Chapter Two

1480 Words
“I will work hard and I’ll come one day to marry you.” He took something out of his pocket. Two gold key chains, if you are going to put the two together they will form a heart. “Keep the other half My Beautiful Karma, a sign that my heart is already yours.” Marahan kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ang aking telepono. Parang hinahati ang ulo ko sa sobrang sakit. Siguro ay dahil sa puyat at alam ko sa sarili ko na ang Thunder na ‘yon ang may kasalanan. Hindi ako nakatulog dahil sa kanya. Dahil sa kakaisip kung ano ba talaga ang kailangan niya sa akin at kung bakit ang sarili kong katawan ay pinagtataksilan ako at isinisigaw siya. “I’m still sleeping for God’s sake! Who the f**k is this?” tanong ko habang nakapikit pa rin. “P-Panget…” I quickly stood up as I heard how broken Bella’s voice is. “W-What happened?” “Can I see you?” “Of course, can you please tell me what happened? I’m worried!” “Fifteen minutes, please.” She said in a low voice right after the line got disconnected. Agad ko namang inayos ang sarili ko at hinintay ang pagdating ni Bella kahit na sobrang sakit ng ulo ko dahil sa puyat. Nagmamadali akong pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos ay bumaba na ako at naabutan ko naman ang mga katulong na inililigpit ang mga kalat kagabi. Gumawa ako ng kape tapos ay pumunta sa sala para manuod ng TV habang hinihintay ang pagdating ni Bella. Ilang sandali lang ay nakita kong inuluwa na siya ng nakabukas na pintuan. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ang maga niyang mata na parang magdamag siyang umiyak. “What the hell?” Mas ikinagulat ko ang agad na paglapit niya sa akin at niyakap ako. Humagulgol din siya kaya namutla ako. I don’t really want to see her crying like this. Simula pagkabata ay magkaibigan na kami. Noong mga bata pa kami, kahit hindi niya sabihin ay alam kong pakiramdam niya nagiisa lang siya, at iyon ang isa sa mga bagay na ayokong maramdaman niya. Ayokong nasasaktan siya. She’s more like a twin sister to me, and I promised myself not to let anyone hurt her, including my brother, Karlos. Or else, I swear to all saints that they’ll cry blood. “Pretty, can you please tell me what happened?” “I’m busted. H-He told me that he’s done and tired of me already… I-Ibinigay ko sa kanya ang lahat. P-Pati ang sarili ko…” literal akong napanganga sa narinig. Nanlaki rin ang mata ko at hindi makapaniwala. “W-Who?” tanong ko kahit na may ideya na ako kung sinong tinutukoy niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero umaasa ako na sana ay hindi siya. “Thunder…” nang marinig ko ang pangalan niya ay parang nagunaw ang mundo ko. Pumikit ako ng mariin at bumuntong hininga. “Ilang buwan na kayo?” “Two-weeks.” “What the f**k Bella Tiglao? Two-weeks lang tapos feeling emo ka na?” Gulat na saad ko. “Huwag ka ngang sumigaw, tulungan mo na lang akong mag-isip kung paano makakaganti.” Kunot noo ko siyang tinignan. “What do you mean?” “I… I want to get even. Please help me!” “Off course I will,” nakita kong napangiti si Bella at marahang tumango. “That immature jerk, I’ll make him pay for hurting you.” I raised Bella one brow then showed her an evil grin. “I’ll give him a dose of his own Medicine, Bella.” “W-What are you going to do?” “Ako na ang bahala, just give me some of his personal information.” “Thunder Del Valle. Twenty-six years old. His birthday’s on April 1st. President of Del Valle Group of Companies, son of Franco and Rainy Del Valle, ano pa ang gusto mong malaman?” saglit akong nag-isip bago umiling. “President of DVGC, you mean? I guess I need to see him now.” Kumunot ang noo niya. “Para saan?” “I’ll apply as his secretary.” Sinimangutan naman niya ako. “Meron na siya, at hindi mo ba inisip na baka magalit sa ‘yo si Tito Alejandro? He’s been pursuing you to be part of Samonte Enterprises and you keep on rejecting him. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ng Tatay mo?” ipinaikot ko naman ang mata ko sa narinig. “He’ll never know if you will keep your mouth shut, Bella. And this is for you, gusto kong makuha ang hustisya at katarungan para sa namatay mong puso.” Narinig ko ang marahang halakhak ni Bella kaya kahit papaano ay napanatag na ang loob ko. “Funny, panget. Anyway, thank you so much for this.” Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. “Pero paano naman ang sekretarya niya?” tanong ni Bella kapagkuwan. “It’s either he’ll fire him or her or just give him or her different job. Bahala siya kung anong gusto niyang gawin. He can’t turn me down and you know exactly what I mean.” Agad na tumango si Bella at ngumiti. “You’re right, he can’t turn you down.” “What?” “I mean, no one can turn you down.” Bumuntong hininga ako at tumango. “Go home Bella. Fix yourself up and rest. You look like a mess.” Tumango naman siya sa sinabi ko. Pagka-alis ni Bella ay agad akong naligo ulit para masimulan ko na ang paghihiganti sa lintik na Thunder na ‘yan. I dressed myself up a semi formal but quite revealing black and white dress then headed my way up to his territory. Hinubad ko ang suot kong salamin pagkakita ko sa malaking logo na nasa building. DVGC. Ngumisi ako at sinuot ulit ito at agad akong humanap ng mapagpaparadahan ng Altis ko at bumaba na. Pagkapasok ko sa loob ay agad akong pumunta sa front desk at ngumiti sa babae na agad naman niyang sinuklian. “Where’s Thunder Del Valles’ office?” agad na tanong ko. “Do you have any appointment with Mr. Del Valle Ma’am?” tinanggal ko ang suot kong salamin at tinaasan siya ng kilay. “I don’t understand why certain people tend to answer a question with another question. Now it’s either you’ll tell me his office or I’ll ask my boyfriend to fire you. My name is Karma Samonte.” “S-Sorry po ma’am, 1-16th floor, room 614.” Ngumisi ako at tinalikuran na siya. Agad akong pumunta sa may elevator para hanapin na ang sinabi niyang room number. Taas noo akong naglakad at hindi naman ako nahirapan na hanapin ito. Huminga muna ako ng malalim habang nasa harap ng pintuan ng opisina niya bago ko ito binuksan ng hindi kumakatok. “What the—” Hindi niya naituloy ang sasabihin nang makita ako. Matamis naman akong ngumiti sa kanya. “W-What are you doing here Kar- Ms. Samonte?” “I want to be your secretary Mr. Del Valle.” I said as I help myself sat on the chair in front of his office table. “Miss Samonte, I already have a secretary.” “I know Mr. Del Valle. It’s either you’ll fire her or give her a different job.” Nakita kong kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Tinignan niya ako ng may halong pagtataka. “Miss Samonte, I don’t even know why you are here or if what this is all about. As you can see, I’m such a busy person, now if you’ll excuse me; the door is widely open for you.” “I just want to be with you, is that too much to ask?” I asked in a bit seductive tone. Nakita ko ang sunod-sunod na paglunok niya at ang pag-baba ng kanyang tingin sa aking dibdib. Pumikit siya ng mariin at mahinang nagmura. Binuksan niya ang mata niya ay pinagmasdan ako ng may halong pagtataka. Pagkatapos ay hinawakan niya ang cellphone niya na parang may tinitignan. Ilang sandali lang ay ibinaba niya ito at tinignan ulit ako. “f**k!” Mahinang mura niya. “Fine, you’re hired.” That fast? You are indeed a playboy, Thunder. Narinig ko siyang nagbuntong hininga kaya napangiti ako. “Thank you so much, sir.” Agad akong tumayo at lumapit sa kanya. Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya na mas lalo kong ikinatuwa. Niyakap ko siya at sinadya kong idikit sa kanya ang dibdib ko. I know exactly how dangerous it is to play fire with you, Thunder. But I’ll risk it all. You need to learn your lessons. You should’ve known better, Del Valle. I secretly wore my victory smile as I heard him groan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD