bc

The Legend Of Tramos

book_age18+
740
FOLLOW
1.5K
READ
mystery
magical world
another world
coming of age
secrets
superpower
supernatural
special ability
slice of life
war
like
intro-logo
Blurb

Anu-ano nga ba ang mga kakaibang nilalang na nabubuhay sa mundong ito? Anu-ano nga ba ang mga nilalang na kinatatakutan ng mga tao? Mapa-probinsiya man o siyudad ay hindi nakaligtas sa mga paniniwalang ito na siyang nagpasalin-salin sa bawat henerasyon.

Ngunit ang malaking katanungan: sila nga ba ay talagang nabubuhay lamang sa mga alamat at kuwentong bayan? O talaga nga namang namumuhay rin sila sa daigdig na ito kasama ng mga mortal at namumuhay na parang mga tao? Sila nga ba talaga ay ganap na nag-e-exist? O sadyang malikhain lamang ang imahinasyon ng mga mortal?

Maraming mga kakaibang nilalang na talaga nga namang kahindik-hindik at katakot-takot. Ilan sa mga ito ay manananggal, tiktik, sirena, tikbalang, kapre, tiyanak, at marami pang iba. Lahat ay talagang kinatatakutan ng mga tao.

Ngunit ang hindi nais makita ng mga mortal na kakaibang nilalang sa kanilang buhay ay ang mga...

Tramos...

chap-preview
Free preview
Chapter 1: There’s Something
Anu-ano nga ba ang mga kakaibang nilalang na nabubuhay sa mundong ito? Anu-ano nga ba ang mga nilalang na kinatatakutan ng mga tao? Mapa-probinsiya man o siyudad ay hindi nakaligtas sa mga paniniwalang ito na siyang nagpasalin-salin sa bawat henerasyon. Ngunit ang malaking katanungan: sila nga ba ay talagang nabubuhay lamang sa mga alamat at kuwentong bayan? O talaga nga namang namumuhay rin sila sa daigdig na ito kasama ng mga mortal at namumuhay na parang mga tao? Sila nga ba talaga ay ganap na nag-e-exist? O sadyang malikhain lamang ang imahinasyon ng mga mortal? Maraming mga kakaibang nilalang na talaga nga namang kahindik-hindik at katakot-takot. Ilan sa mga ito ay manananggal, tiktik, sirena, tikbalang, kapre, tiyanak, at marami pang iba. Lahat ay talagang kinatatakutan ng mga tao. Ngunit ang hindi nais makita ng mga mortal na kakaibang nilalang sa kanilang buhay. . . “Mga bata, naniniwala ba kayo sa mga Tramos?” tanong ng isang matanda sa mga paslit na maiging nakikinig sa kaniyang mga kuwento. “Naniniwala ba kayo na ang mga Tramos ay totoong naririto sa ating daigdig?” “Hindi po!” sabay-sabay na sagot naman ng mga paslit ngunit may takot at pagkabahala ang boses nang marinig ang sinasabing nilalang. Nagkatinginan ang mga bata at naghari ang pansamantalang katahimikan sa paligid. Mahinang napatawa ang matanda at umiling. Ang matanda at ang ilang mga paslit na nakikinig ay kasalukuyang nakasilong ngayon sa puno ng acacia, tabing kalye kung saan malilim at sariwa ang simoy ng hangin. Maririnig ang tunog ng mga motorsiklo at mga tricycle sa kalye, mga boses ng mga taong dumaraan habang nag-uusap, mga tawanan ng ilang batang naglalaro ng piko, at ang pangkaraniwang tunog ng maingay na lansangan. “Sabi ni Mama, nakatatakot daw po ang mga Tramos, Manong Dencio!” saad ng isang bata. “Huwag daw po kaming makulit at pasaway, kung hindi ay magpapakita sila sa amin tuwing gabi at bibisita sa aming panaginip!” hirit naman ng isa pang lalaking paslit at ang boses ay bakas din ang takot. “Ano po ba ang hitsura ng isang Tramos, Manong Dencio? Aswang po ba sila?” Nagtanguan agad ang iba pang mga paslit sa tanong ng isang batang babae, senyales na gusto nilang malaman ang higit pang detalye ukol sa nilalang na tinatawag nilang Tramos. “Gusto ninyo bang malaman?" Inasahan na ni Manang Dencio na tatango ang mga bata kung kaya’t napatikhim siya at mas pinalapit pa ang mga paslit sa kaniya. Engganyo ngunit may takot naman sa mukha ang mga bata na maiging nakinig sa kuwento. “Ang hitsura ng mga Tramos ay. . .” Ano nga ba ang hitsura ng mga Tramos? Tulad rin ba sila ng mga aswang at elemento na mahahaba ang pangil, matutulis ang mga kuko, katakot-takot ang mga mukha, kumukuha ng laman ng mga tao, at pumapatay ayon sa kanilang kagustuhan? Nagsimulang magkuwento si Manong Dencio at hindi nagtagal, napuno ng iyakan ng mga paslit ang ilalim ng puno ng acacia! Takot na takot ang mga bata habang ngumangawa nang malaman ng mga ito ang hitsura ng mga Tramos at ang mga gawain nito! Ang ilan ay nagsitakbuhan pa pauwi sa kanilang bahay! “Sandali! Huwag kayong umiyak! Mga bata!” awat ni Manong Dencio ngunit hindi pa rin matigil ang mga paslit! Kaagad na nataranta ang matanda! Talagang madali lamang talaga matakot ang mga paslit sa katatakutan! Ilang sandali pa. . . “Manong Dencio! Ano na naman ba ang ginawa mo?! Ano na naman ba ang pinagkukuwento mo sa mga bata?! Tinakot mo na naman ba sila sa mga kuwento mong iyan?! Matatakutin ang mga bata!” Kaagad na napayakap ang mga bata sa pagdating ng isang babae na sumingit. “Shh. Tahan na. Wala iyon. Ano ba ang sabi ng mga magulang ninyo? Hindi totoo ang mga Tramos, hindi ba? Gawa-gawa lamang iyon, hindi ba?” pagpapatahan ng kararating lamang na babae habang hinihimas-himas ang buhok ng mga bata. “Tama na! Huwag kayong matakot.” “Salamat po, Ate Vina!” Hindi nagtagal ay pinauwi na ng babaeng nagngangalang Vina ang mga bata sa mga tahanan nito. Naiwan si Manong Dencio at Vina sa ilalim ng puno ng acacia. Nag-iwas ng tingin si Manong Dencio habang nakataas naman ang kilay ni Vina. Ang dalawang braso nito ay magkakrus sa harap ng dibdib. “Wala akong kasalanan! Gusto nila ng kuwento ko at ibinigay ko lang!” depensa agad ni Manong Dencio, hindi pa man din siya sinisimulang sitahin ng kaharap na dalaga. “Manong Dencio, hindi ibig sabihin na gusto ng mga bata ay ibibigay na ninyo. Hindi lahat ng gusto ng mga bata ay nararapat sa kanilang mga pandinig,” makahulugang pangaral ni Vina sa kaharap na manong. Napabuntonghininga na lamang si Vina rito. Ano at ang matandang si Manong Dencio ay pinangangaralan ng isang dalagang si Vina? “Isa pa, Manong Dencio, maliwanag man o gabi, alam naman po ninyong matatakutin ang mga bata!” dagdag pa ni Vina at umiling. Tatalikod na sana si Vina upang umalis na dahil may pupuntahan pa ito, nang kaagad na hawakan ni Manong Dencio ang kaniyang braso. Mabilis na binawi ng dalaga ito mula sa pagkakahawak at napatindig nang tuwid. Sinuri ni Vina ang ekspresiyon ni Manong Dencio, ganoon din naman ang matanda. “Ikaw, Vina? Naniniwala ka ba sa mga Tramos na nilalang?” Napalunok si Vina sa direktang tanong na iyon ni Manong Dencio. Batid naman sa sarili kung ano ang isasagot sa matanda ngunit ano’t biglang nanuyo ang kaniyang lalamunan? Samantala, kaagad naman na umukit ang manipis at lihim na ngisi sa labi ni Manong Dencio sa hitsura ng dalaga na halos hindi na maipinta ang mukha ngayon. “Hindi ako naniniwala sa mga Tramos.” "Naniniwala ako sa mga Tramos, Vina. Kaya’t ikinukuwento ko dahil naniniwala ako,” seryosong ani Mang Dencio. “Ikaw, Vina? Hindi ba at naniniwala ang iyong ina sa mga Tramos? Ikinukuwento pa nga sa iyo ni Lucia ang ukol sa kanila noong ika’y bata pa.” “Hangga’t hindi ko pa nakikita, hangga’t hindi ko pa nakasasagupa, hindi ako naniniwala,” makatotohanang sagot ni Vina. Parehas lamang ang kaisipan na ito sa mga elemento tulad ng mga multo at ligaw na kaluluwa na hangga’t hindi nakikita ay hindi paniniwalaan ng mga tao. Magsasalita pa sana si Manong Dencio ngunit kaagad rin na tumalikod si Vina dahil may tutunguhin pa ito. Hindi maintindihan ni Vina ang kakaibang pakiramdam na bagaman halos araw-araw naririnig ang ukol sa mga Tramos—ay nagbibigay ito sa kaniya ng kaba na hindi niya alam ang pinanggagalingan. Totoo nga ba ang mga Tramos? Namumuhay rin nga ba sila tulad ng mga tao sa mundo? Nagpatuloy na lamang sa paglalakad si Vina at hindi na pinansin pa iyon. Kasalukuyan niyang tinatahak ang kalye patungo sa tutunguhing kulungan sa kanilang barangay. Dadalawin lamang niya at hahatiran ng pagkain ang kaniyang ama na nakakulong. Kasalukuyang tinatahak habang naglalakad ang dalaga sa maingay na lansangan. Kung ilalarawan, simpleng dalaga lang naman si Vina. Simpleng puting damit, isang itim na pantalon na pinaglumaan na, nakatali ang buhok at may ilang hibla ang nakaharang sa noo. Bumawi lamang si Vina sa hitsura kung kaya’t kahit hindi magara ang kasuotan ay nadala naman ng dalaga ang kaniyang sarili. Tangan-tangan sa kanang kamay ang puting tupperware na nakasilid sa isang asul na plastik. Naglalaman iyon ng pagkain na kaniyang ihahatid sa ama sa kulungan. Halos limang taon na rin mula nang makulong ang ama dahil nasintensiyahan ito ng sampung taon at nasampahan ng krimen na Murder. Ngunit ang katotohanan ay napagbintangan lamang ang ama na si Frado Rago Oliveros. Dahil dito, sa tiyahin na nanirahan at nagsilbi. Dulot na rin ng kahirapan, mas pinili na lamang ni Vina na maghanapbuhay at hindi na tumuloy pa si kolehiyo. Gayunpaman, batid sa sarili ni Vina na naiintindihan niya ang buhay. Masasabing kahirapan talaga ang isa sa pinakamalaking kalaban ng mga mortal sa daigdig. Marami itong hinahadalangan sa buhay ng isang tao. Nagdudulot ito ng hirap, kawalan ng pag-asa, pag-urong, at kalikuan. Sabi nga nila, nakahihingal ang maging mahirap. Nakarating si Vina sa kulungan at kaagad na hinarap ang ama. Pinakain niya ito at si Frado naman ay nilantakan agad ang mga dalang pagkain ng anak. Kung bakit dinadalhan pa rin ni Vina ng makakain ang ama? Batid ni Vina na hindi sapat ang pinapakain dito sa mga preso. Napatitig si Vina sa kaniyang ama. Naaawa siya rito dahil wala siyang magawa upang mailabas ang kaniyang ama. Kung may pera, kapangyarihan, at koneksiyon lamang siya ay ginamit niya na ito para mapawalang-sala ang ama o bawasan ang taon ng pagkakakulong nito. Ngunit kapos ang palad ni Vina. “Dahan-dahan, ‘Pa! Hindi ka tatakbuhan ng mga pagkain!” natatawang awat ni Vina kay Frado. “Ito ang tubig, maligamgam iyang tubig, ‘Pa.” Pinanuod lamang ni Vina ang ama. Sinasabi sa sarili na balang-araw, makagagawa rin siya ng paraan para mailabas ito sa kulungan. Makapamumuhay rin siyang kasama ang ama at malayo sa mapagmalupit niyang tiyahin. Magiging masaya rin sila tulad ng ibang pamilya at makapamumuhay nang matiwasay. “Pa? Bakit nangingitim iyang siko mo?” puna bigla ni Vina nang makita ang tila ba nahihiya na pasà sa siko ni Frado. “Maging sa gilid ng leeg ninyo, oh! At mayroon din sa pisngi, ‘Pa!” “Wala ito, Anak. May work out kami sa loob.” “Huwag ninyong sabihing tinatarantado kayo ng mga kasama ninyo sa loob?!” kaagad na singhal ng dalaga at napapikit sa inis. “Hindi pupuwedeng wala lang iyan, ‘Pa. Anak mo ako kaya hindi puwede sa akin iyon. Bakit hindi ka magsumbong sa mga pulis? Hindi ito tama.” “Kumusta ang tiyahin mo? Nagbago na ba? Sinasaktan ka pa rin?” pag-iiba ni Frado ng usapan. Hindi nais mag-alala ni Frado ang anak—na siyang batid rin naman ni Vina kaya’t napabuntonghininga na lamang ang dalaga. “Ganoon pa rin, ‘Pa,” pag-amin ni Vina. “Pero kaya ko pa naman. Nag-iipon na ako para makaalis. Hindi na rin ako magtatagal doon.” Nag-iipon si Vina ng sapat na salapi upang sa gayon ay makaalis na ito sa puder ng tiyahin na malupit ngunit sa ngayon ay nagtitiis at tiyaga-tiyaga muna habang nag-iipon pa. Nagpaalam na rin si Vina sa ama. Araw-araw niya itong binibisita at walang palya iyon. Naraanan ni Vina ang ilang selda kung saan nagsisiksikan ang mga preso. Maingay. Ang ilan ay nagtatawanan at nagkukuwentuhan at ang lalakas ng boses. Mga nakahubad at may mga tato. Ang ilan ay nahuli pa ni Vina na tila ba may sinisinghot sa isang palara at basyo. Palabas na sana si Vina sa double door nang bigla itong mapahinto nang bumungad sa kaniya ang malakas na sirena ng isang police mobile. Bumukas ito at tumambad ang ilang mga pulis habang kinakaladkad ang isang lalaki na pilit pang nagpupumiglas sa mga awtoridad. “Pakawalan ninyo ako! Umalis kayo! Huwag ninyo akong hawakan!” paulit-ulit na sigaw ng lalaki at sa lakas nito, tumulong pa ang ilang mga pulis sa pagkaladkad sa lalaki. Nagkagulo ang mga tao at ang mga pulis nang biglang makawala ang lalaking paulit-ulit na nagpupumiglas at saktong tumakbo ito ay nabangga si Vina! Sa takot ni Vina, kaagad siyang natumba at hindi nakagalaw sa kinasasalampakang semento! Ngunit hindi pa roon natapos dahil ang mas ikinagulat niya. . . “Subukan ninyong lumapit! Papatayin ko ang babaeng ito!” biglang sigaw ng lalaki. Kaagad na ibinangon si Vina at isang kutsilyo ang bigla na lamang tumambad sa kaniyang leeg! Ngayon ay hawak na ng nagwawalang lalaki ang kaniyang buhay at isang maling galaw lamang niya, tiyak na masasaktan siya! Namilog ang mga mata ni Vina. Nanigas ang kaniyang buong katawan at isang bagsakang naipon ang kaba sa kaniyang dibdib. Kaagad na pumalibot sa kanila ang mga pulis! Ang lalaki naman, mahigpit ang hawak sa kaniya! “Walang lalapit! Masasaktan ang babaeng ito! Pakawalan ninyo ako!” Napalunok si Vina. Wala nagtangkang lumapit na kahit isang pulis. Nagkakagulo na ang paligid at marami na ang nakiuusyosong mga tao! Ang ilang mga motorsiklo, pedicab, mga jeep at ilang sasakyan ay huminto pa para lamang makitingin sa nagaganap na gulo! Ilang sandali pa, bumungad sa kaniya ang isang lalaki na naka-formal attire at maayos ang dating. Unang tinging pa lamang ay dapat na itong tingalain. Nakapamulsa ito at agad naman na nagbigay-daan ang mga pulis. Marahan itong naglakad patungo sa lalaki at sa hostage na si Vina. “Sino ka?! Ano ang ginagawa mo?! Isang hakbang mo pa ay tutuluyan ko na ito!” sigaw ng lalaki sa likod ni Vina na nanlalaki ang mga mata at pawisan. Ang kararating lamang na lalaki ay ngumisi nang nakaloloko. Kasabay nito ang pagtatama ng kanilang paningin ni Vina. Napapikit agad si Vina sa takot. Sa isip-isip niya, pagbisita lang naman ang kaniyang pakay rito sa kulungan at hindi ang maging isang hostage! At hindi niya lubos akalain na malalagay siya sa ganitong situwasyon! “Paano kung ayaw ko?” saad ng kararating na lalaki na ikinagulat naman ng lahat! “Papatayin ko ang babaeng ito!” Nagsimulang maglakad muli ang bagong dating na lalaki at hindi naman siya pinigilan ng mga pulis. Umatras ang nagwawalang lalaki at ganoon din si Vina na takot na takot ngayon. Walang bakas ng kaba o pagkabahala ng lalaking kararating lamang, naka-formal attire, nakapamulsa, kampante lamang ang mukha, tila ba hindi nasa panganib ang buhay ni Vina! “You’re wasting my precious time. I hope you enjoy your stay behind bars,” iling-iling na saad ng lalaki at napabuntonghininga pa ito. Sa isang iglap, nagulat ang mga tao nang walang ano-ano ay biglang natumba ang nagwawalang lalaki at nawalan ng malay! Nabitiwan nito ang hawak na kutsilyo! Kaagad na nakawala si Vina at nilapitan siya ng isang babaeng pulis. Samantalang ang lalaki naman ay kaagad na ibinangon at pinosasan ng mga awtoridad. Napatingin si Vina sa lalaki na ipinapasok na ng pulis sa loob. Napakunot ang noo niya nang makita ang likuran nito. Nakahubad ang lalaki. Roon ay nakita niya ang tato sa likod nito na isang tigre na hindi lamang isa ngunit lima ang buntot. Napakunot ang noo niya. Tigre na may higit sa isang buntot? Iisa lamang ang nilalang na pumasok sa isip ni Vina. Naalala niya ang matandang si Dencio na nagkukuwento sa mga bata ukol sa mga Tramos na ang hitsura ay tigre at marami ang buntot. Hawig na hawig ang pagkakalarawan! At nang humarap naman si Vina sa lalaki na naka-formal attire, lalaking matapang na hinamon ang nang-hostage sa kaniya, ang lalaking kampante lamang kahit pa nasa panganib ang buhay ng dalaga, wala na ito! Parang bulang biglang naglaho! “Ipasok na iyan!” utos ng isang pulis at unti-unti namang humupa ang kumpol ng mga tao sa paligid. Maraming tanong ang gumulo sa isip ni Vina. Bakit may tato ang lalaking nang-hostage sa kaniya ng nilalang na Tramos? Higit sa lahat ay ano ang ginawa ng lalaking humarap kanina at paanong sa isang iglap ay bigla na lamang nawalan ng malay ang nang-hostage? Ano at sino ba ang lalaki na iyon?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook