Kabanata 3: The Husband and Wife

1717 Words
Ang kasal ayon sa Konstitusyon ay isang institusyon na prinoprotektahan ng estado. Ang kasal ang pundasyon ng pamilya—at prinoprotekhatan ng estado ang karapatan ng mga mag-asawa na magtayo ng sarili nilang pamilya ayon sa mga paniniwala nila. Kapag naikasal na ang dalawang tao, sila ay pinagbuklod na ng simbahan at ng estado. Ngunit hindi nangangahulugan ito na hindi darating sa punto na ang mag-asawa ay hindi magkakalabuan, magkakagulo, at mauuwi sa hiwalayan. Hindi nangangahulugan ito na ang sinumpaang salaysay sa harap ng altar ay mananatiling matibay at matatag. Gayunpaman, upang maiwasan ang mga negatibong posibilidad at pagkakataong ito ay kinakailangang mapanatili ang katiwasayan, kaayusan, at pagmamahalan ng mag-asawa at maging sa buong sambahayan ng pamilya. Kinaumagahan ay masayang kumakain ang pamilyang binuo nina Traise at Felissa. Nagkakatuwaan pa nga sila dahil sa muli na namang naihi sa kaniyang higaan si Leaf kahit pa pitong taong gulang na ito—normal naman iyon. Nagkakatuwaan din sila dahil umamin si Wave na hindi ito mahusay sa Mathematics. Natahimik lamang sila nang may matanggap si Traise na kung ano sa kaniyang e-mail. Isang mensahe. “You should open it now that we are all here,” nakangiting utos ni Felissa kay Traise. “What if, that’s a good news? We should know about that. We should be happy for you, Traise.” “And what if it’s bad news?” sagot naman ni Traise. “I knew my secretary well. When he talk to me personally, that’s a positive one. But when I got an e-mail from him, expect that it will ruin my day so better not tell it in person.” “Ang negative mo.” Napailing-iling si Felissa habang nakasimangot naman ang mga anak. Napakibit-balikat na lamang si Traise at saka binuksan ang kaniyang itim na laptop. Natigil tuloy sila sa pag-kain maging sina Wave at Leaf dahil hinihintay ang sasabihin ni Traise. Si Felissa naman ay kagat-kagat ang kaniyang labi, hindi kinakabahan, naghihintay lamang. “Not good, not bad, just right,” ani Traise. “What do you mean by that? What did you received ba?” takang tanong pa ni Felissa at saka tumayo papunta sa likod ng asawa. Tiningnan niya rin kung ano ba ang nakasulat doon at dahan-dahang nanlaki ang mga mata niya sa nakita at napatakip sa gulat. Maging sina Wave at Leaf ay nakatingin na rin dito. “What’s with your reaction? Para kang nanalo sa lotto,” natatawang puna ni Traise sa mukha ni Felissa na hindi na maipinta ngayon. Malakas na hinampas ni Felissa ang balikat ni Traise! “Hey! Para saan iyon? That’s foul, ah!” “TINGNAN MONG MAIGI! HINDI KA BA MARUNONG MAGBASA?!” sigaw ni Felissa na nakatakip ang kamay sa bibig. Nang makita naman ng magkapatid na si Wave at Leaf, nanlaki rin ang mga mata ng mga ito sa pagkabigla. Lahat tuloy sila ay napatingin ngayon kay Traise na nagtataka ang mukha, hindi gulat. “What’s with the face of you three? Tatlo ba kayo ay pinagkakaisahan ako?” “Look carefully, Dad!” sigaw ni Wave. “Ano ang akala ninyo sa akin? Hindi ako marunong magbasa? Nabasa ko! Ano naman ang nakagugulat diyan? MR. TRAISE CASTILLANO WILL BE HAVING HIS OWN TELEVISION SEGMENT AT SBG-12 NETWORK FOR COOKING SHOW! Ano naman ngayon ang nakagugulat diyan—” Hindi na natapos pa ni Traise ang kaniyang sasabihin nang mapatayo ito sa nabasa dulot ng napagtanto! Lumikha pa ng malakas na