[FRANCELI] "Oo," nahihiyang sagot ko. "Tingin ko, hindi ko naman kayang iwasan yun. Mangyayari talagang magugustuhan kita." "Franceli, salamat," nakangiti niyang sagot sa akin. Bahagya siyang napahawak sa puso niya na parang may kumirot sa kanya pero agad siyang ngumiti ulit. "Salamat kasi mahal mo pala ako." "Wag kang magpasalamat, sagutin mo na lang ako," pabirong sabi ko. Although half-meant iyon. Napatawa siya. "Ikaw ang manliligaw? Hindi ako?" "Oo naman. Ako kasi nagkagusto sa 'yo eh. So dapat ako ang manligaw 'di ba?" "Pero babae ka..." "Eh ano ngayon? Mahal kita. Kaya liligawan kita." Hindi ko na alam kung saan ko kinukuha 'yung mga sinasabi ko. But I feel like it was the right thing to say. And it was the right thing to do. "Liligawan mo 'ko kahit hindi ako tao?" "Oo naman

