Chapter 2: The Woman Hater Director

2079 Words
Kaliwa’t kanan ang click ng mga camera. Rinig na rinig ang nakaeengganyong background music sa napakalawak at napakalaking arena. Malakas ang palakpakan mula sa mga hindi mabilang na pares ng kamay. Hindi mahulugang karayom ang makikitang tao na nakaupo sa audience areas. Sa pagmamalabis, halos tuldok na lamang ang mga audience sa mata ng isang tao sa sobrang lawak ng arena. Dagdag pa ang mga malalaking lights mula sa malayo. Nakasisilaw lalo ang liwanag mula sa mga sunod-sunod na flash ng camera maging sa background lights ng buong paligid. Ang mga naglalakihang spotlights ay nakatutok sa isang tao—isang lalaking nakatayo sa unahan. “The Best Director Award of the 26th New York Film Festival goes to. . . Josiah Camero of ‘When Music Dies’ from the Philippines!” Hiyawan at sigawan. Umugong ang mga palakpakan at hiyawan ng mga tao sa buong arena kasabay ng pagsabog ng confetti! Natahimik lamang ang lahat nang tumikhim ang binatang nasa unahan. Nakasuot ito ng black pants, black shoes, black coat, at white polo na mayroong black ribbon. Naka-contact lense ito na lalong nagpaangat sa kaguwapuhan ng binata. Dagdag pa ang pagkakaayos ng buhok nito. Ang kaguwapuhan ng nabanggit na direktor ay tila ba nilalampasan pa ang mga kalalakihan mula sa ibang bansa. “First and foremost, I had like to say thank you to everyone who supported me; to my fellow Pilipinos, and to the world. I am genuinely grateful and honored to receive this award...” Matamis na ngumiti si Josiah. Ang pagngiti niyang iyon na talaga nga namang pamatay ay naging dahilan upang magtilian ang mga kababaihan. Lumabas ang malalim na dimple nito sa magkabilang maputing pisngi. “With this recognition, I will work hard more and will give my best to my crafts. I will always put my heart in my masterpieces. I am not here without y’all. Thank you for this another achievement that brings me more motivation and inspiration to continue. And congratulations to us! To God all be the glory.” Itinaas ng well-known multi-awarded director na si Josiah ang plaque na hawak. Sa harap niya ay ang napakalawak na audience. Mga tao na nagmula sa iba’t ibang panig ng mundo upang dumalo at tunghayan ang pagpaparangal sa nasabing awards. “Maraming salamat!” Muling nagpalakpakan ang mga tao. Sumunod ay ang closing speech ng host. Nag-picture taking din ang mga nagkamit ng parangal at pagkilala sa iba’t ibang category. Isa si Direk Josiah sa may pinakamalaking naiuwing parangal ngayong araw. Sa katunayan, humakot ang bansa ng mga pagkilala ngayong 26th New York Film Festival. Nanalo rin ang film entry ni Direk Josiah na ‘When Music Dies’ bilang Best Movie Award. Maging sa mga gumanap sa nasabing pelikula ay nagkamit din ng parangal kung kaya’t labis-labis ang saya ng Pilipinas. Isang karangalan ito ng bansa kung kaya’t sa mga sandali ring iyon ay naipabalita nang mas mabilis pa sa kidlat ang karangalan. Usap-usapan na ito sa buong Pilipinas at buong mundo sa paghakot ng bansa ng mga natatanging parangal. Nang makauwi sa Pilipinas, sa Manila ay ilang araw munang nagpahinga si Josiah bago sumabak sa mga kaliwa’t kanan na interviews at guestings sa mga piling shows at segments. Isa na rito ang Tonight With Teressa na ginanap kaninang umaga. Hapon, dahil wala pa namang trabaho sa tapings at katatapos pa lamang makatanggap ng awards, kahit papaano ay may free time pa, pumunta muna si Josiah sa taping location ng kakilalang director na kaniyang kasabayan. Isang farm na maputik. Ang eksena ay ukol sa pang-aalipusta ng nanay sa kaniyang anak na babae at balak itong ingudngod sa putik. Naratnan ni Josiah na ganito ang senaryo. Hindi sinasabi sa kaibigan na direktor na nariyan na siya, hindi ipinaaalam ang kaniyang presensiya, maiging nanunuod lamang si Josiah sa aktingan. “CUT!” sigaw ni Josiah dahilan para mapahinto ang lahat at tumingin sa kaniya. Lahat ay nagtataka mula sa mga crews, actors and actresses, lalo na ang kaibigan ni Josiah na siyang direktor ng ngayong ginaganap na