ingay ang pag-atras ng kaniyang upuan. Maging si Traise ay namilog ang mga mata at napatakip sa kaniyang bibig sa labis ding pagkabigla. “WHAT THE. . .” Napasinghap si Traise at lumingon kay Felissa at sa kaniyang dalawang anak saka muling tumingin sa screen. Binasa niya pa iyon nang paulit-ulit at iisa lang naman ang context ng e-mail. “Magkakaroon ako ng sariling segment sa SBG-12 Television Network!” Sa sobrang tuwa ni Traise, kaagad nitong binuhat na parang ikakasal si Felissa at napatawa naman si Felissa sa ginawa ni Traise. Nagtatalon-talon naman sina Wave at Leaf habang ang nag-iisa nilang katulong ay nakangiti habang pumapalakpak pa. Sunod na binuhat ni Traise ang kanilang bunsong si Leaf. “You see that, right? Dad will be having his own segment at TV!" Napuno ng kasiyahan ang buong mansiyon. Mas lalo pa silang natuwa dahil nalaman ni Felissa sa kaniyang secretary na tumaas ang sales rate ng Zelda Furnitures na pumapangalawa na ngayong pinakamalaki at malakas na kumpaniya sa buong Pilipinas. “YES! WE DID IT!” Nagsisigaw si Traise at talagang binuhat si Felissa na una, sunod ang bunsong si Leaf, at huli si Wave. Hindi matigil ito sa pagsisigaw ng kung ano-ano habang natatawa naman si Felissa sa pinaggagawa ng kaniyang asawa. Naghanda na rin sila para sa pagpasok sa kani-kanilang mga trabaho. Si Traise bilang isang mahusay at kilalang chef ng bansa sa Traise Restaurant habang si Felissa naman na isa ring kilala at ipinagmamalaking businesswoman ng bansa sa kasalukuyan. Pumasok na sa loob ng kotse ni Traise si Felissa dahil ihahatid siya nito sa Zelda Furnitures company. Hindi na rin dadalhin muna ni Felissa ang sariling kotse dahil mamaya rin ay susunduin ng kaniyang asawa o maaaring sumabay na lamang kay Entice. Ngunit si Felissa ang magmamaneho ngayon dahil ayaw nito ng mabilis ang pagpapatakbo. “Are you happy?” tanong ni Traise. Napatawa si Felissa at tumango. Lagi-lagi kasing ginagawa ni Traise ang ganitong pagtatanong nang biglaan at out of the blue kung masaya ba si Felissa. Gayunpaman, masaya si Felissa na laging tinatanong ito ng asawa—senyales na hangad ng kaniyang asawang si Traise ang kaligayahan niya. “We have so many achievements, right?” ani Felissa habang maayos itong nagmamaneho. Mabilis kasi kung magpatakbo si Traise kaya’t kapag magkasama sila, si Felissa ang dapat. “At madaragdagan pa iyon,” ngiting sagot ni Traise. “We will make sure that our family will live in good life. Bibigyan natin sina Wave at Leaf at ng mga magiging anak pa natin ng maganda at maayos na buhay. I promise to you that, Hon. And I will make you happy for the rest of your life.” Nakangiti si Felissa. “Siguraduhin mo lang, Traise.” “Of course!” mabilis na sagot ni Traise. Lumiko ang sasakyan sa highway. “Hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira natin, Felissa.” Habang nagmamaneho, ang kamay ni Traise ay tahimik na naglalakbay sa hita ni Felissa. Hindi naman magawa ni Felissa na umangal dahil ito ang gusto ng kaniyang asawa. “Nagmamaneho ako, Traise,” suway ni Felissa. “O-Okay,” sabi ni Traise at napasimangot pa ito. Napaayos ito ng upo at inayos naman ni Felissa ang kaniyang dress na inangat ng asawa kanina. “Ang damot mo naman, hmm.” Napailing-iling na lamang si Felissa dahil sa kalokohan ng asawa. Malambot ang kamay nito, walang kalyo, malinis, maputi, at maugat na siyang nakaakit. Gayunpaman, hindi maaaring sumabay si Felissa dahil abala ito ngayon sa pagmamaneho. Kung puwede nga lang ay ginawa na nila sa loob ng kotse. Ang kaso, may trabaho sila na dapat pang gawin bago ang trabahuhin ang isa’t isa. Nakarating na rin sila sa kani-kanilang trabaho. Si Traise ay binati ng kaniyang whole team at may dinner party naman sina Felissa. Kinagabihan, nauna ng umuwi si Felissa at naratnang natutulog na ang mga anak. Dahil galing naman sa dinner party, naghintay na lamang ito sa sala sa pagdating ng asawa. Tiyak na may interview ito at mga guesting. Hindi makapaniwala si Felissa at mangha rin dahil nga sa hindi basta-basta ang ma-offer-an ng pagkakaroon ng sariling segment ng asawa sa isang TV Network. Ngunit dahil tiwala si Felissa na talaga nga namang mahusay si Traise sa larangan ng pagluluto, deserved nito ang success. Nakita ni Felissa mula pa man din noong mga teenager sila kung gaano talaga kahusay si Traise. Hindi lamang limitado sa mga Philippine dishes at cuisines ang alam nito, kung hindi mga lutuing pang-international din. Habang naghihintay si Felissa, naisipan muna nito na buksan ang kanilang flat screen TV. Mainit ang tensiyon sa palabas. Pagkabukas na pagkabukas, malalakas na sigawan na agad ang bumungad kay Felissa! Hininaan niya pa ang volume nito dahil kung magsigawan ang mga characters sa palabas na kaniyang pinanunuod ay sukdulan. Kulang na lamang ay pumutok na ang mga ugat sa leeg ng mga karakter sa kasisigaw ng mga ito. “AT ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO RITO?! ANG KAPAL NG MUKHA AT APOG MO PARA MAGPAKITA RITO!” “SO? AKO NA ANG ASAWA NI MARK KAYA’T DITO NA AKO TITIRA! MANSIYON KO NA RIN ITO! MAHIYA KA NAMAN!” “ANG KAPAL NG KALYO MO SA MUKHA! HINDI KA LANG MANG-AAGAW NG ASAWA, PATI ANG MANSIYON NA ITO, HINDI MO PINALAMPAS! GANIYAN KA BA TALAGA KADESPERADA?” “HUH! NAGSALITA ANG PINAGTATABUYAN NA NI MARK SA MANSIYON NA ITO!” “PAKE KO? MASYADO KANG MAGALING KUNG MANG-AHAS, MAY MAGAGAWA PA BA AKO? PERO AKIN ANG MANSIYON NA ITO KAYA’T HUWAG MO AKONG UTUSAN!” “MANG-AAGAW KA RIN NAMAN!” Kaagad rin na pinatay ni Felissa ang TV at napabuntonghininga. Sa isip-isip niya, uso na talaga ang agawan ng asawa sa panahon ngayon at ang angkinan ng mga property at wealth matapos manghimasok sa ibang pamilya ang isang tao at mang-aangkin ito. Hindi maiwasan ni Felissa na mapaisip. Mahal na mahal niya ang lalaki ngunit sa isip niya, posible kayang mangaliwa si Traise sa hinaharap? Gaya ng mga napanunuod ni Felissa sa telebisyon, posible rin kayang mangyari iyon sa kanilang dalawa ni Traise? Ilang sandali pa, nakita ni Felissa na dumating na si Traise at kapapasok lang sa double door. Nagtama ang kanilang paningin ni Traise at tipid at pilit na ngumiti si Felissa sa asawa. Hindi niya naman dapat pinag-iisipan ng kung ano-ano ang asawa lalo pa’t higit sa lahat ay dapat niya itong pinagkakatiwalaan dahil unang-una sa lahat, malapit na ang kasal nila. Matipuno ang pangangatawan ni Traise. Guwapo. Malakas ang s*x appeal bilang lalaki. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Felissa na maraming nagkakandarapa rito mula pa man noong hindi pa nagiging sila. “Hindi mo naman gagawin iyon, Traise, hindi ba?” tanong ni Felissa sa kaniyang isipan nang yumakap sa kaniya ang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD