligid ng studio sa pagbibirong iyon ng host na si Teressa. Maging si Luna ay napatawa rin. Talagang pala-biro ang host at hindi naman ito lingid sa kaalaman ng mga manunuod at taga-suporta kung kaya’t marami ang nakaabang sa mga episodes ng bawat talk show nito. Lalo na ngayon na isang kilalang celebrity ang kaniyang guest ngayong gabi. Live ang kanilang show ngayon! “Truth be told, dapat talaga ay maging positibo tayo sa lahat ng oras. Even though sa mga panahon na pinanghihinaan tayo ng loob, magtiwala lang tayo sa mga sarili natin. Right, Ms. Luna?” Tumango naman si Luna. “And you know what, Teressa, I have learned a lot from my past and recent experiences as a journalist of the country. Even at our lowest point, we have to be brave. Sa panahon na nanghihina tayo, lots of problem wants to embrace us, but you know, piliin pa rin natin na lumaban. Piliin nating sumaya.” “Correct! That’s absolutely, definitely, indeed, wonderfully, amazingly, beautifully, exactly brilliant answer, Ms. Luna!” Napatawa na naman ang mga audience dahil sa sunod-sunod na pagsasalita ni Teressa. “We have to be brave so in the future, our testings will be our testimonies, and our life trials will be our triumphs.” Matamis ang ngiti ni Luna sabay humarap sa camera. “Let us all be brave, no matter what. The future is ours.” “So how does it feel to win a new award? And God, Ms. Luna! Baeksang Awards in South Korea! What a great opportunity!” Napatawa si Luna. Hindi matumbasan ang kaniyang kasiyahan nang maalala ang nakaraang Lunes kung saan ay galing siya sa Seoul, South Korea kung saan ginanamit ang 78th Baeksang Awards kung saan nanalo ang dalawa sa kaniyang entry na documentary. “Of course, I’m so ecstatic!” “You must be, Ms. Luna! Well, you made us Pilipino proud! You truly are a precious gem of this generation! Ang dami mo ng naiuwing awards! Baka next time, sakupin na natin ang buong mundo! Kabog!” Nagtawanan ang mga audiences sa studio at nagpalakpakan ulit. “I’m also proud of myself, as well as to our country dahil nakikilala ang ating bansa not only in terms of Journalism, but also, sa iba’t ibang larangan.” “Ms. Luna Helasque, what can you say, advice, or recommend to those who wants to be like you?” huling tanong pa ni Teressa. Mabilis na lumipat ang ilang mga spotlight mula sa ceiling maging sa floor patungo kay Luna. Nakangiting tumango muna si Luna kay Teressa bago ito tumayo sa kinauupuan. Ang pinakahihintay ng lahat ay ang pagtayo ng mga guest celebrity sa gitna ng studio kung saan magbibigay ito ng final powerful statement. Tumindig si Luna sa gitna habang ang mga spotlight ay nasa kaniya. “Ano nga ba ang masasabi ko sa mga taong gustong maging katulad ko?” panimula niya. Lahat ng mga manunuod mula sa studio, mga audience sa paligid, maging ang mga tagapakinig at manunuod sa kani-kanilang telebisyon ay nakaabang sa sasabihin ni Luna. Hindi lamang kasi sila live sa international TV, kung hindi maging sa ilang mga social media platforms. “First of all, you don’t have to be like me. We are all unique, we can be better, we can be successful in our very own way, and we can be the best version of ourselves. Ang tanging masasabi ko lang sa mga gustong maging tulad ko, build your own self and don’t be like me, be yourself and be better than Luna Helasque.” Matamis na ngumiti si Vina at kumaway sa nakatutok sa kaniyang camera. “Always do your best. Always put your heart on your crafts. Always be happy in everything that you’re doing. Don’t ever compare yourself to others because darling, be a fan of yourself and trust your own heart. Lagi nating tandaan na ang sarili natin ang una nating maging taga-suporta, maniwala tayo sa sarili nating kakayahan. And when the success came in our palms, let’s appreciate and value it genuinely.” Nagpalakpakan ang mga tao sa final statement ng multi-awarded journalist na si Luna Helasque mula sa SBG-12 Network. Sa paraan ng pagtingin, pagpalakpak, pagbati, at paghanga sa kaniya ng mga tao, mahahalata na mataas ang tingin sa kaniya bilang kilalang personalidad. Si Luna Helasque na isang sikat na journalist ay akalain mong perpekto sa unang tingin at tantiya. Ngunit may kinahaharap din pala. May isang aspeto siyang kinaaayawan. Labis na kinamumuhian. Sa likod ng camera, hindi basta-basta si Luna Helasque. Sa kabila ng maganda nitong imahe, kamangha-manghang kakayahan sa larangan ng journalism, sa kasikatan at karangyaan sa buhay, ang multi-awarded journalist ay isa palang... Matapos ang taping na iyon at live talk show ni Teressa Manlapaz, sandaling nagpahinga si Luna Helasque bago dumiretso sa kaniyang sariling office sa SBG-12 Network station sa Manila. Pagbaba pa lamang ng sasakyan ay inulan na siya ng pagbati at mga paghanga. Sa dinaraanang hallway kung saan nagkalat ang mga network staffs mula sa iba’t ibang branch, iba’t ibang shows at segment, at iba’t ibang department ng SBG-12 Network station ay napagigilid sa pagdaan ni Luna. Pinanatili naman ng dalaga ang kaniyang postura na kagalang-galang sa madla. “28th Baeksang Awards! She won!” “Her superb skills in documentary covers, news reporting, and broadcast media was so amazing! She deserves it naman!” “Sana, sa next life ko, ako si Luna Helasque!” “Oh, pak! Rampa pa lang, katangi-tangi na! Magandang mukha, check! And nananatiling multi-awarded journalist! Pak, ganern!” “Suwerte ng mapapang-asawa niya, ‘no?” Hindi nakatakas sa dalawang tainga ni Luna ang mga bulungan na iyon sa malawak na hallway. Matatagpuan ang kaniyang exclusive office bilang isang “Luna Helasque” sa eight floor ng fifteen-storey building ng SBG-12 Network. Sa mga papuring iyon na naririnig ng dalaga, natutuwa siyang lalo. Wala ng mas sasaya pa na makatanggap ka ng mga papuri at paghanga mula sa mga tao. Hindi naman pinangarap ni Luna na maging center of attraction, maging celebrity, at maging sikat ngunit dahil sa husay nito sa kinabibilangang larangan, nakatanggap ito ng maraming pagkilala at paghanga sa mundo. Pagdating sa kaniyang office, sinalubong siya ng kaniyang personal assistant na abala sa pag-aayos ng kaniyang mga contracts. “Good evening, Ma’am,” bati ng babae. Hindi naman sumagot si Luna, bagkus ay dumiretso ito sa kaniyang swivel chair at sumandal doon. Inayos niya ang mga naiwang files sa ibabaw ng mesa at saka humarap sa kaniyang personal assistant na kung tutuusin ay hindi naman niya kailangan kung gugustuhin niya. Minsan niya lamang ito isama sa kaniyang mga appointments. “Where’s the list of the members of the team I will be joining with for my next documentary?” direktang tanong ni Luna. May iniabot sa kaniyang white folder kung saan naroroon na ang kaniyang script, ang locations, schedules, maging ang makasasama niya para sa project na ito. Isa si Luna Helasque sa limang ipinagmamalaking dokumentarista ng Seven-Days, isang segment sa ilalim ng SBG-12 Network kung saan nagpapalabas ng mga natatanging documentaries sa Philippine television. Available na rin ang mga episodes ng Seven-Days sa piling mga partners at platforms ng SBG-12 tulad ng sa Trigon, Sixteen-twenty, Alphaland, at Tropical Cast. Hindi rin magpapatalo ang Seven-Days sa iba’t ibang bansa! “You know what I hate the most, don’t you?” sita agad ni Luna nang makita agad ang ikatlong pahina ng hawak na dokumento. “You hate men, Ma’am Luna.” “EXACTLY!” Napatayo si Luna at lumapit sa kaniyang personal assistant na kinakabahan na ngayon. Kilala si Luna sa ugaling kapag nagkamali ang inuutusang staff, lalapitan ka nito at bubulong sa tainga. “At bakit lalaki ang videographer na nakasulat dito? Did you scanned it before the finalization?” Kaagad na humingi ng tawad ang personal assistant at kinuha pabalik ang dokumento. Paulit-ulit pa itong yumuko at humingi ng tawad. Hindi naman masungit at malupit na tao si Luna. Ngunit ang trabaho ay trabaho. Lumabas na rin ang personal assistant at dumating naman ang kapapasok lamang na isang babae na bawat pagtapak ng hills sa paa ay lumilikha ng tunog dahil sa taas ng takong nito. Dagdag pa ang paghuni nito. “Male videographer, huh? Hindi talaga nakatatakas sa mga mata mo, basta’t lalaki?” “I loathed them that much, that is why.” Walang pasabing umupo ang kararating lamang na babae sa babasaging mesa ni Luna habang si Luna ay nakasandal sa swivel chair nito. Ang babae ay kaibigan ni Luna na isang news writer and editor ng station. “Ang arte mo kamo.” “Excuse me?" mabilis na singhal ni Luna at binato ang kaniyang bag sa kaibigang news writer at editor. “Videographers ang madalas at laging nakakasama ng mga dokumentarista na tulad namin. The distance is too much for me to handle lalo pa at LALAKI? There’s no way to approve the thought, Tanya!” “Ayaw na ayaw mo talaga sa mga lalaki, ano? Dakilang man hater ng taon!” pang-aasar pa ni Tanya. “Paano ka mag-aasawa niyan?” Hindi na sumagot si Luna. Ugali na talaga ng dalaga na hindi magsalita at sumagot sa mga walang kuwentang bagay—lalo na kung ang pag-uusapan ay ang salitang lalaki. Gaya nga ng sinabi ng kaibigan na si Tanya, dakilang man hater kasi ang multi-awarded journalist. “You know, darating talaga ang araw na wala kang pagpipilian kung hindi ang makatrabaho ang isang lalaki.” “There’s always a way for that. You know me. Like BDO, I find ways.” “Sana, makulong ka sa isang kuwarto na puro lalaki, ewan ko na lang talaga at mabuhay ka pa rin.” Hindi na naman sumagot si Luna at ni-review ang kaniyang pagge-guest sa Tonight with Teressa. Napangiti ang dalaga dahil maganda ang kinalabasan niya roon. “Bakit nga kasi ayaw mo sa mga lalaki?” Sa panunuod ni Luna, napatigil siya at pinindot ang ‘pause’ button nang marinig ang tanong na iyon ng kaibigang news writer at editor. Bigla siyang napatingin kay Tanya na hinihintay ang sagot niya habang nakangiti, habang siya ay naging blangko ang mukha. Maraming beses na siyang tinatanong ng mga tao sa kaniyang paligid kung bakit ganoon na lamang ang pagkamuhi niya sa mga kalalakihan. Gayunpaman, palagi pa rin siyang napaiisip sa tanong nilang iyon. Naging blangko si Luna. “Men are nothing but trash.” Ngumisi si Luna at mabilis na nag-iwas ng tingin. Saka siya humarap sa glass wall ng kaniyang office kung saan makikita ang malawak na parang. Nagtataasang mga buildings sa palibot. Muling pumasok sa isipan ni Luna ang ilang mga serye ng alaala at natulala. Kusang kumuyom ang kaniyang kamao nang maalala ang lahat ng dahilan kung bakit siya naging man hater—kung bakit lahat ng lalaki sa buong mundo ay kinamumuhian. Kilala man niya o hindi, nakaharap man niya o hindi, kasama man o hindi, may nagawa man sa kaniyang masama o wala, basta’t lalaki ay kinamumuhian at kinaiinisan niya. Matapos mag-isip-isip, muling ikinalma ni Luna ang kaniyang sarili at ipinayapa ang isip. Sunod ay nagkabisado siya ng kaniyang mga linya para sa paparating niyang dokumentaryo next week. Nag-rehearse din siya sa rehearsal room na matatagpuan din sa office niya. Nang sumapit ang alas-diyes, naparaan muna si Luna sa isang tea shop upang mapag-isa. Agad naman na nakuha ang atensiyon ng mga tao pagpasok niya pa lamang. Dumiretso siya sa counter at nag-order ng paboritong chamomile tea. Hindi na pinansin pa masyado ni Luna ang mga tao sa paligid niya. May mga gustong magpa-picture at lumapit ngunit kilala rin si Luna na isang artista at taong binabalot ng intimidating aura. Hindi ka basta-basta makalalapit kahit gugustuhin mo. Unang tingin pa lang, nakahihiya ng lapitan dahil baka pagsungitan ka nang harapan. Isa sa mga sikat na artista na hindi masyadong pala-interact sa mga taga-hanga niya. Nang makuha ang order, agad rin siyang naglakad patungo sa double glass door. Ngunit kung mamalasin nga naman siya.. May paparating na tao! Saktong malapit na siya sa glass door nang saka naman pumasok ang isang tao na nagmamadaling pumasok. Nabitiwan ni Luna ang hawak-hawak na cup ng chamomile tea nang makabangga ang nagmamadaling taong ito. Sa una ay natulala si Luna, ngumisi, sunod ay napatawa nang makitang natapunan ang kaniyang beige satin dress ng mantsa. Dahan-dahang nag-angat siya ng tingin sa may kagagawan nito. Mas nag-init ang kaniyang ulo nang makita ang kasarian ng taong bumangga sa kaniya ngayon. Isang lalaki. Kinamumuhian ni Luna ang mga lalaki dahil nga isa siyang man hater...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook