Kabanata 4: A Damsel in Distress

2000 Words
Isang linggo ang nakalipas matapos ng engagement nina Felissa Juarez at Traise Castillano ay bumalik sa dating set-up ang dalawa—parehas na busy sa kani-kanilang profession o trabaho lalo’t in demand pareho. Lalo na si Traise dahil mabilis na nagsimula ang shooting ng cooking show nito matapos mapabalita kamakailan ang pagkakaroon ng sariling channel sa SBG-12 Network. Una ay dinaluhan muna ang mga guestings shows at sumunod ay ang mismong tapings para sa actual na cooking show ni Traise. Talaga nga namang sa showbiz world ay mabilis at sistematiko ang kalakaran. “Magandang umaga, magandang buhay, mga ka-kusina! Sa inyong harapan, ako’y nagpapakilala, Chef Traise Castillano at your service!” Kumindat si Traise nang maitutok sa kaniya ang main camera. Talaga nga namang kaakit-akit ang chef at photogenic. Tuloy ay maging ang mga staff na babae ay hindi maiwasang mapangiti. “Cut! That’s a nice shot!” Kaliwa’t kanan ang pag-flash ng mga camera para sa teaser at still cuts ng cooking show ni Traise. Nariyan ang mga videographers at filmmakers na hindi basta-basta sa industriya, mga cameraman, assistants, light and sound production team, at mga production staff. “Tiyak na papatok ka sa TV, Chef Traise!” “Paano ba naman, masarap na nga magluto, ang sarap pa niya!” biro ng isang baklang crew kaya’t napatawa ang buong production. Gayunpaman, makikita naman na enjoy na enjoy si Traise sa kaniyang ginagawa—lalo sa kaniyang pagluluto. Bagaman busy ay alam naman sa sarili kung para saan at para kanino niya iyo ginagawa—sa kaniyang pamilya. Sa isip-isip ni Traise, busy rin naman ang kaniyang asawa. Kung napapagod siya, gayundin naman ang kaniyang asawa kaya’t para sa kanilang mga anak ay magsisikap. Si Felissa naman buong maghapon ay tutok sa computer sa pag-aasikaso sa mga international clients and partnerships. Hindi biro ang magpatakbo ng isang malaki at sikat na furniture company! Hindi lang kasi pangalan at kapital ang itataya rito kung hindi lalong-lalo na ang commitment sa trabaho, oras, pagod, at gutom. May mga pagkakataon din na bumibisita si Felissa sa mga megamalls dulot ng naroroon ang ilan sa mga Zelda Furnitures shop. Maigi niyang sinusuri ang standing nito externally and internally. Higit sa lahat, si Felissa ay isang magulang para sa kaniyang dalawang anak: sina Wave at Leaf. “Communicate with my team, please.” “I suggest to change the set-up of the third column. Collect and merge them in accordance to their sections and properties.” “Our company wil discuss that, thank you.” Sunod-sunod ang mga kinakausap ni Felissa kaya’t talaga nga namang busy ito sa araw-araw. Bilang CEO ng pinakasikat at pinakamalaking furniture company sa buong bansa, ang Zelda Furnitures, maraming mga company locally at internationally ang may interest sa kaniya—pero nagiging maingat si Felissa lalo pa’t alam niya ang kalakaran sa business world. Alam niya kung paano ito tumakbo at hindi biro ang kinahaharap niya. “Hon? Nag-lunch ka na ba? Kumain ka na,” pagkausap ni Felissa sa kabilang linya sa kaniyang asawa. “I’m so sorry kung hindi muna tayo makapag-lunch nang sabay ulit.” “On the way na sa dining area. You too, Hon, you should dig in na, okay? Madalas na ikaw ang nalilipasan ng gutom.” “Miss ko na ang mga luto mo.” “I will cook for you at ipadadala ko riyan, okay? Alam mo naman na malakas ka sa akin.” Hindi lumalampas sa limang minuto ang pag-uusap ng mag-asawa over the phone dahil bawat oras ay mahalaga. Marami ang expectations. Lalo pa at parehong tinitingala at nirerespeto ng nakararami—plus may pamilyang pinagkakaingatan. Ang oras ang kanilang kalaban sa mga panahon na subsob sa kani-kanilang mga trabaho at propesyon. Nang dumating ang gabi, nagligpit na si Felissa ng ilan sa kaniyang mga gamit. Naglinis din siya ng ilang mga paper bags at pinagkainan dahil nag-order lang para sa pagkain thru online. Pinatay na rin ang kaniyang computer at inayos ang sarili. Sadyang nakapapagod ang buong araw. Palabas na sana si Felissa sa kaniyang malaking office nang saka naman saktong may nasa harapan niya na isang staff ng building. Kilalang-kilala niya ang taong ito. “Felissa...” anang lalaki na nasa harapan ni Felissa. Napahawak si Felissa sa kaniyang bibig nang makitang umiiyak ito nang mahina at namumula ang mga mata. Nangunot man ang noo sa pagtataka, mas nangingibabaw kay Felissa ang pag-aalala sa lalaking nasa harapan. “Jino, what’s the problem? Are you okay?” mabilis na agap ni Felissa rito. Mabilis kung mataranta si Felissa kaya’t makita pa lamang na hindi mapakali ang kaharap ay nahahawa na rin siya at nababahala. “You can talk to me, Jino. Anything you need?” “Felissa...” “Yes, Jino? Come on, don’t hesitate to say it to me. I am willing to help. You know, kilala na natin ang isa’t isa for so many years,” ani Felissa at hinawakan sa balikat ang lalaki. “Calm yourself first, okay? Tell me what’s it.” Ang kaharap na lalaki na isang building staff ay kaibigan at kaklase ni Felissa noong sila ay high school pa lamang kaya’t maasahan ang isa’t isa. Ang kaso, hindi na nakatuloy sa kolehiyo si Jino kaya’t hindi ito nakakuha ng degree o license sa pinapangarap na propesyon dulot ng hirap ng buhay. Kaya naman, bilang butihing kaibigan ay kinuha ni Felissa si Jino bilang kaniyang trabahador. Halos limang taon na rin mula nang magtrabaho si Jino sa kaibigan na si Felissa. Malapit ang dalawa sa isa’t isa. “Can we talk about this in private? Nahihiya akong sobra.” Dali-daling nagpunas ng kaniyang luha si Jino. “Pasensiya ka na kung ikaw lang ang alam kong lapitan at makausap. Wala akong mapaglabasan ng sama ng loob. Alam mo naman na broken family rin kami. Can we talk about this in private?” Mabilis na hinawakan ni Jino ang kamay ni Felissa. Magkaedaran lang sila. “Sure, you can come inside my office,” ani Felissa at binuksan ang pinto ng kaniyang office. “Soundproof, safe na safe ang privacy.” “Ah, ano...” May pagdadalawang-isip sa boses ni Jino na ngayon ay nakasuot pa rin ng yellow na polo shirt at itim na pantalon bilang attire ng mga building staffs. Hindi mapakali ang mga mata nito na mabilis na napansin ni Felissa. “Nahihiya ako kung diyan sa loob ng office mo. Sobrang layo rin ng antas natin sa isa’t isa. Hindi naman yata tama na i-take advantage kita para makapasok sa loob. Magkaibigan tayo but it does not mean...” “No, no, don’t say that!” agad na pigil ni Felissa. “You are always welcome! Huwag ka ngang mag-isip nang ganiyan.” “Baka rin may makakita sa atin.” Natigilan si Felissa at napaisip. May punto nga naman si Jino. Marami kasing punta nang punta sa office ni Felissa pars mag-abot ng mga messages at mails. Lalo na ang secretary ni Felissa na palaging nakaaligid sa kaniya. Ngayon kasi ay maaga itong umuwi dahil sa family emergency at pinagbigyan naman ni Felissa ang secretary sa awa rito. “Do you want to go to the coffee shop?” alok ni Felissa dahil isa iyon sa unang lugar na naisip niya. “Naku, malayo pa. Alam ko naman na you are so busy woman and may mga anak ka rin,” ani Jino. “If lumayo pa tayo, masyadong time-consuming masyado. Gusto ko rin na talagang private dahil alam mo naman na noon pa man, hindi ako gaanong naglalabas ng saloobin ko sa mga tao sa paligid ko. Can we talk in the mechanical room instead? Malawak naman doon at clear na this hour.” “Mechanical room?” takang sambit ni Felissa at napaisip. “O-Okay...” Nauna si Jino sa paglalakad habang si Felissa naman ay may pagdududa. Private nga masyado ang mechanical room dahil tanging mga authorized personnel lamang ang nakapapasok. Pero masyado namang closed space ang lugar para sa kanilang dalawa. Gayunpaman, magkaibigan naman sila kaya’t walang kaso roon. Nagtitiwala rin naman si Felissa sa matagal nang kaibigan kaya’t walang dapat ipag-alinlangan. “Salamat sa time mo, bibilisan ko lang ang pagkukuwento ko...” Naupo silang dalawa sa magkatapat na upuan nang makarating sa loob ng mechanical room. Kahit lumaki sa karangyaan, hindi naman maarte at sensitive si Felissa kaya’t ang mapunta at manatili sa mechanical room ay hindi problema sa businesswoman. Kahit paano ay kumportable naman ito. Nagsimulang magkuwento si Jino kay Felissa at maiging nakinig naman ang business woman. Muling umiyak si Jino at sumaklolo naman si Felissa sa pamamagitan ng paghimas sa likuran ng kaibigang lalaki. “Naiintindihan kita, Jino...” pagpapatahan ni Felissa kay Jino. “Huwag kang mag-alala, narito ako, naiintindihan kita, narito ako...” “Salamat, Felissa...” Tumayo na ang dalawa at hinarap ang isa’t isa. Kahit papaano, kumalma na rin si Jino sa mga comforting words ni Felissa. Gabi na rin at hindi naman lumampas sa dalawampung minuto ang kanilang pag-uusap lalo na ang paglalabas ni Jino ng sama ng loob. Ayon sa building staff, family conflict ang issue nito. Sabay na naglakad ang dalawa papunta sa pinto ng mechanical room. Hawak-hawak na sana ni Felissa ang doorknob nang saka muling humabol ng pagsasalita si Jino dahilan para mapahinto si Felissa. “Felissa...” anang building staff na seryoso ang boses. “Alam mo naman na matagal na rin kitang gusto noong high school pa tayo...” Nagsalubog ang kilay ni Felissa. “Ah, Jino...” tanging lumabas na salita ni Felissa na hindi alam ang sasabihin. Hindi niya rin alam ang gagawin dahil parang hindi naman yata magandang i-open ang ganitong usapan sa isang klase ng private na lugar—ang mechanical room ng Zelda Furnitures building at higit sa lahat, kagagaling lang nila sa seryosong usapan ukol sa family conflict. “Talaga bang hanggang kaibigan lang ang kaya mong ibigay sa akin noon pa man, Felissa? Kahit kaunti ay wala kang naramdaman sa akin? Alam mo naman na matagal na rin akong may gusto sa iyo...” tuloy-tuloy na pagsasalita pa ni Jino. “Jino, ah... Hindi magandang i-open up ang topic na iyan. Let’s go. I think, napag-usapan naman na natin ang dapat pag-usapan.” Bubuksan na sana ni Felissa ang pinto nang saka naman naramdaman ang mainit na kamay ni Jino sa kaniyang braso. “We’e not done talking, Felissa.” Napabuntonghininga naman si Felissa. “Jino, you know, hindi ko alam kung ano ang connect ng family conflict mo sa past natin. Matagal na iyon, hindi ba? Alam natin pareho na hanggang doon lang iyon. Matagal na iyon, Jino. Don’t make a big deal out of nothing.” “Out of nothing?” bahagyang tumaas ang boses ni Jino dahilan para bahagyang mabigla si Felissa. “I like you, Felissa, matagal na. Huwag mong sabihing out of nothing lang ang lahat ng iyon hanggang iyon.” Napalunok si Felissa. Magsasalita na sana ang business woman ngunit humabol pa ng buwelta si Jino. “Hindi ko rin nagustuhan noon pa man ang relasyon ninyo ni Traise. Lalo na noong magkaroon kayo ng mga anak. Pero umasa pa rin ako dahil hindi pa kayo kasla. Pero ngayon na engaged na kayo...” “Jino! Stop!” sigaw ni Felissa na tumaas na rin ang boses dulot ng pangyayari ngayon. “What’s happening to you? This is not so you, Jino! Pull yourself together! Ano ba’ng nangyayari sa iyo, Jino?!” “Talagang hindi na ako ito, Felissa. And you are the reason why I became like this...” Nagsimulang umusbong ang matinding kaba sa dibdib ni Felissa nang maglakad papunta sa gawi niya si Jino. Napalunok nang malalim ang dalaga. Hindi niya alam ang gagawin. Mas lalong nangilabot ang katawan niya nang marinig ang huling sinabi ng kaibigan nang may nakalolokong ngisi sa labi sabay hila sa kaniyang baywang nang mahigpit. “Puwede ka bang maging akin kahit ngayong gabi lang, Felissa...?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD