[LUTHAN] Kumabog ang puso ko nang bigla akong halikan ni Franceli. Malakas. At mabilis. Mabilis na mabilis. Ganito pala ang pakiramdam kapag bumibilis ang t***k ng puso mo. Halos dinig na dinig mo bawat pintig at silakbo nito. Damang-dama ko 'yung pinaghalong kaba, tuwa at sigla sa puso ko na dulot ng halik ni Franceli. Hindi ako nakakilos nang ginawa niya yun. Natural, hindi ko alam ang gagawin ko. Kahit pa sabihin nating ilang libong taon na akong nanonood ng ganito mula sa langit, hindi pa rin ako nakakilos. Nakakagulat kasi. At totoo nga 'yung sinasabi nila na ang daling magpayo kapag wala ka sa sitwasyon. Pero kapag ikaw na pala ang nandiyan, hindi ka rin pala talaga makakapag-isip nang diretso. Lalo na sitwasyon ko. Hindi ko kasi akalaing, makakaramdam ako nang ganito. Ang u