shooting ng teleserye na pinamagatang, Kung ang Putik mo ay Putik ko na ieere na sa darating na Setyembre. “Josiah!” agad na sigaw ng kaibigang direktor ni Josiah na siyang nagdi-direct ngayon. Nakatatawa lamang isipin na sumigaw si Josiah ng “CUT!” gayong hindi naman siya ang direktor ng teleseryeng tinatrabaho ngayon ng kaibigan. Para bang umeksena siya. Wala namang nagawa ang mga crews at mga actors sa pagdating ng sikat na direktor. “Nakukulangan ako sa pag-arte ng anak! It is not enough! I'm not convince!” “Josiah!” suway agad ng kaibigang direktor ni Josiah kay Josiah. “You’re not the director! Ako! Trabaho ko! Just take it easy, okay?” Napatawa silang dalawa at nang makarating si Josiah sa kinauupuan ng kaibigan ay agad itong nakipagtama ng kamao at saka bumati. Ngayon ay nakaharap sila sa dalawang tao na magkaharap, lublob ang paa sa putikan. Sila ang mag-inang bida sa teleserye sa direksiyon ni Oxy Paterno—kaibigan ni Josiah. “Again! Show it again!” sigaw ni Josiah. Sumenyas nga si Direk Oxy ng, Lights, Camera, Action! at muling umakto ang dalawang bida sa teleserye. Napailing si Josiah at mahinang tinapik sa balikat ang kaibigang direktor na si Oxy—senyales na palpak o hindi gusto ni Josiah ang acting ng mga karakter sa ilalim ng teleserye ni Oxy. “CUT!” sigaw na naman ni Josiah na akala mo ay siya ang direktor ngayon. “You, the main lead, ingudngod ka na ng nanay mo sa putik, bakit walang mga luha sa mata mo? Can’t you cry? Is it hard to do? She’s mad at you! To add more emotions and tense, there must be a huge sadness in your eyes! Show your tears!” “Pero Direk, para saan pa ang luha kung pagtapos din naman ay malalagyan ng putik ang mukha ko after?” “Is that a question?” puna ni Josiah sa actress na si Liana. Humarap naman si Josiah sa direktor ng teleserye ngayon na si Oxy na kaniya ring kaibigan. “Ito lang ba ang kaya ng mga tauhan mo, Oxy? Oh, common!” Hindi nakapagsalita si Oxy. “Pero Direk Josiah, consider my point,” hirit pa ng bidang actress sa teleserye. Lahat tuloy ng crews at members ay nakatingin sa kanila. “You are asking kung para saan pa ang luha kung ingudngod ka lang din naman sa putik? Nanghihinayang ka bang umiyak? That means you are deeply sad about the situation! Do you call yourself an actress?!” pangre-real talk ni Josiah sa bidang babae sa kuwento. Napabuntonghininga naman si Oxy na katabi lamang ang kumpareng si Josiah. Parehas sila ay nagtapos sa Ateneo De Manila University. “Ayaw mo lang ba sa pag-acting ko, Direk, o dahil isa akong babae? Mawalang galang na po, ah? Huwag po ninyong ilagay ang pagiging woman hater ninyo sa trabahong hindi naman sa inyo. Trabaho ito ni Direk Oxy.” Umahon sa putikan ang bidang babae. “Excuse me.” Saka ito naglakad palayo sa kanila. Magsasalita pa sana si Josiah ngunit pinigilan siya ni Oxy at tinapik sa tiyan. “Ten-minutes break, team!” anunsiyo ni Oxy kaya’t agad na nawala ang mga tao sa paligid nila ni Josiah. Uminom na lang ng tubig ang dalawang direktor at naupo sa magkatabing upuan. Nakaharap sila sa malawak na sakahan na maputik dahil umulan din kanina. “Woman hater.” “Hindi dahil doon!” agad na depensa ni Josiah sa pang-aasar ng kapuwa direktor na kaibigan. “It’s just that her acting isn’t enough for me. The emotions is not enough as well. Para lang akong nanunuod ng isang role play.” Umiling-iling naman si Oxy. "Kamo, ayaw mo talaga sa mga babae. Kapag male characters ang nagkakamali, maayos mong itinatama and you are guiding them calmly. But in terms of female characters, naninigaw ka. Admit it or not, nadadala mo sa pagiging direktor mo ang pagiging woman hater mo.” “You got it wrong, Oxy, this time. When I pointed out something, that really is unconvincing.” “Wala ka ng maloloko rito.” Tumawa si Oxy at napasinghal naman si Josiah. Para sa tulad ni Oxy na hindi kaguwapuhan, sakto lamang at hindi pala-porma at kuntento sa mga casual na fashion sense, kung itatabi kay Josiah si Oxy ay mas lalong nangibabaw ang kaguwapuhan ng binatang si Josiah. Napaisip naman si Josiah sa