9th Chapter

2477 Words

"PUWEDE ba tayong magkuwentuhan, hija?" Natigil sa pagsubo ng biko si Kring-Kring nang lapitan siya ni Lolo Pablo. Ibinaba niya ang platito sa mesita at ngumiti siya sa matanda. "Oo naman po, Lolo." Naglakad sila ni Lolo Pablo sa hardin. Simple lang iyon, gaya nang kung gaano kasimple ang ancestral house na pag-aari ng matanda. Pero gustong-gusto niya ang mabulaklak na mga puno ng bougainvillaea. "Kring-Kring, ano'ng naramdaman mo nang muli kayong magkita ng apo ko?" tanong ni Lolo Pablo. Tumingala siya sa mga bulaklak. "I felt blessed when I saw Paul Christian again, Lolo." "Blessed?" tila gulat na sabi ni Lolo Pablo. "Hindi ko inaasahan ang sagot mong 'yan, hija." Napangiti si Kring-Kring. "Sa dami ng taong nagkakahiwalay minu-minuto sa bawat araw, masuwerte ako na nagkita uli kami

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD