"INAAYA akong magpakasal ni Paul Christian," anunsiyo ni Kring-Kring sa mga kaibigang sina Pretty at Tiara na kasalukuyang nire-raid ang laman ng refrigerator nila sa bahay. "Hindi ka pa rin ba nakaka-move on, girl?" tanong ni Tiara na nakakita ng peanut butter. "Oo nga," sang-ayon naman ni Pretty na na-spot-an ang tasty bread sa ibabaw ng refrigerator. "Saka hindi mo na uli nakita si Paul Christian after nating maka-graduate, 'di ba?" "Nagkita kami kahapon. May amnesia siya kaya naniniwala siyang totoong naging kami. And he wants me to marry him," seryosong sabi ni Kring-Kring. Nagkatinginan sina Pretty at Tiara, saka sabay na natawa. Nanatili siyang seryoso. Nanlaki ang mga mata ni Pretty, saka hinampas sa braso si Tiara para pahintuin ang huli sa pagtawa. "God! Seryoso ka?" Bumun

