ISABELA'S POV:
Kinagabihan, bago ako matulog ay may kumatok sa aking silid. Si Manang Lory ay bumalik na sa inuupahan naming bahay. Hindi kasi siya pwedeng manatili rito dahil baka makahalata si Riven na yaya ko si Manang Lory. Bumabalik lamang siya rito sa umaga, at umaalis kapag matutulog na.
Napasinghap ako nang mapagbuksan si Riven na nakatayo sa labas ng aking pinto.
"B-bakit?" nauutal kong tanong.
Hindi naman ako kinakabahan, kaso medyo na-awkward ako kanina nung sinabihan niya akong crush ko raw siya. Ewan ko, pero simula nang sabihin niya iyon kahapon ay nahihiya na ako sa kanya humarap.
"Iaabot ko lang 'to," mahina niyang sabi, na ikinapagtaka ko.
Sabay tingin ko sa parihabang karton na hawak niya.
Nang tanggapin ko iyon ay nanlaki ang aking mga mata sa nahawakan.
"Cellphone?" tanong kong may pagtataka, habang nakatitig sa kanya. "Mahal ito, ah." Inikot-ikot ko pa iyon para masipat ng maigi. Nang buksan ko iyon ay lalo akong namangha na makitang pinakamahal pa ang binili niya.
Bakit niya naman ako bibigyan ng cellphone?
"Ang mahal nito, ah," kagat-labi kong sabi.
"Naawa kasi ako sa'yo. Wala kang magamit, wala kang pang chat sa amin," nakapamulsa niyang sabi, na ikinanguso ko.
Sus! Kaya pala siya umalis kanina pag-uwi namin ay dahil bumili siya nito. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.
"Salamat," sambit ko, na ngiting-ngiti. "Baka naman utang 'to?" biro kong paniniguro.
May pera naman akong pambayad, iyon nga lang ay baka magtaka siya kung saan ko kinuha iyon.
Tumango siya, bago tumalikod.
Akamang isasarado ko na ang pinto nang pigilan niya iyon.
"Bawal gamitin 'yan sa maling bagay ha! Iyon lang, sige, matulog ka na, matutulog na rin ako," aniya, na para bang natataranta siya.
Kumunot na naman ng aking noo.
Bawal gamitin san? Ano naman sa tingin niya ang gagawin ko sa cellphone na ito? Bawal kaya saan?
Nagkamot siya ng ulo saka nagpaalam, siya na rin ang nagsarado ng pinto. Naiwan akong nakatulalang nakatitig sa cellphone na binigay niya.
He said he bought it because he felt sorry for me. Talaga ba? But what if it’s more than that? What if he’s starting to care? Madalas ko siyang mahuling nakatitig sa akin, pero 'di naman nagsasabi o umaamin na gusto niya ako. Paano kung gusto niya nga ako? Paano kung magustuhan ko rin siya? Mabaliw ako sa kanya? And what if maulit muli ang nangyari dati? Baka ipatapon na ako ng tatay ko sa dulo ng Pilipinas, sabay ngiwi ko.
Tss! Bakit ba ang layo na ng mga naiisip ko? Binigyan lang naman ako ng cellphone, kung ano-ano nang pumasok sa utak ko. Gising, Isa! Katulong ka nila, hindi ka senyorita gaya ng dati sa bahay niyo.
Muli akong napatitig sa cellphone at napabuntong-hininga ng ilang beses.
D*mn! Kaya hindi ko pinilit na magka-cellphone sa takot na baka may makita o mabasa ako na tungkol sa akin na hindi maganda. Natatakot akong baka mahanap niya ako't muling kausapin.
But it's just a cellphone, right? Hindi ko naman makikita kung hindi ko dadalawin ang mga kakilala ko, 'di ba??
Sa huli ay napabuntong-hininga ako, pinag-iisipan kung bubuksan ko ang cellphone o hindi. Sa kaiisip ko ay nakatulog akong hawak iyon.
Kinabukasan ay sobrang lakas ng ulan na halos mabasa ako paglabas ng sasakyan. Paano ba naman nakisukob pa itong si Riven. Nasira daw yung payong niya, kaya wala akong nagawa kundi pasukubin siya.
His hand automatically reached for my waist, na ikinanigas ko ng bahagya. I don't know why, but I felt an electricity run through my skin.
Kay Coal ay hindi ko naman naramdaman ang ganoong pakiramdam, bakit kay Riven meron? O dahil sa malamig lang kaya ako nakaramdam ng gano'n? Hindi ko rin akalain na hahapitin niya ang aking beywang kaya siguro nag-react ang aking katawan.
Awang ang aking bibig at napatitig ako sa kanya, na nakatitig din pala sa akin.
"What? Kaiangan kitang hapitin para hindi tayo mabasang dalawa," aniya na ikinasinghap ko.
Fvck! Ano ka ba naman, Isa! Bakit kasi binibigyan mo ng kahulugan ang simpleng pagkapit sa beywang mo? Napahiya ka tuloy ng 'di oras.
Gosh! Maganda ba ako sa paningin niya? Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang may scandal ako?
Paliko na sana kami sa kanang building nang may makasalubong kami na tao na hindi ko inaasahan na makikita ko rito.
"Kamusta ka na?" ngiti niyang sabi, ngunit hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.
"Who is he?" Takang tanong ni Riven, lalo niyang hinigpitan ang pagkapit sa aking beywang.
Diniinan ko ang pagkapit sa aking payong bago nagsalita.
"Anong ginagawa mo dito?" galit kong sabi.
"Can we talk?" tila nagsusumamo niyang sabi. Inilipat niya ang kanyang titig kay Riven tapos sa kamay nitong nakahawak sa aking beywang, sabay iwas ng tingin na para bang maiiyak.
(What haffen, Vella? Why are you crying again? Charot! Hindi 'to kasama HAHA)
"Sinusundan mo ba ako?"
"Because I had to. Umalis ka na hindi mo man lang pinapakinggan ang paliwanag ko. I've been trying to reach you, God knows I tried—but your father kept blocking me," halos nagsusumamo niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya. How dare he speak so carelessly, pero bago pa marinig lahat ni Riven ang problema ko ay inaya ko na siyang umalis.
"I'm sorry, male-late na ako, saka na lang tayo mag-usap," walang lingon kong sabi, as I walk past him.
"Is he your ex?" takang tanong ni Riven, matapos naming malagpasan si Coal.
Yes, he's my ex-boyfriend. Nakilala ko siya sa isang birthday party ng common friend namin. Siya na ata ang pinakagwapong lalaki na nakita ko at that time. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang black suit, pati ang gupit niyang thunder fade. May pagka-bad boy look siya, na nagustuhan ko. He thought I was older than I actually was, kaya niligawan niya ako. Hinayaan ko lang na isipin niya na gano'n. My fault, ang dami kong maling nagawa noon nang dahil lang sa gusto ko siya. Now I am facing the consequences of the choices I made.
Nang hindi ako agad sumagot ay muli siyang nagsalita.
"Y-yes," pag-amin ko sa kanya.
Napaawang ang labi niya, at bahagyang natigilan. Saka umiwas ng tingin sa akin, bago muling nagsalita.
"Kapag ex, ex na dapat! Hindi na para kausapin pa," tila galit niyang sabi. "Tsaka... ang panget niya! H'wag mo ng balikan!" sambit niya, bago ako iniwan sa may pinto ng classroom.