Masayang kumakain at nagsasalo-salo ang pamilyang binuo nina Traise Castillano at Felissa Juarez. Nakahain sa mesa ang samu’t saring mga dishes na talaga nga namang pinaghandaan ng haligi ng tahanan na si Traise. Walang kahirap-hirap na nailuto ang dinner dulot ng isang mahusay na chef. Niluto ng chef ang paboritong pagkain ng kaniyang asawa—ang sinigang na hipon. Nakahain din ang ibang mga dishes gaya ng shrimp and snap pea stir-fry, slow-cooker beef and potato stew, pesto tortellini salad, at caribbean chicken. Hindi mawawala ang paborito ni Leaf na siyang bunso—ang piniritong adobong baboy. Para sa dessert naman ay naghanda lamang si Traise ng simpleng shortcake at mint chocolate chip ice cream na paborito ni Wave, ang panganay. “Kumain nang marami!” “Mom is right! Si Dad mismo ang

