[LUTHAN] Umiiwas si Franceli. Alam kong yun ang ginagawa niya. Kaya nga medyo nakakapagtampo, kasi sampung araw na lang. Nag-resign na ako sa trabaho ko. Wala na rin namang silbing manatili pa ako dun, eh 'di ko rin naman alam kung aabutan ko pa 'yung ibang projects na naka-assign sa'kin para sa susunod na dalawang linggo. Nagulat nga si Ma'am Ella nang sabihin kong aalis na 'ko. Tinanong niya kung bakit. Sabi ko, uuwi na 'ko ng Amerika. Yun naman kasi ang palabas ko, na taga-Amerika ako. "Luthan naman, bakit ngayon ka pa aalis kung kelan sikat ka na? Alam mo bang marami sa mga kleyente natin ang kinukuha ka para sa susunod na ads nila?" Iniyuko ko ang ulo ko. "Sorry po, Ma'am Ella. Kailangan ko na pong bumalik sa'min eh." Kumunot lang ang noo ni Ma'am Ella. "Alam mo Luthan, feel ko

