[FRANCELI] Susubukan kong layuan muna si Luthan. Oo, yun na ang napagdesisyunan ko. Hindi na kasi kaya ng puso ko, baka mamaya eh hindi ko na talaga kayanin at bigla na lang akong magsisigaw kung gaano ko siya kamahal. Wala eh, hindi raw talaga pwede. Siya na mismo ang nagsabi. Hindi ko man eksaktong nasabi sa kanya kanina ang gusto kong sabihin, alam kong iyong 'wag' niya ay ang sagot niya. Ayaw niya akong ma-in love sa kanya. Yun ang meaning ng 'wag' niya. Hayup, ang sakit. Ang sakit-sakit sa puso nang sabihin niya yun. Ewan ko kung paano ko napigilang humagulhol sa harap niya nang sinabi niya yun dun sa tent namin pero nagawa ko. Kahit masakit. Siguro kasi alam ko ng yun ang isasagot niya, kaya ganun. Siguro at the back of my mind tanggap ko na kasi ano ba naman ang laban ko sa li

