[LUTHAN] Sobra siyang nalasing at nakatulog na siya sa dibdib ko. Nagulat pa nga ako dahil hindi ko yun akalain, na sa akin siya babagsak nang matumba na siya sa sobrang kalasingan. "Bagsak na ang jowa mo," natatawang komento ni Steph. Tinulungan niya akong buhatin si Franceli papunta sa tent nilang dalawa. Ihiniga namin siya doon sa loob tapos pinagmasdan ko siya. Nataranta naman ako nang makita kong parang naluha si Franceli, akala ko tuloy gising pa siya. "You know what, Luthan, I think mas mabuting dito ka na matulog sa tent ko. Dun na lang ako sa tent niyo. Ikaw na tumabi at magbantay diyan, tutal 'di na rin naman kami makakapagtsikahan." Tumango ako kay Steph. "Nag-aalala ako para sa kaibigan mo, Steph." Tinitigan naman ako nang makahulugan ni Steph. "Luthan, 'yang besh ko, maram

