[FRANCELI] Nang hindi umuwi si Luthan ng gabing iyon, agad na akong nag-report sa pulis tungkol sa nangyari. Alam ko kasi na posibleng may nangyari nang masama sa kanya. 'Wag naman sana, pero hindi naman kasi yun ganun. Kapag sinabi niyang uuwi siya, uuwi talaga siya. Ang problema naman sa mga pulis, hindi naman sila kumikilos para hanapin si Luthan dahil wala pa naman daw twenty four hours mula nang mawala siya. Ngayon ko nga lang nalaman yun, na para ma-declare ang isang tao na nawawala ay kailangan munang lumipas ang bente-kwatro oras na hindi siya nakikita. Nakakabanas. Ano yun, porke't wala pa sa tamang oras ay hindi pa missing si Luthan? Eh asan siya kung ganun? Naglalakwatsa? Sa inis ko ay itinigil ko na lang 'yung pakikipag-coordinate sa mga pulis. Sariling sikap na lang siguro

