[FRANCELI] Naging busy kami pagkatapos ng picture-taking sa view ng bundok dahil nagtayo na kami ng tents namin sa campsite. Siyempre, by pairs ulit kaya ginawa ko na ang lahat maging magkapares lang sina Xander at Lacie sa iisang tent. Dahil umeeksena ulit si Paco kay Lacie, gumawa ako ng 'moves' para hindi sila ang mag-share ng tent. Pinakiusapan ko si Reuben na pakiusapan si Leila na sila na lang ni Lacie ang magsama sa iisang tent. Mabuti nga at pumayag si Leila kaya wala na ring nagawa si Paco na kay Reuben na lang nakipag-share. Nakahinga na ako nang maluwag dahil naremedyuhan ko pa rin 'yung plano naming nasira na. Nag-thumbs nga sa'kin si Steph na nagsimula namang tuksuhin sina Xander at Lacie na bagay silang dalawa. Sinang-ayunan naman namin yun para magkaroon ng konting excite

