[FRANCELI] One week pagkatapos ng pag-uusap namin ni Steph, nakahanap din ako ng pagkakataon para makita ng personal si Ethan Lo. May gagawin kasi siyang mall show sa mall na malapit sa'min at pumunta ako dun. Kasama ko pa nga si Steph na mas excited pa yata sa'kin. Napakaaga naming pumila para sa meet and greet niya. Namangha pa nga ako kasi sa dami ng nakapila, na-realize kong sikat pala talaga itong si Ethan Lo. Nang magsimula na ang show, kinabahan pa ako sa 'di ko maipaliwanag na dahilan. At nang magpakita na sa mga tao si Ethan, naramdaman ko na naman 'yung kakaibang feeling na nararamdaman ko sa mga panaginip ko lately. Ni hindi ko na nga alintana ang mga hiyawan at sigawan ng mga fans niya o ang mga binunulong sa'kin ni Steph na nasa tabi ko. Parang huminto ang oras nang makita

