CHAPTER 1

1609 Words
Isabela's POV: Kabado ako habang pabyahe patungong Maynila. Wala akong alam sa lugar na iyon. Ngunit, heto ako kasama si Manang Lory, makikipagsapalaran. Hindi na ako maaring tumapak pa sa aming probinsya, iyan ang parusa ko. Parusa na ipinataw ng aking ama sa kasalanang aking nagawa. Hindi nga naman simpleng iskandalo ang aking nagawa, kahit ako ay hiyang-hiya na rin. Kaya kahit na ayaw ko man umalis, ay pinili ko na rin lumayo. Malayo sa mga taong tingin sa akin ay makasalanan. I chose Manila, ayaw sana iyon ng aking ama, mas gusto niyang sa ibang bansa ako ipadala, ngunit matindi ko iyong pinigilan. Maraming magandang eskwelahan sa Manila na tiyak ko na hindi naman ako makikilala ng kahit sino. Kaya mabuti na lang at pumayag ang aking ama. Malayo na nga sa pamilya tapos ay lalayo pa ng bansa. Hindi ko ata makakaya iyon. "H'wag kang mag-alala, Iha. Kasama mo ako," sambit niya, habang tinatapik ang aking balikat. Marahan akong tumango at humilig sa kanyang balikat. She's like a mom to me, sanggol pa lang ako ay nariyan na siya sa aking tabi. Kaya naman sa tuwing may problema ako ay sa kanya ako lumalapit. "Mabuting may nakuhang apartment si Fred malapit sa bahay na titirahan mo, hindi na tayo mahihirapan pang maghanap," sambit niya na marahan kong ikinatango. My name is Isabela Arriaga Navarro; I'll be turning nineteen in a month. Nakakalungkot lang na si Manang Lory na lang ata ang aking makakasama ngayong magbi-birthday ako. Sigurado kasing galit pa rin sa akin nun ang aking ama. If only I could turn back the time, gagawin ko. Ibabalik ko ang oras kung saan kami unang nagkakilala ni Coal. That fvcking bastard! Siya ang dahilan ng lahat ng ito. Kung hindi ko siya naging boyfriend ay hindi ganito kasaklap ang kahihinatnan ng aking buhay. Kung hindi niya ako pinilit na gawin iyon ay hindi ako malalagay sa kahihiyan. Kung hindi dahil sa pabayaan niya ay maayos pa sana ang lahat. Masaya pa sana akong nakakasama ang aking mga kapamilya at mga kaibigan. Ngayon ay naging mababa na ang tingin nilang lahat sa akin. Kahit na ang mga tinuturing kong tunay na kaibigan ay lumayo sa akin. Hindi ko akalain na sa ganitong paraan ko malalaman ang mga tunay na kulay ng aking mga kaibigan. I know it's stupid to blame someone for my mistake, pero hindi ko maiwasang maghanap ng madadahilan para lamang maibsan ang aking nararamdaman. Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa daang binabagtas namin patungong Maynila. Ano kayang naghihitay sa akin doon? Makakahanap kaya akong muli ng mga bagong kaibigan? Gabi na nang makarating kami sa apartment'ng sinasabi ni Manang Lory. Kaya hindi ko masyadong nabistahan ang daan ng aming nadaanan. At wala rin naman akong makikita dahil ang isip ko ay lumilipad. "Hindi ka na ba kakain? Kung hindi ay magpahinga ka na muna, iha." sambit niya na ikinatango ko lamang, saka nagpunta sa silid na itinuro niya sa akin. Pagbukas ko ng silid ay hindi na ako nagulat nang makitang maliit iyon. At agad bumungad sa akin ang isang single bed. Sa tabi niyon ay isang maliit na bintana. Marahan akong nagtungo sa bintana at bahagyang binuksan iyon. Malungkot akong tumitig sa labas na tahimik, at tanging tahol ng aso lamang ang aking naririnig. Tahimik akong nahiga sa aking kama at pinilit ipikit ang aking mga mata. Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Manang Lory, ihahatid niya raw ako sa bahay na pagsisilbihan ko. Nagsuot ako ng simpleng damit at saka isinuot ang puting headbang na bumagay sa mahaba kong buhok. "Napakaganda mo talaga, Iha," nakangiting bati sa akin ni Manang Lory na kanina pa aghihintay sa akin sa labas ng gate. "Kamukhang-kamuha mo talaga ang Mama mo," sambit niya na lalo kong ikinangiti ng malapad. Hindi ko pa kasi nakita ang Mama ko buhat ng isinilang ako. Ang sabi ng aking ama ay lumayas daw ito, sumama sa ibang lalaki. Ang mga naiwan niya namang mga litrato ay itinapon daw ni Papa sa sobrang galit niya. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko na namalayang nakarating na pala kami sa bahay na aking papasukan. Agad akong nagtungo sa guard at sinabihan siyang mag-aapply ako bilang isang katulong. Kumunot pa ang noo niya nang pinagmasdan ang hitsura ko. "Sigurado ka bang katulong ang pag-aaplayan mo?" nagtataka niyang tanong. "Mukha kang mayaman," saad pa niya na ikinangiti ko. "Katulong po talaga, Kuya," paniniguro ako. "Sino 'yan, Bert?" tanong ng isang babaeng may edad na maganda ang lumapit. Nang makita niya ako ay lumapad ang ngiti niya. "Papasukin mo siya!" Nagkamot ng ulo ang guard, bago nilakihan ang gate upang makapasok kami ni Manang Lory. "Naku, dalaga ka na Isab—Isadora, oops, muntikan ko nang makalimutan!" ngiting-ngiting