ISABELA'S POV:
Nagawan ng paraan ni Papa na palitan ang name ko na Isadora Arriaga, imbes na Isabela Arriaga Navarro. Kaya naman ngayon ay nakakapasok na ako sa St. Anselm's University, kung saan sila Riven pumapasok.
Napairap ako ng ilang beses, nang hilahin niya ako patungo sa may Bio Garden tables. Tinawag iyong Bio Garden tables dahil malapit iyon sa Bio lab, isang tagong lugar na napapaligiran ng maraming puno. Kaya kahit tanghaling tapat ay hindi mainit sa pwestong iyon.
Muli akong napairap ng paupuin niya ako sa batong upuan.
"Bakit mo ba ako hinila dito? Ni hindi ko pa nga nasusundo si Rika!" reklamo ko sa kanya.
"Hayaan mo 'yun, malaki na iyon!" Sagot niya, habang binubuksan ang lunch na dala niya para sa aming dalawa.
Ano 'to date? Dito pa talaga sa walang tao?
Agad nangamoy ang mabangong ulam na bistek na niluto sa amin ni Manang Lory. Alam na alam talaga ni Manang Lory ang paborito kong ulam. Iyan pala ang pinaluto niya kay Manang kanina.
"Lagot talaga ako kay Rika neto mamaya, e!" Muli kong reklamo sa kanya.
"I-chat mo!" utos niya, na kinunutan ko ng noo.
"Huh? Wala akong cellphone, remember?" Sabay irap ko.
Wala akong cellphone, nang magpunta kami rito ni Manang Lory. Kinumpiska iyon ng aking ama buhat ng magkaroon ako ng eskandalo.
Sa hiya ko ay hindi na ako nagpumilit pa. Hindi ko naman kailangan din iyon.
"Here!" Sabay abot niya ng cellphone.
Napatitig naman ako sa cellphone niyang mamahalin, pero agaran ko rin namang kinuha.
Wala iyong lock kaya nabuksan ko agad. Napansin ko ang wallpaper niyang ballpen.
Sa dinamidami ng iwo-wallpaper niya ay ito pang ballpen. Tss!
Agad kong hinahanap ang name ni Rika saka mabilis na sinabi sa kanya na dito kami magla-lunch sa Bio Garden. Pinaliwanag ko na hinila agad ako ni Riven kaya hindi ko siya nasundo.
Akala ko ay magagalit siya o magrereklamo, pero heart lang ang ichinat niya sa akin na ikinakunot ng aking noo.
She must be with her crush. Noong isang araw ay tinatanong siya ng crush na sabay sila maglunch na agaran niyang tinanggihan dahil kasama ako. Ngayon siguro ay tinanggap niya na, kaya nagkibit-balikat ng lang ako at tahimik na kumain sa tapat ni Riven, na walang hinto sa pagtitig sa akin.
"Eyes on your food, Mister!" gigil kong sabi.
"Nakatingin naman, ah!" walang kurap niyang sabi, na ikinataas ng kilay ko.
Duh! Sa akin siya nakatitig, e. Ako na ba ang pagkain niya ngayon?
"Ewan ko sa'yo!" Sabay irap ko ulit.
"Bakit ba ang sungit mo? May regla ka ba?" seryoso niyang tanong.
Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit ako inis na inis kay Riven, wala naman siyang masamang ginagawa. Kung minsan pa nga ay madalas niya akong tulungan. Medyo nakakailang lang ang mga titig niya.
"Wala!" mabilis kong sagot, saka muling nagpatuloy sa pagkain.
"Ang cute mo talaga 'no? Ang ganda ng mga mata mo, parang sa manika," aniya habang nakatitig sa aking mga mata, na ikinataas ko ng kilay.
"'Yan! I like how your eyebrow arched, and your lips curled as you looked at me," saad niya pa na lalo kong kinaasar.
Kumukulo dugo ko, napakabolero! Kahapon nga lang may kausap na magandang babae, nagngingitian pa sila. Tapos ako naman ngayon ang bobolahin niya.
Sarap tadyakan ang p*********i!
Saktong irap ko nang mapatigil ang mga mata ko sa may ibabang bahagi ng katawan niya na nakaumbok.
D*mn! Sabay tingin ko sa langit. I'm not a pervert, I didn’t mean to look. But now I couldn’t unsee it. D*mn it!
Sa nakita ay napaisip tuloy ako kung ilang babae na ang napaiyak niya sa laki no'n. Bukod sa malaking umbok sa ibaba niya ay malaki rin ang pangangatawan niya, kaya malamang malaki talaga iyon. Sikat siya sa University na ito, maraming humahabol sa kanya. Lalo na player siya ng soccer at top student pa. Kaya hindi malabong hindi 'yan nagkagirlfriend kahit isa.
Hindi ko talaga akalain na sikat pala si Riven sa iskwelahan na ito. Noong unang araw ko rito ay pinagtitinginan ako ng mga kapwa ko estudyante. Akala ko noong una ay normal lang iyon dahil new student ako. Ngunit, dumaan ang ilang araw ay ganoon pa rin.
Bigla tuloy ako nakaramdam ng takot, baka kasi alam na nila 'yung eskandalong nangyari sa akin. Kaya naman sa tuwing mag-isa ako ay tumutungo na lamang ako, sa takot na may makakilala sa akin.
Not until someone bumped into me, looking like I had pissed her off.
"Sorry," agap kong paumanhin. Hindi makatingin sa kanya ng deretso.
Bigla siyang natawa kaya napaangat ako ng ulo at tumitig sa kanya.
"Kaya naman pala laging nasa tabi niya si Riven: mahinhin kumilos, mahinhin magsalita! Nak ng pucha!" sabi ng isang kasama niya na tila miyembro ng isang sorority.
"Mukha namang hindi," sagot nung isa, sabay tawanan ng malakas.
Confused by what they said, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kaya imbes na manatili dun ay sinubukan kong umalis, ngunit nakakaisang hakbang pa lang ako ay naharang na agad ako'.
"Where do you think you're going?" inis na tanong ng babaeng maarteng nangbunggo sa akin, sabay ng pagduro niya sa aking dibdib.
Isang malakas na duro ang nagpaatras sa akin ng bahagya. Sa sumunod na panduduro niya ay nawalan ako ng balance. Sa takot na matumba ay napapikit ako, ngunit imbes na sa sahig ako bumagsak ay sa matigas na bisig ako napadapo, na dahilan ng agaran kong pagmulat.
Halos dumagundong ang t***k ng puso ko nang makita ang mga mata ni Riven na titig na titig sa akin. Nang matauhan ay doon lang ako kumawala sa mga bisig niya, saka tumayo ng maayos.
I didn’t know whether to thank him or push him away. My heart was still racing. Sa huli ay pinili ko na lamang manahimik, sa takot na may masabi akong hindi kaaya-aya.
"Lay a finger on her, and you'll regret it!" matalim niyang sabi sa babae, bago niya ako hinila palayo roon.
Tss! Ipinilig ko ang aking ulo sa aking mga naalala. Nababaliw na talaga ako. Nang ibalik ko ang titig ko sa kanya ay ngumingiti na ulit siya.
Nang matapos kami kumain ay agad na akong tumayo't nauna na sa kanya, habang bitbit ang baunang dala kanina ni Riven.
Agaran naman siyang nakasunod sa akin nang walang kahirap-hirap.
Nang pumantay siya sa akin ay iniakbay niya ang kamay sa aking balikat, na hinayaan ko na lamang.
Sanay na ako sa pang-aakbay niya, dahil kahit naman ilang beses ko iyong tanggalin ay ibabalik niya rin lang naman.
Maya-maya ay napansin ko na ang pang-aamoy niya sa aking ulo, kaya bahagya akong lumayo.
"What?"
Imbes na sumagot ay napailing na lamang ako, sabay tanggal ng braso niya sa aking balikat saka mabilis na naglakad.
"Siguro crush mo 'ko 'no? Kanina ka pa tingin ng tingin!" habol niyang sigaw, na ikinatigil ko.
Duh! Siya magiging crush ko?
"Dream on!" lingon kong sabi, sabay belat at nagmamadaling tumakbo.
Habang tumatakbo ay napahawak ako sa aking dibdib. D*mn! Bakit parang kinikilig ako? Tss... Isa, tumigil ka nga!