[FRANCELI] Grabe. Pumunta si Luthan As in pumunta talaga siya rito sa mountain hiking. Sabog confetti! Sabog fireworks! Sobrang saya ko, lumulutang na ata ang ispirito ko. Hawak niya kasi ngayon ang isa kong kamay habang naglalakad kami sa daan paakyat ng bundok. Ang ewan nga eh. Dati niya pa namang ginagawa ito, iyong hahawak-hawakan niya ang mga kamay ko tapos super sweet siya sa'kin kasi nga nagpapanggap pa rin naman kaming mag boyfriend 'di ba, pero napaka-kakaiba sa pakiramdam ko ngayon. Kinikilig ako, kahit simpleng pagsipot lang naman 'yung ginawa niya. Nakakatuwa rin kasi na dumating talaga siya para sa akin. Kaya naman hindi ko maitago ang ngiti ko habang nasa trek na kami, na napansin niya rin naman. "Masayang-masaya ka ah..." "Oo naman! Pumunta ka eh!" sagot ko sa kanya