sinabi ng kaibigan. Nagalit ba siya dahil hindi siya kuntento sa pag-akto kanina ng babae? O dahil talagang ayaw niya sa mga babae at nadadala niya ito sa kaniyang pagiging direktor? “Balang araw, makahahanap ka rin ng katapat mong babae na babago sa iyo sa pagiging ganiyan mo, sinasabi ko sa iyo.” “Over my handsome face.” Sandaling iniwan ni Oxy si Josiah upang kausapin ang nasigawan ni Josiah kaninang babae sa shooting at humingi ng tawad on behalf of Josiah. Naiwan naman si Josiah na inaaliw ang sarili sa pamamagitan ng pagbabato ng mga malilit na bato sa putikan habang malalim ang iniisip na nakaupo pa rin. Hindi nakatakas sa tainga ni Josiah ang bulungan ng mga taong bumubuo sa teleserye. Actors man o mga taong nagtatrabaho behind the camera. Maging ang pagkuha sa kaniya ng litrato nang palihim. Gayunpaman, hindi ito pinansin ng binata dahil matagal ng nasanay. Ikaw ba naman kasi ang makakita ng sikat na direktor, world class na personalidad, at guwapong lalaki. Malalim ang iniisip ni Josiah. Lalo na sa sinabi sa kaniyang kaibigan. Tuloy ay naalala niya kung bakit ba humantong siya sa pagiging woman hater—kung bakit madali siyang mainis, mapikon, maasar, at magalit sa mga babae. Naalala niya ang dahilan kung bakit kinaayawan niya ang mga kababaihan. Ang isang Josiah Camero ay kilala hindi lamang sa pagiging well-known director ng showbiz, kung hindi dahil sa katangian nito na pagiging woman hater. Bilang sa daliri ang nakaalam ng dahilan ni Josiah. Nagpaalam na rin si Josiah kay Oxy dahil naparaan lang naman ang binata. Gabi nang makabalik si Josiah sa Manila. Dumiretso ito sa condo at gumawa ng blog para sa kaniyang pagkapanalo sa 26th New York Film Festival. Sunod ay tumingin sa kaniyang mga social media accounts, at dumalo sa isang virtual ceremony. Nang wala ng ginagawa, napagpasyahan naman nitong magpunta sa malapit na tea shop. Sa daan pa lamang ay tampulan na agad ito ng tingin. Marami ang kumukuha ng litrato nang palihim sa kaniya dahil hindi sila makalapit dulot ng kilala si Direk Josiah na intimidating, hindi madaling makahalubilo, dahil hindi naman pala-interact sa mga tao. Nagiging pala-salita lamang pagdating sa kaniyang trabaho bilang direktor. Malapit na sana siya sa isang tea shop nang maramdaman niya ang malalaking butil ng ulan. Narinig at nakita niya rin ang pagguhit ng kulog at kidlat sa napakadilim na kalangitan na walang mga bituin. Tuloy ay dali-dali siyang pumasok sa loob ng tea shop bago pa man maambunan at magkasakit. “Kapag dinadala mo, saka hindi kailangan. Kung kailan mo naman kailangan, saka mo hindi dala. This life is a piece of shit.” Pagkapasok ni Josiah sa glass double door, dulot ng pagmamadali, sakto namang may patungong tao sa direksiyon niya na palabas na ng tea shop na may bitbit na tea cup! Tiyak na magkakabungguan silang dalawa! Nangyari nga ang hindi dapat mangyari. Naganap nga ang hindi dapat matupad dahil dalawang bulkan ang sasabog ilang sandali lamang. Napalunok si Josiah at nagkuyom nang mahigpit ang kamao nang maramdaman ang mainit na likido sa kaniyang p*********i. Mismo at saktong tumama sa bahaging iyon! Mabuti na lamang at nakasuot ng makapal na jogger pants, at boxer. Sunod ay kinagat ni Josiah nang mariin ang ibabang labi. “Another piece of s**t, Direk.” Isang malalim na buntonghininga ang kumawala sa binata. Napailing-iling ito sa sarili upang magpigil. Kapag minamalas ka nga naman ngayon. Nang mag-angat ng tingin, nagtama ang paningin nila ng taong kaniyang nakabangga. Mas lalong nag-init ang ulo ni Josiah nang malaman ang kasarian nito. Dagdag pa kung makatitig ito sa kaniya ay tila ba pinapatay na siya nito sa isipan nang maraming beses. Ang sama at talim ng tingin nito kay Josiah. Hindi naman nagpatalo si Josiah na sinamaan din ng tingin ang nakabanggang tao. Animo'y nasa staring contest sila at walang nais na magpatalo sa batuhan ng masamang titig. Isang babae. Kinamumuhian ni Josiah ang mga babae dahil nga isa siyang woman hater...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD