Kabanata 2: Engagement Ceremony

2260 Words
Makikita ang isang bata sa likod ng simbahan na nakangiting nanunuod sa seremonya ng kasalan. Tutok na tutok ito sa pinanunuod. Napakarami ng mga tao sa loob ng simbahan at talaga nga namang enggrande ang set-up ng nagaganap na seremonya. Nang marinig ng bata ang ‘you may now kiss the bride’ at matapos ito, malakas itong pumalakpak at napatayo ang bata sa tuwa. Mangiyak-ngiyak pa ang bata nang tumayo ito at lumabas ng simbahan sabay yakap sa kaniyang nanay. Natawa naman ang nanay dahil umiiyak na naman ang anak dahil lamang sa nakapanuood ito ng kasalan. “You did cry as I expected,” anang nanay ng bata na unang tingin pa lamang, kagalang-galang na agad ang ibinibigay na impresiyon nito sa maraming tao. “Next time, I will give you bunch of tissues, okay?” “Of course, Mom! You know that I love to watch those, right?” Nagpunas ng kaniyang luha ang bata gamit ang handkerchief nito. “I promise, Mom, I will get married when I become a big girl! Promise to you that!” Napatawa ang nanay. Nasa tapat sila ng simbahan. Maraming mga tao sa paligid na may kani-kaniyang ginagawa at pinagkakaabalahan. May mga bata at ale na nagbebenta ng sampaguita, rosario, at mga kandila. Mayroon ding mga namamalimos, nagtitinda ng cotton candy, sorbetes, matamis na taho, nilagang mais, at adobong maning maanghang. Mayroon ding mga nagdarasal sa hindi kalayuan ng simbahan. May fountain pa sa gitna ng lugar. May mga nagtatakbuhang mga bata. May karinderya rin sa kanang kalsada. Mabuti na lamang at malilim ang umaga. “And why are you crying again and again in wedding ceremonies with just the same scenarios?” Napasimangot ang batang babae na naka-braid ang buhok at nakasabit sa balikat nito. “Nothing, Mom. It is just happy and overwhelming to see those couples to exchange their vows, to promise each other that ‘til death do them apart, they will love each other, for better and for worse. I am just happy for them. Is that bad and illegal? Hmm?” “You know, when I’m talking to you, parang matanda ang kausap ko.” Napatawa silang mag-ina dahil sa kulit ng batang si Felissa. Napahinto sila sa paglalakad nang makita ni Felissa ang isang pamilyar na bata sa malayo. “Mom,” tawag ng batang si Felissa sa nanay niya sabay turo sa batang nakaupo sa gilid ng fountain. “I will marry that boy, Mom. I will marry Traise Castillano. Remember that!” “Why him? Bata pa kayo!” Napahagikgik lamang ang batang si Felissa habang nakatanaw sa batang si Traise na nakaupo sa gilid ng fountain habang kumakain ng cotton candy. Seryoso ang bata. Nakatitig dito si Felissa na tila ba ito na ang lalaking kaniyang pakakasalan sa paglaki. “Felissa? Are you okay?” tanong ni Traise. Agad na natauhan si Felissa at napaayos ng upo. Natulala ang dalaga sa kaniyang kinauupuan at sa tabi niya ay ang asawang si Traise kasama ang dalawang anak. Naalala lamang ni Felissa ang pagkabata niya na kung saan ay mahilig sa pagdalo sa mga kasalan. “Kanina ka pa tulala. Tell me anything you want or anything you need.” Hinawakan ni Traise ang kamay ni Felissa. “Kung kailan engagement ceremony natin, saka ka pa riyan natulala. After this, you should rest at home.” “You are my home, Traise,” sagot ni Felissa at napayakap sila sa isa’t isa. Kasalukuyang nagsasalita ang parents ni Traise, sunod naman ay ang parents ni Felissa sa unahan. Engagement ceremony pa lamang ay marami na ang dumalo. Paano pa kaya sa mismong kasalan? Tiyak na hindi mahulugang karayom. Hindi mawawala ang mga reporters, media, at mga journalists sa paligid dahil engaged na sa wakas ang mag-asawang Castillano at Juarez. Royal red and gold ang tema ng buong paligid kaya’t nakamamangha kung mamasdan. Ang mga tao ay nakasuot ng mga magagarbong kasuotan lalo pa’t mayayaman ang mga dumalo sa nasabing seremonya. Masaya si Felissa dahil sa wakas, ikakasal na rin siya sa lalaking kaniyang minamahal. Matapos ang engagement ceremony, kinagabihan naman ay naganap ang engagement party sa malawak na garden ng mansiyon na nasa tapat lamang din. Makukulay ang mga lights at ang malakas na music. Tuwang-tuwa ang mga tao at bumabati naman sina Traise at Felissa. “Finally! Engage na rin sa wakas!” Napalingon si Felissa at Traise sa kararating lamang na si Entice kasama ang asawa nitong si Elloy Eugenio. “Huwag mo akong simulan, Entice. Baka masipa kita palayo ng engagement party na ito.” Nagtawanan sina Felissa, Traise, at Elloy habang si Entice naman ay napairap lamang. Masyadong maingay ang mga tao sa paligid na nagsisigawan kasabay ng nakiindak na musika. Napakarami ng tao ang nagkalat. “Imagine that? Nagkaanak muna bago naikasal?” pang-aasar pa ulit ni Entice. “And so? Kayo nga, naunang ikinasal sa amin pero hanggang ngayon, wala pa ring babies!” balik na pang-aasar naman ni Felissa dahilan para samaan siya ng tingin ng kapatid. “Don’t try me, Entice! Marami akong baon tonight!” Inawat pa ng mga asawa na si Traise at Elloy ang dalawang magkapatid sa bardagulan nito. Kahit kailan talaga ang dalawang magkapatid, puro insultuhan na lang ang laging ginagawa. “At baka nakalilimutan mo, sinipa mo ako palabas ng kotse! Iniwan mo ako sa kalsada!” “Because I panicked!” “Sabihin mo, nangangati ka na at papabuntis ka ulit kay Traise!” depensa naman ni Entice at napatawa. Bago pa magpang-abot ang dalawa kahit katuwaan lang naman, hinila na ni Traise si Felissa papasok ng mansiyon at si Elloy ay hinila ang asawang si Entice para bumati at makipagkilala sa iba pang bisita nina Felissa. “Pagkatapos ng kasal natin, susundan na ba natin sina Wave at Leaf? Hmm?” malambing na sabi ni Traise sa tainga ni Felissa. Agad naman na napatawa si Felissa at umiwas sa nang-aakit at nanghihimok na malalim na boses ng asawa. “We have to follow our family planning, Traise Castillano.” “Please, Felissa Juarez-Castillano?” “Excited, huh?” natatawang sabi pa ni Felissa hanggang sa makapasok na sila sa loob ng mansiyon. Hatinggabi na ngunit gising pa rin ang kanilang dalawang anak na sina Leaf at Wave na parehong lalaki. Nag-aaral na rin ang mga ito ngunit home schooling nga lang. Nakapantulog na ang dalawa at inaantok na. “Mom, Dad, can you stop the party now? We can’t sleep, obviously,” saad ni Wave na siyang panganay ng mag-asawa, siyam na taong gulang na. Tumango naman si Leaf na siyang bunso, pitong taong gulang naman ito. Ipinatigil na nga nila ang engagement party dahil hatinggabi na rin. Isa pa, engagement pa lang naman, hindi pa naman talaga kasal. Ipinaubaya na ni Traise ang trabaho sa labas sa kaniyang mga tauhan. Umakyat na rin sila sa kuwarto at inihatid na ang mga bata. “Are you happy?” tanong ni Traise sa kaniyang asawa nang makapasok sila sa kuwarto nila. “Is that a question?” “I just want to make sure that as your husband, masaya ka sa akin. You can punch me to death if I no longer gives you happiness you deserved, okay?” paniniguro ni Traise at tumango-tango naman si Felissa habang mahigpit na nakayakap sa kaniyang asawa. “Of course, I'm happy, I really am. Now that we’re finally engaged, you made my dream come true noon pa mang bata ako.” Marahang hinimas ni Traise ang buhok ng asawa. “Akala ko, wala kang balak mag-propose at pakasalan ako. Hihiwalayan talaga kita.” “I have plans, hey!” Napaharap si Traise kay Felissa habang nakahiga pa rin sila. Walang pang-itaas na damit si Traise kaya’t bungad ang matipunong pangangatawan nito. “Hindi ninyo trabahong mga babae ang mag-effort sa relasyon. It is our duty as men to make genuine efforts. Sadyang may hinintay lang ako, Felissa. I’m so sorry for the delay.” “What is it?” kuryosong tanong pa ni Felissa. “Although I am hundred percent sure that you are the woman I want to spend my life with, kinumpirma ko pa sa huling pagkakataon. When I saw you once again mentioning about our marriage, you looked so happy that made me happy as well. It made me think of ah, pakakasalan ko na talaga si Felissa. She deserves it.” Matamis na napangiti si Felissa sa narinig. Habang tumatagal, mas lalong lumalalim ang pagmamahal niya para sa kaniyang asawa. “Thank you, Traise.” Isang halik ang iginawad ni Felissa sa kaniyang asawa at nasundan pa iyon. Magtagal kaya ang kasiyahan nilang ito? Magkayakap na natulog ang bagong engaged na sina Felissa at Traise. May ngiti sa labi ni Felissa habang nakapikit ang mga mata dahil sa labis na kasiyahang nararamdaman ngayon na hindi niya maipaliwanag. Basta’t ang alam niya, masaya siya para sa kanilang dalawa ni Traise—kanilang sariling pamilya. Sa isang presinto, kinaladkad ang isang babae ng mga pulis na mga armado. Tahimik naman at hindi umiimik ang babae na malalim ang iniisip. Blangko ang mukha nito. Walang buhay ang kabuuan na tila ba daig pa ang pinagsakluban ng langit at lupa. Nakayuko at walang buhay ang mukha. Hindi nagsasalita. Sa likod niya ay isang lalaki na nakasunod sa kaniya. Naka-formal attire ito at nakangiti sa mga nangyayari—na tila ba nagustuhan nitong labis ang pagkakadakip sa babae ng mga pulis. Sa isang iglap, hinugot ng lalaki ang nakatagong baril sa kaniyang likuran at saka ito itinutok sa babaeng kinakaladkad ng mga awtoridad. Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. Bumulagta sa lupa ang babae na mayroong tama ng baril sa tapat ng puso nito kasabay ng sigawan ng mga tao sa paligid sa gulat. Ang babae ay walang iba kung hindi si Felissa. . . Isang ngisi naman ang sumilay sa labi ng lalaki habang nakatitig sa walang buhay na katawan ng babaeng kaniyang binaril. Ang ngisi nito ay nakaloloko senyales na walang pagsisisi sa kaniyang ginawa. Ang lalaking bumaril ay si Traise. . . Napabalikwas si Felissa kinahihigaan at agad na napabangon! Mabilis niyang hinabol ang kaniyang paghinga na tila ba umahon sa dagat na napakalalim. Nanlalaki pa ang kaniyang mga mata, pawis na pawis ngayon! Napayakap siya sa sarili dahil sa takot. “Felissa! Are you okay?” kaagad na tanong ni Traise na dahan-dahang napabangon sa kinahihigaan na nag-aalala. “What happened?” “Traise. . .” bulalas ni Felissa na takot na takot habang yakap-yakap ang sarili. Dali-daling inayos ni Traise ang buhok ng asawa na bahagyang nagulo maging ang dami nitong pantulog na nagusot. Saka niya ito niyakap at ibinaon sa kaniyang dibdib. “Go on, tell me kung ano ang napanaginipan mo. I’m listening,” malambing na ani Traise. “Traise. . .” Nanginginig ang labi ni Felissa at napakapit sa braso ng kaniyang asawa. “Sa presinto, hinuli ako ng mga pulis. I was totally blank and nothing. Para akong nalunod sa kabiguan at pagkatalo. And then I saw you at my back, following us. I saw you and. . .You shoot me with your gun. I died, Traise. . . Pinatay mo ako sa panaginip ko, Traise. . .” “No, shh, panaginip lang iyon,” pagpapakalma ni Traise kay Felissa. Mas niyakap niya ito nang mahigpit. Isang panaginip lang naman iyon kaya’t hindi sila dapat magpadala. Hindi ba’t sabi nga nila, ang mga nangyayari sa panaginip at bangungot ay kabaliktaran sa nagaganap sa reyalidad? Ang nangyari sa panaginip ay hanggang doon na lamang at huwag ng dalhin sa kasalukuyan. “Paano kung mangyari iyon in the future?” mabilis pa sa kidlat na sagot ni Felissa. Iyon din ang malaking katanungan. Paano kung mangyari ang panaginip sa hinaharap? Na nagbigay ng paunang expectation sa kanila? “That won’t happen! Hinding-hindi natin pahihintulutang mangyari iyon.” “Life is full of uncertainties, Traise,” sagot ni Felissa. “Hindi ibig sabihin na sinabi natin sa panahon na ito nang may kasiguraduhan, hanggang sa matapos ang araw na ito at dumating ang mga susunod pang panahon ay sigurado pa rin tayo. Life is full of twists.” “I know! But let’s just look at the brighter side, okay? Naiintindihan ko ang takot mo dahil nanaginip na rin ako nang hindi maganda. It really happened back then when I was in teenage. Pero ikaw? Papatayin ko? There’s no way that I will kill a lovely woman like you. Panaginip lang iyon, Felissa. Baka kamo, patayin ng pagmamahal.” Napatawa si Traise at hinimas-himas ang ulo ng kaniyang asawa upang kumalma na ito. “I promise to you na hindi tayo hahantong sa ganoon. I promise that won’t happen. At para maiwasan nating mangyari iyon? We will love each other even more stronger. We will make each other happy and contented. Hindi natin hahayaan na mawala ang kahit na isa sa atin. We will keep ourselves in track of love, okay? With that, nothing hideous things will happen in the future. Don’t worry na, Felissa, please.” Napatango-tango naman si Felissa at nakahinga ito nang maluwag. Nakatulong ang mga sinabi ng asawa sa kaniya. Labis niyang panghahawakan niya ang mga pangako na iyon ng kaniyang asawa. Na mas patitibayin pa ang kanilang pagmamahalan. Na gagawin nilang masaya at kuntento sa isa’t isa. Ngunit sa buhay ng tao, sa daigdig na ito, hindi lahat ng mga pangako ay natutupad. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD