22nd Chapter

3305 Words

GUSTO sanang bumalik ni Kring-Kring sa kuwarto kung saan nagpapahinga si Veronika habang hinihintay ang discharged paper ng dalaga, pero ngayong naroon na si Mr. Chua, naiilang na siyang makasama ang matanda. Hindi niya alam kung naroon pa si Paul Christian. Pero malamang sa oo, nagbabantay pa ito kay Veronika kahit naroon na si Mr. Chua. Nang may makita siyang coffee machine sa hallway, huminto siya at kumuha ng kape. Kailangan niya iyon para kahit paano ay kumalma siya. Pero tinitigan lang niya iyon, saka siya bumuntong-hininga. "You look bothered." Napapiksi si Kring-Kring nang narinig ang boses na iyon. Nalingunan niya si Julian na hindi niya namalayang nalagpasan pala niya. Nakaupo ito sa baitang ng hagdan ng emergency exit sa gilid ng vending machine. May hawak itong Styrofoam ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD