“Puwede ka bang maging akin kahit ngayong gabi lang...?” Nakatatakot ang boses ng lalaki.
Mas lalong nagsipagtayuan ang mga balahibo ng businesswoman na si Felissa. Hindi niya lubos akalain na sa edad nila ay hahantong pa sila sa ganito—higit sa lahat ay ang kanilang relasyon bilang magkaibigan.
Hindi makapaniwala si Felissa sa lahat ng sinabi ni Jino. Hindi na ito ang kaibigan niya na kilala. Hindi na ito ang dating kaibigan at malayo na ito ngayon lalo sa mga ikinikilos at pinagsasabi. Basta, ang alam lamang ni Felissa ay gusto niya nang makawala sa loob ng mechanical room at humingi ng tulong.
“Jino! Don’t do this! Stay away!”
Huli na ang lahat dahil umabante na si Jino patungo kay Felissa at nagsimulang halikan ang businesswoman. Paulit-ulit na kumawala si Felissa ngunit masyadong malakas si Jino. Paulit-ulit siyang sumigaw ngunit tila walang balak si Jino na pakawalan siya ngayon.
“Matagal ko nang hinintay ito, Felissa. Puwede bang pagbigyan mo ako?”
“Jino! Ano ba?! Lumayo ka sa akin! Wake up!” sigaw ni Felissa ngunit para bang bingi si Jino at walang naririnig, patuloy pa sa ginagawang pagsubok na mahalikan si Felissa. “Jino! Stay away?! PLEASE! Hindi ko gugustuhin na malaman ito ni Traise! I’m begging you! Wala akong pagsasabihan kahit na sino! Stop na!”
Hanggang sa natigil lamang si Jino sa ginagawa nang isang bagsak na bumukas ang pinto ng mechanical room!
Napakalakas ng ingay na nilikha nito at nanlaki ang mga mata ni Jino at ni Felissa!
“What do you think you are doing, you piece of bustard?!” galit na galit na sigaw ng kararating lamang na lalaki at mabilis na sinuntok sa mukha si Jino! Tuloy ay tumalsik sa malamig na semento ang building staff na ito sa lakas ng impact na nilikha ng kararating lamang na lalaki! “How dare you to do this to Felissa?!”
Akmang lalapit pa at aamba ng tadyak ang lalaking dumating ngunit mabilis na nakabawi si Felissa at nabalik sa katinuan sa bilis ng mga pangyayari. Agad nitong inawat ang lalaki at bahagya pang nagulat si Felissa nang makilala kung sino ang nagligtas sa kaniya.
“Stop! Tama na!” awat ni Felissa. Mabilis na nagtatakbo palabas ng mechanical room si Jino na nahihirapan pa at nagdugo ang labi. Tatakbo na sana ang lalaking nagligtas kay Felissa upang habulin si Jino ngunit mabilis na umawat si Felissa rito.
“Elloy...” bulalas ni Felissa at mabilis na napayakap sa lalaki. Napakahigpit na yakap dulot ng takot, kaba, at halohalong emosiyon. Halos ibaon na ni Felissa ang kaniyang mukha sa dibdib ni Elloy dulot ng bilis ng mga pangyayari at hindi inaasahang situwasyon. “Mabuti na lamang at dumating ka, Elloy...”
Si Elloy Eugenio.
Ito ang asawa ni Entice na siya namang nakababatang kapatid ni Felissa.
“You’re safe, Felissa, you don’t have to worry because I am here...” pagpapakalma ni Elloy rito habang hinihimas nang marahan ang likod. “Kung hindi mo ako pinigilan, I might crash his face to the deepest, believe me.” Mariin ang mga salitang binibitiwan ni Elloy na mababakas ang seryosong tono at higit sa lahat ay ang pagbabantang gagawin nga ito.
“He’s a long time friend,” ani Felissa at kumalas sa yakap kay Elloy. Baka mamaya ay may makakita sa kanila lalo pa at parehas silang may asawa. “But I didn’t expect that he likes me sa matagal nang panahon. Hindi niya tanggap na nagkapamilya ako at ang higit sa lahat ay ikakasal na ako kay Traise.”
“Let’s tell this to Traise! He had to know this!” mabilis na pahayag ni Elloy, naiinis pa rin.
“No! Please! Don’t, Elloy!” kaagad na awat ni Felissa na ang boses at hitsura ay kulang na lang, lumuhod na sa pagmamakaawa.
“What? Are you saying I will turn a blind eye here, Felissa?”
“It’s not like that, Elloy!” Mabilis na isinara ni Felissa ang pinto dahil baka mamaya ay makarinig sa kanila. Nababahala ang mukha ngayon ni Felissa. “It doesn’t mean that you will turn a blind eye for what happened and you have had witnessed. I mean, hindi natin ito baliwalain, but please, let’s keep this secret muna, Elloy. Atin na lang muna ito. Ayaw ko nang dumagdag pa sa alalahanin ni Traise.”
Napabuntonghininga si Elloy. “Felissa, you know, matagal na kayong mag-asawa ni Traise. Pamilya na kayo. May mga anak na rin. Ikakasal na kayo, right? Simula nang magkaroon kayo ng relasyon, alalahanin ka niya. Kayong mga babae, concern na namin kayo noong mapa sa amin kayo. Understand that? Kaya no matter what happen, you had to tell this to Traise or else, ako magsasabi...”
“ELLOY!” bahagyang tumaas ang boses na awat ni Felissa. “Still! Kahit na! Let me handle this. Jino is a close friend of mine. He made a mistake. Ako na ang bahala na ayusin iyon...”
“A mistake? Hindi pagkakamali iyon, Felissa. That’s a choice. May choice siya na maging hanggang magkaibigan lang kayo and may choice din siya na lumampas sa hangganan but look, he chose to harassed you!”
“Elloy! Can you please stop?!”
Lumabas ng mechanical room si Felissa at nagmamadaling bumalik sa kaniyang office. Nakita niya naman na nakasunod sa kaniya si Elloy. Napabuntonghininga na lamang si Felissa sa frustration.
“Let me handle this matter, okay?” dagdag pa ni Felissa at isinandal ang sarili sa couch. “What are you doing here in my company?”
Ano nga naman ang ginagawa rito ng doktor na asawa ni Entice na si Elloy? Pagharap ni Felissa kay Elloy ay may dala na itong dalawang brown aesthetic paper bag.
“Ipinaaabot ni Entice.” Ipinatong ni Elloy ang dala-dalang mga pagkain sa glass table at naupo sa harapan ni Felissa sa couch. Hindi makatingin si Felissa sa mga mata ni Elloy. Tuloy ay napainom na lamang ng tubig ang businesswoman at napahinga nang malalim. “Okay, hindi ko na sasabihin sa asawa mo. I am just worried about you, as asawa ng kapatid mo because surely, ganito rin ang mararamdaman nila once na malaman and even masaksihan ang nangyari kanina.”
“Thank you for your cooperation,” matabang na sagot ni Felissa at sinuri ang mga paper bags. “Ako na rin ang bahala kay Jino.”
“But promise me one thing.”
Napaangat ang tingin ni Felissa kay Elloy. Seryoso ang doktor at talagang hindi ito nagbibiro. Kitang-kita ang sinseridad sa mga mata nito. Napaayos ng upo si Felissa. “And what is that one thing that I had to promise?”
“Promise me that once that friend of yours harassed you and did something to you again, do not hesitate to call me and tell me, okay?” Nagsalubong ang mga kilay ni Felissa.
“And why would I do that?” sagot ni Felissa. “Asawa ka lang naman ng kapatid ko, Elloy. Why do I need to trade with you right now?”
“Because I won’t stay still and will tell everything to Traise if you would not, Felissa,” mabilis na sagot ni Elloy. Nag-iwas ng tingin si Felissa. “And you don’t want that to happen, right? Because the moment I tell Traise about everything that I witnessed, your friend would be fired—and you don’t want that to happen...”
“Are you blackmailing me?”
Nagtitigan sa mata sa mata ang businesswoman at ang doktor.
“For the sake of yours, why not? It is for you, Felissa, para sa ikabubuti mo rin naman ito. I was just concerned to you, okay?”
“And who are you to have a concern to me?”
Hindi agad nakasagot si Elloy at napaisip. Binitiwan ni Felissa ang mga paper bags ang pinagkrus ang magkabilang braso sa harap ng dibdib—na para bang sinisiyasat si Elloy. Sino nga ba naman si Elloy pars maging concern nang ganito kay Felissa? At hindi basta-basta concern dahil kung mag-alala si Elloy ay para bang si Traise ito na siyang asawa ni Felissa!
“Asawa ng kapatid mo?” ani Elloy. Hindi na lang din kumibo si Felissa. “Basta, Felissa, magsabi ka agad sa akin, pakiusap lang.”
Sa kabilang banda...
Nakiusap naman si Traise na i-cut nila ang shooting ngayong araw at tapusin ang taping para sa gayon ay isang oras bago makauwi si Felissa ay nasa bahay na si Traise, nagluluto na sa kanilang mansion at makauwi agad nang maaga para sa dalawang anak na sina Wave at Leaf. Nagre-request na kasi si Felissa na miss na raw nang sobra ang luto ni Traise.
“Maaga muna ako ngayon, ah? Pasensiya, tema, bawi ako next time. Alam ninyo naman si Felissa, fan na fan ko sa mga luto ko.”
Nagtawanan ang buong production team sa pagpapaalam ni Traise. Ang iba ay pinuri pa si Traise dulot ng maaalalahanin daw ito sa pamilya—lalo na sa asawa. Nakangiti naman si Traise at excited nang umuwi habang naglalakad papunta sa parking lot. Mabilis niya ring nahanap ang kotse.
Sasakay na sana sa loob ang chef nang bigla na lamang may marinig na tawa sa kaniya.
“Traise!” Napalingon ang chef. “Sama ka muna sa amin! Inom lang sa gilid. Real quick lang naman. Tara na! Minsan lang ito!”
“Kailangan kong umuwi nang maaga! Paglulutuan ko pa si Felissa!” sigaw pabalik ni Traise sa isang direktor na tropa niya.
“Twenty minutes lang!”
Dumating pa ang ilan sa mga kasamahan ng direktor at hinimok din na sumama si Traise. Sa rami nila ay wala nang nagawa pa ang chef kung hindi ang sumama—basta ay naniguro siya na twenty minutes lang ang kaya niya at hindi marami ang iinumin. Isang oras naman ang palugit para makauwi si Felissa kaya’t may isang oras pa si Traise—na siyang mababawasan nga lang ng twenty minutes.
Kaniya-kaniyang dala ng kotse ang iba habang ang ilan naman ay sumakay sa mga kakilala. Dahil malapit lang ang lumapag na agad sila sa Blinky Bar na neon ang theme ng lights.
Marami na kaagad ang tao kaya’t bilang isang responsableng asawa at may mga anak na, sa gilid na lamang pumuwesto si Traise. Sa gilid na halos walang katao-tao at medyo madilim.
“Traise! Sayaw na rito!”
“Chef! G na! Huwag madamot!”
“Minsan lang ito, g*go! Join ka na!”
Kahit ano’ng pamimilit ng mga tropa at kaibigan ni Traise ay hindi siya nagpadala sa mga ito. Alam ni Traise kung ano ang gawin at hindi dapat. Alam niya na ama na siya at pamilyado na—hindi na dapa pa masyadong magsaya-saya lalo pa’t pinagbigyan lang naman ang mga kaibigan dahil hindi makatanggi sa mga ito. Isa pa, hindi alam ni Felissa dahil nahila lang naman siya rito.
May mga nakakikilala rin kay Traise dahil may pangalan sa industriya ang chef at bumabati sa kaniya. Tipid na ngiti at tango lang naman ang ginagawa ni Traise. May mga babae rin naman na dancer at waitress ang nagpapapansin kay Traise ngunit hindi ito pinapansin. Tahimik lang si Traise habang ang mga tropa at kaibigan ay wild na ngayon.
“Madamot ka talaga, brad!”
“Bawi na lang next time, pre!”
“Ingat boy! Bawi next time!”
Nagpaalam na rin si Traise nang sumapit ang hangganan niyang twenty minutes lang sa bar. Nagmamadali siyang tumungo sa parking area na nasa tapat lang din ng bar na iyon.
Palabas na sana si Traise ngunit nakabangga niya ang isang tao at nalaglag ang bag nito.
“I’m so sorry!” mabilis na pagsasalita ni Traise at kinuha ang bag. Pero kinuha rin ng babaeng nakabangga ni Traise ang bag kaya’t nagtama ang kanilang mga kamay. Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Traise at napangiti nang makita kung sino ang babae.
“Traise! Ano ang ginagawa mo rito?!”
“You too, Entice? Where’s Elloy?”
Dahan-dahan silang tumayo. Dahil parehong nakayuko, nasulyapan pa ni Entice ang matipunonh dibdib ni Traise dulot ng bukas ang isang butones ng polo nito. Gayundin naman si Traise na aksidenteng nahagip ng mga mata ang makinis at maputing mga hita ni Entice dulot ng napakaikli ng dress nito. Mabilis na nag-iwas ng tingin si Traise at saka napatayo.
Iniabot ni Traise ang bag ni Entice at nagpasalamat naman si Entice rito. Tuloy ay hindi makatingin sa mga mata ng isa’t isa at parehong may apologetical smile sa mga labi.
“Nahatak lang ng mga dating kaklase na uminom pero tweny minutes lang naman at pauwi na rin,” pagsasalita ni Traise.
“Hoy! Baka hindi alam iyan ni Felissa, ah! Baka nambababae ka rito!”
“Hey, that’s speculation! You can ask my classmates and friends inside! Pauwi na rin ako!” agad na depensa ni Traise. “And you? What are you doing here? Where’s your husband Elloy? Bakit mag-isa ka lang? Baka ikaw kamo ang may kinikitang lalaki rito!”
“Ang kapal ng mukha mo, hoy! Papunta na si Elloy rito at nauna lang ako, ano! Alam mo ba kung bakit nahuli siya? Hindi mo alam!” pagtataray ni Entice. “Galing siya ngayon sa Zelda Furnitures at oo, sa building ng company ng asawa mo. Inutusan kong ihatid ang mga niluto kong pagkain. Susunod na iyon dito. Ano ka ngayon! Tse!”
Mahinang napatawa si Traise dahil straight to the point talaga kung magsalita ang kapatid ng asawa.