sabi ng magandang babae. "Noong una kitang makita ay ang liit-liit mo pa, e. Halika, pumasok kayo," patuloy niya. Kumunot naman ang aking noo sa sinabi niya. Kilala niya pala ako? Marahil ay nakapunta na siya bahay noon. She must be Tita Kari na sinasabi ni Papa. "Hello, Tita Kari," bati ko. Ang alam ko lang kasi ay ang pangalan niya dahil sa sinabi ng aking ama. Hindi ko naman akalain na kilala niya pala ako at nakita niya na rin noong bata ako. Sa dami kasi ng bumibisita sa amin ay hindi ko na sila matandaan pa. Tuwang-tuwa niya kaming iginaya sa loob, at agad kong nahagip ng aking mga mata ang isang malaking family portrait. I quickly noticed a handsome man who seemed to be Tita Kari’s eldest. Beside him was a woman, and next to her was another handsome man. Magkakamukha sila, pero 'yung matangkad na lalaki ay mukhang anghel—mabait tingnan. Samantalang 'yung lalaking nasa tabi naman ng babae ay gwapo rin, kaso may pagkabadboy look. Ekis na kaagad siya sa akin. Baka kagaya din siya ni Coal, ipapahamak din ako pag nagtagal. Alam ko na ngayon kung sino ang iiwasan. Nadala na ako, ayokong maulit muli ang aking pagkakamali. "Masaya akong nakarating kayo rito sa amin. H'wag kang mag-alala, Isa. Magugustuhan mo rito, mababait ang mga anak ko," sambit ni Tita Kari na bahagya kong tinanguan saka ibinalik ang aking pagtitig sa magkakapatid. Nang mapansin ni Maam Kari ang aking tinitingnan ay narinig ko siyang nagsalita. "Oh, sila ang aking mga anak, Si Rage, ito naman si Rika at Riven," turo niya sa mga anak niya. "Hindi mo pa naman nakakalimutan kami ng asawa kong si Rohan, 'di ba?" tanong niya na ikinangiwi ko. "Ang totoo po ay hindi ko po kayo matandaan, sa dami po kasi lagi ng bisita ni Papa ay madalas nakakalimutan ko na ang mga nagpupunta sa amin," honest kong sabi. "Gano'n ba? Hayaan mo na, ngayon matatandaan mo na kami," masayahin niyang sabi. Inaya niya ako sa magiging kwarto ko, na agad puno na ng mga bagong damit na ikinagulat ko. Ang sabi niya ay regalo niya raw iyon sa akin, alam niyang darating ako kaya namili na siya agad ng mga damit na sa tingin niya ay babagay sa akin. "Nagustuhan mo ba?" sambit ng isang babae na kasing edad ko siguro, Nang lingunin ko iyon ay nakita kong si Rika pala iyon. Ang bunsong anak ni Maam Kari. "Akong mga pumili niyan," natutuwa niyang sabi, sabay lapit sa akin. Halos hindi naman ako makapagsalita sa pagkamangha, lalo na nang gagapin niya ang aking kamay. "Ang sabi ni Mommy ay mamimili kami ng damit para s'yo. Natuwa ako ng malaman 'yon. Sa wakas ay may makakasama na akong kasing edad ko," tila kinikilig niyang sabi. Halos maluha naman ako habang tinitingnan siyang nakangiti. Hindi ko akalain na mainit nila akong tatanggapin sa pamamahay nila. Nawalan man ako ng mga kaibigan ay sila naman ang pumalit. "Ayusin mo muna ang mga gamit mo, tapos ay samahan mo kaming magluto ng meryenda," sambit ni Tita Kari, bago lumabas ng aming silid ni Manang Lory. Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng kwarto at sumunod sa kusina. I know how to cook, so I was able to help with making the lasagna. Nang maluto ang lasagna ay pinagtulungan naman naming ihanda ni Rika ang mga gagamitin sa lamesa. Nang matapos kami ay nagpaalam muna ako na may kukunin sa aking silid. Saktong paglabas ko ng kusina nang makasalubong iyong pangalawang anak ni Tita Kari. Awang ang aking bibig nang mabistahan ko kung gaano siya kagwapo sa personal. Marami na akong nakasalamuhang gwapo, pero ang isang ito. Para bang may aura siya na hinihila ako, ni hindi ko maalis ang aking mga mata sa kanya. 'Ano, Isa? Ang sabi mo iiwasan mo ang may mga ganyang mukha? Bakit parang natulala ka na sa kagwapuhan niya? H'wag mong sabihing bibigay ka sa lalaking iyan? Ano marupok lang?' "Ikaw siguro si Riven?" tanong ko, nang hindi matiis na kausapin siya. Ngayon lang naman, masama naman kung hindi ko siya kakausapin. "A-ako nga," tila nauutal niyang sabi, na ikinakunot ng aking noo. Ako dapat ang kabahan, pero bakit ang isang ito ang mukhang kinakabahan? Kitang-kita ko kung paano aiya lumunok nang malalim habang titig na titig sa akin. Crush niya kaya ako? Hindi ko alam, pero 'yung mga titig niya ay parang may kahulugan. "Paano mo nalaman?" patuloy niya na ikinangiti ko. "Sinabi ng mom mo, at alam kong ikaw na nga 'yung tinutukoy niya," sabay turo ko sa malaking portrait nila na nasa wall. Sa buong durasyon na nakasama ko siya ay panay titig niya sa akin. Hindi ko alam kung napapansin iyon nila Tita, kaya bahagya akong tumutungo sa hiya. Simula ng araw na iyon na hiniling niyang maging alalay ako ay palagi na kaming magkasama, na minsan ay kinaiinisan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD