NAPANSIN ni Kring-Kring na namumutla si Veronika. Naroon sila ngayon sa bahay ni Lolo Pablo para ipagpatuloy ang pag-aayos ng kasal niya at ni Paul Christian. "Veronika, okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya. Ngumiti ito, pero halatang pilit. "Yes, yes. I'm fine. Napuyat lang ako kagabi since nagkaroon ng problema sa wedding na inaasikaso ng isa sa mga tauhan ko." Sa ilang araw na nakakasama ni Kring-Kring si Veronika ay napag-alaman niyang hindi lang pala ito isang wedding organizer. The truth was, she owned Fairy Tales—an events organizing company that pretty much focused on weddings. Kilala rin ang kompanya nito na humahawak sa kasal ng mga prominenteng tao. Lolo Pablo sure wanted his grandson'swedding to be grand. "Baby munchkin." Nang tumingala siya kay Paul Christian ay sinalu

