[FRANCELI] Magkahalong kaba, tuwa, at excitement ang nararamdaman ko habang pababa ako ng eroplano. Mag-isa lang akong nagbiyahe kaya hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang nakakapanibago. Hanggang sa lobby ng airport kung saan daw naghihintay ang sundo ko, malakas ang t***k ng puso ko, kaya dinahan-dahan ko lang ang paglalakad ko at ang pagtulak sa trolley kung nasaan ang mga bagahe ko. Pagkarating ko sa waiting area, natanaw ko ang kumpol ng mga taong naghihintay sa pagdating ng mga mahal nila sa buhay at mas kinabahan pa ako lalo. Kinabahan kasi ako sa susundo sa'kin. Pilit ko siyang hinanap sa mga taong naghihintay at agad ko naman siyang napansin dahil may hawak pa siyang banner na may nakasulat na 'Welcome Home Franceli' na alam kong si Steph ang gumawa da

